Frustration and disappointment....
Siyang tunay at mahusay, hindi unique sa ibang bansa.
Tayo ay nag-i-import ng mga produkto na mula sa ibang bansa.
Kuntento na ang mga tao dito sa ating bansa sa ganoong gawi.
From the days or years of colonialism, our country's past government up to the current, people's minds and education are wired to export services and import products from outside and making this country a logistics hub for other countries.
The country's system of education has its issues and challenges that are self-inflicted, resulting from internal mismanagement, bureaucratic inefficiencies, and policy decisions that failed to anticipate consequences.
At ang industrialization, manufacturing, research and development ay binalewala kaya napag-iwanan na.
Ang bansa ay isang konsumer .
That is the business of the land.
Talent export and conversion...
People's talents are ignored and thrown to abyss.
Ang mga naging doctor dito sa ating bansa ay nagiging nurse sa ibang bansa.
Ang mga naging teacher dito sa ating bansa ay katulong sa ibang bansa.
We export nurses, seafarers, domestics helpers etc.
As always, we all look up to them and receive their foreign currency remittances to help this country.
Sila ang mga makabagong bayani sa modernong panahon.
Trying to make ends meet.
This is the people's business.
Brain drain...
Ngunit unique ang talent dito sa ating bansa at madalas ay minamaliit ng kanilang kapwa.
Hindi masamang tumingin sa labas ngunit dapat din bigyan importansya na kailangan tumingin din dito sa ating bansa.
Ang mga taong merong talino ay umaalis at ginugugol ang kanilang husay at propesyon sa ibang bansa.
The talented man from Cebu might end-up working in another country.
At ang kanyang husay at talento ay gagamitin upang makagawa ng produkto upang i-benta sa ibang bansa o sa ating bansa, sa iyo...
Magdidiwang at magbubunyi ka na kung iyong matuklasan na ang tao sa likod ng idea ng ginawang produkto ng isang global company mula sa ibang bansa ay ating kababayan o meron kontribusyon ang ating kababayan.
As always, we will end-up saying proud to be pinoy.
With matching gesture of placing a clenched fist against the chest at the same time pointing to the sky with the other hand.
And we see differences between "proud to be pinoy" vs "pinoy pride". And a debate ensues.
At anong uri ng mga mamamayan ang naiiwan dito sa ating bansa kung ang mga taong merong talento, husay at malawak na pag-iisip o imahinsayon ay umaalis?
Need of support...
Maihahalintulad ito sa mga karakter ng komiks o pelikula na "The Matrix".
Silang mga karakter na mga nakawala sa mga bagay na nagkukulong sa kanila.
The potential is already there. It is boundless, endless, and immense. Need ng support nila.
Yung mga hindi malalim ang bulsa, ang pwede gawin ay word of mouth.
Yung mga may kakayanan, malalim ang bulsa, meron impluwensya sa mga industriya at gobyerno, kailangan nila lawakan ang kanilang isip.
Hindi pa huli para sumuporta sa kanya o sa kanila na merong talento, husay at malawak na pag-iisip o imahinsayon.
Stay curious...




