🔒 Closed Anxiety or Depression?

Status
Not open for further replies.
Well, pasesnya na po kung dito ako nagpost. Ayaw ko aksi sa ibang platform like facebook or whatever, daming nega kasi doon. So, yan yung nilagay kong title kasi di ko na alam gagawin ko. Nagstart lang to nung namatay yung dad ko bale September 21, 2017. 2 years na siyawang wala, Babae po ako kaya siguro nanghihinaan talaga ako ng loob. So, sa una, parang wala lang kasi nung namatay si dad, everytime wala akong ginagawa napapaisip akong bigla na "paano na kaya pag namatay ako? Ano kaya feeling ng namamatay?" Nagttry ako ng pigilan yung hining ako, ang sakit hanggang sa napaluha ako, du ko nalang tinigil pinaggagawa ko, paisip ulti ako na " ganito ba naramdaman ni dad? Sobrang sakit na hinahabol o nirereach niya yung hangin?"

So natuloy tuloy na hanggang ngayon, pero mas worst na, kasi bigla bigla nalang maririnig ko yung boses ni dad na pinapagalitan ako, pasaway po kasi ako tlga noon. Naririnig ko na sinasabi niya pag may gingawa ako "hindi kasi ganyan anak" minsan pag naaalala ko mga kasalanan ko kay dad, maririnig ko yung "kasalanan mo kung bakit ako namatay" which is yan din ang sabi ni mama nung namatay si dad. Sobrang grabe kasi mga kasalanan ko na napapahiya ko yung dad ko sa iba, which is lagi niya niya sinasabi sakin noon buhay pa siya "anak, karesperespeto akong tao sa labas kahit na matataas na posisyon ginagalang ako, pero sa loob ng bahay alila ako" totoo naman yung sinasabi ni dad, di rin naman ako pati nanay at mga kapatid ko. Walang respeto kay dad. Retired SPO4 Chief Investigator pala siya. and yung cause ng death is aneurysm. Pero ng dahil sa may bukol pala si dad sa kidney, hilig kasi maginom. Tagal na pala nilihim samin ni dad almost 8 years na yung bukol. Hanggang dumating yung time nilagnat siya at sa gabi tumae ng dugo.

So heto na nga, until now mas lumalakas yung boses na naririnig ko, sa gabi di ako makatulog kakaisip kung ano yung feeling ang yung mararamdaman mo kung namatay ka na. Nagresearch pa ako pero evrytime binabasa ko ang sakit sa ****** kasi tanging nasa isip ko lang is ganun ba naramdaman ni dad. At yung isa pa, Pag ba namatay ako, or yung mga namatay ba, totoo ba yung langit? May after life ba tlga? May bubungad ba sakin na bagong buhay at magkikita ba tlga kami ni dad? O baka naman pag namatay na tayo, wala na tlga, lahat ng memoriesna binuo natin mula pagkabata mawawala ng isang iglap.

Nagsabi sabi na rin ako sa mama ko, mga kapatid ko at sa boyfriend ko, pero di parin gumagaan pakiramdam ko, di ko maiexplain, gulong gulo utak ko, at ngayon lang ako nakramdam ng ganitong takot. Sobrang natatakot ako kasi hindi ko tlga alam kung ano mangyayari sakin if mamatay ako. Lalo na yung sabi sa mga niresearch ko na mauuna mawawala yung paningin, yung makikita nalang is maliwanag or white backround parang ganun na siguro baka yun yung case kung bakit akala natin heaven na yun.

Sa inom ko nalang din dinadala at pinapalispas oras ko sa gabi, yung sakto lang na pampatulog, araw araw nalang. Kapag aksi nagkwento ako tungkol sa nararanasan ko ngayon sa pamilya ko or kaibigan, ayaw nila maniwala, tatawanan pa ako. Sabing nababaliw nalang ako.
 
Okay lang na kahit di niyo basahin, atleast dito nilabas ko man lang lahat,di naman lahat lahat, kasi pag sa iba ko sinasabi, di ko alam pano simulan at minsan kulang kulang na kasi naiinterrupt ako magsabi dahil tanong ng tanong sila, nalalayo yung usapan.
 
Hmm. Bottom line is depressed ka. Wag mong pabayaan ang katawan mo, sa halip ay alagaan mo ts. Oo, hindi na natin maibabalik ang nakalipas na. Pero wag mong gawing dahilan iyong para sirain ang katawan mo. Isipin mo, kapag ba namatay ka, sasaya yung taong nasa paligid ko? Yun din gusto ng tatay mo na mangyari sayo?
 
At isa pa, muntik muntikan na akong magpakamatay just this few weeks ago. Pagod na ako sa kakaiyak sa gabi.
Suicidal din ako dati. Pero nag-isip isip ako. As in deep thinking talaga. Pero walang mangyayari kung ang gagawin mo lang ay magpakamatay.
 
Medyo nakaka bahala na po yung sitwasyon nyo ts pero isa lang masasabi ko kahit di ko pa naranasan yan pero may mga naging kaibigan ako na ganyan ang sitwasyon noon.(di nga lang nakakarinig madalas ng mga boses, pero napapaisip sila na naalala nila yung mga masasaklap at mga iba ibang pangyayari ng nakaraan).

Nalabanan nila yung ganyang pangyayari by acceptance, tinanggap nila yung pangyayari ng nakaraan, diba sabi mo 2 years na since nawala si Daddy ang gawin mo lang nyan ay isipin ang mga positive na bagay. Be positive ka lang, lagi kang maging kalma at iwasan mo yung pag iisip ng mga nega. Focus mo yung sarili sa mga goals mo. Isipin mo yung goals mo para din sa mga magulang mo na kahit wala na si Daddy mo ay nandyan parin ang nanay mo at mga kapatid mo para sayo. Kasi ts di nakakatulong yung pag iisip ng mga negative lalo ka lang papabigatin nyan.

Mag start ka ng bagong masayang buhay. Alam ko hindi madali pero kahit matagal/mabagal unahin mo sa mga positive, basta positive lang.

I hope malabanan mo yan, kase sa case mo alam mo pa yung nangyayari sayo.

At mag pa konsulta karin pala sa Psychiatrist para malaman mo kung ano na talaga ang nangyayari sayo

Isa pa pala kung Christian ka, keep praying lang yung nagmumula sa puso 😇
 
I've been there sa suicidal thought pero napaisip ako mas marami pang mas mabigat ang problema kaysa sa akin, may mga taong mag isa na lang at wala ng pamilya, hindi nakakakain ng sapat, nabubuhay sa kalsada, namamalimos pero kahit ganun ang kalagayan nila pilit silang lumalaban sa buhay. Tama yung sabi ng isa sa taas, ano mararamdaman ng pamilya mo kapag nawala ka?
 
Ts wag mong isipin kung anong mangyayari pag namatay ka at wag kang sumuko, isipin mo yung mga mahal mo sa buhay.

Mas maganda na mag focus ka sa mga bagay na makakalimutan mo yung lagi mong iniisip. And always pray before you sleep.
 
Ako nga di makatulog at pag natulog man ako lagi akong binabangungot tapos pag nagising ako may scenario agad sa utak ko(negative) tapos sasakit yung ulo ko yung sakit na parang pinipiga yung ulo mo... tapos may namatay dito samin, pag gabi yung mukha ng namatay ang nasa utak ko tapos bigla nalang akong napatanong "Ano kaya yung nararamdaman niya nong namamatay na siya?" Wierd diba? Haha ako kasi pag natakot di ako makakahinga yung parang nauubusan ka na ng hangin.
Yung mama ko kasi pag sinabihan ko yung mga nararamdaman ko lagi niyang sinasabi na "lagi ka nalang ganyan, lagi maraming nararamdaman(galit)" kaya ngayon di ko na sinasabisana sakanya :) at wala akong kaibigan haha introvert
 
Salamat po, di ko na kayo iisa isahin, malaking bagay na po yung pagunawa niyo sa kwinento ko. Grabe ang haba pala, di ko namalayan. Maraming salamat talaga.
 
Slamat sa mga advice niyo, mas maigi yatang magpatingin na nga ako. Kasi, di ko na kaya, nanghihina na rin katawan ko, kakagising lang pero hinang hina na tlga, wala ako magawa kasi yung alak nalang nakakapatulog sakin. Or baka naman ginagawa ko na tlgang excuse yun.
 
ang pinaka masakit talaga kapag nahingi ng advice lalo na kapag matanda saatin, iniisip mo lang iyan sa tutuo hindi nagaan ang pakiramdam ko mas lalo pa nabigat . ganyan palagi ang nararamdaman ko kaya minsan sa online ko nalang dinadaan something like this kasi kapag ganito hindi ka kilala , madali mo lang masabi ang problema mo . share mo lang dito problema mo , may mga tao na the same din ng problema mo or maununderstand lang feeling mo. kaya mo lang iyan nya ^.^
 
Existential crisis yan nararanasan mo at nasa phase kapa lang ng grief. Nawalan din ako ng mahal sa buhay last year kaya I feel you. Kahit ako ewan ko na lang anong mangyayari sa akin pag nawala yung mama o papa ko. Try mo maghanap ng ibang pagkaabalahan. For example adopting a pet, gardening, etc. I hope you move forward very soon.
 
Isang lang po masasabi ko ts..try to attend church every sunday para ma enlighten ka..and try to read the bible para maging malalim pa pagka kilala mo kay God..
 
medyo ironic to kasi di ako believer e... pero i think you need religion... para lang magkaroon ka ng peace of mind...
once kasi na iniisip mo na yung tungkol sa kamatayan... grim masyado yan... at natural lang matakot sa kamatayan...

yung nararamadaman mo pati ngayon is guilt... sisingsisi ka kasi di mo siguro naparamdam nang maayos kung gaano mo kamahal yung papa mo o kulang pa yung oras na pinagsamahan nyo at namimiss mo sya...
normal lang to grieve... pero di mo dapat sisihin sarili mo...
time will heal the pain... pero kung may naririnig ka pa ring boses... sundin mo yung payo nung iba na magpakonsulta nga sa psychiatrist...

tsaka dun ka lang magshare sa mga taong seseryosohin ka...
kakainis yang pamilya tsaka mga kaibigan mo... alam ng may trahedyang nangyari sa inyo tapos ibrubrush off ka pa rin... mga nyemas naman o!
naalala ko tuloy yung anime na orange... medyo hawig dun sa situation mo ts...

and lastly... umiwas ka sa alak...
yan diba dahilan ng pagkakasakit nung papa mo? kung buhay pa siguro yun... baka pinagalitan ka nya...
panira lang yan ng atay... at yung nararamdaman mo sa umaga e siguro hangover yun...
 
Consult a pschiatrist. It will help. Wag mo na palalaain pa ng todo. The fact na my suicidal toughts ka delikado na yan
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 18
    Replies
  • 1K
    Views
  • 14
    Participants
Last reply from:
CutedoC

Trending Topics

Online now

Members online
1,032
Guests online
696
Total visitors
1,728

Forum statistics

Threads
2,276,966
Posts
28,973,387
Members
1,229,669
Latest member
zeeeee345
Back
Top