Sabi sa akin, in general, physical muscle strength lamang daw ang lalaki, pero pagdating sa physiology, immunology, and endurance, lamang ang babae.

Status
Not open for further replies.
Sabi sa akin, in general, physical muscle strength lamang daw ang lalaki, pero pagdating sa physiology, immunology, and endurance, lamang ang babae. Sabi rin sa akin na mas mahaba ang buhay ng babae kaysa sa buhay ng lalaki. Science back up daw. Ang babae ay hindi weak, actually. Meron siyang physiology na lamang ang babae kaysa sa lalaki. Physiology means ang cells at kung paano nagfa-function sa loob ng katawan mismo, ang mismong chemicals inside the body. Mas mataas raw ang immune system ng mga babae at pagdating sa endurance, mas mataas ang kanila kaysa sa mga lalaki. So kung ang strength ng lalaki daw ay physical muscle strength. Ang strength ng babae ay ang physiology niya.


Sabi sa akin, don't think that men are superior to women dahil lang sa physical muscle strength. Naiisip lang ng mga tao na superior ang men sa women dahil ang mga tao daw sa society ay nakatutok lamang sa physical muscle strength ng lalaki. Ang physical muscle strength ng lalaki is ini-equivalent ng tao as superior and social status dahil for history and culture, for how many years, men created society and government raw. Pagdating sa sports, created by men na tagisan lamang ng brute force, which is physical muscle strength, na kung saan isusulat ng lalaki ang history and achievements ng lalaki na paano sila nalalalo sa specific sports, which is again physical muscle strength po. Na, lingid sa kaalaman ng nakararaming tao ay ang physical muscle strength po ay hindi siya measurement of equality. Sa mga tao kasi, ang babae or any individual person na kahit sinong tao po, ang minimeasure nila or ang binabasehan lang nila ay physical muscle strength, and once ang tao ay wala ka nun, consider ang tao na weak imbes na tingnan ng tao ang each individual capability niya pagdating sa skills and strength na meron sa isang individual po.


Pagmasdan mabuti. Pagdating sa sports. Ipinagmamalaki ng lalaki o ng mga tao ay lalaki raw kuno ang lagi nalalalo sa sports kapag nagko-compete raw ang lalaki at babae. Ipinapalabas nila na men are superior and no women in the whole wide world na makakapag-beat pa sa lalaki. Walang sinumang magpapabagsak sa lalaki dahil lalaki siya. Ang lalaki ay malakas dahil sa physical muscle strength. End na. Yung energy is a " God mode." The most powerful of all human beings na parang ganun ang dating~ understood na bakit ipinaghihiwalay ang sports ng lalaki at babae...... Ito lang ang catch. Hindi nila nakita na ang itinutukoy lang naman nila ay physical muscle strength ng lalaki at hindi ang individual capability and skills ng bawat isa. Meaning, pagdating sa sports na walang kinalaman sa physical muscle strength or brute force, ang babae ay palagi lamang iyan, o kapag ipinag-compete ng lalaki at babae ang sports na walang kinalaman sa physical muscle strength po, babae ang mas karaniwan lamang po. Example, gymnastics po, long-distance running, long swimming competition and other sports na walang kilalaman sa physical muscle strength po. Reason? Lamang ang babae sa gymnastics po dahil sa flexibility at pagdating sa long-distance running at long swimming, hindi ginagamitan diyan ang physical muscle strength po kundi endurance. Malakas ang babae pagdating sa immune system at endurance po.


Ang lalaki kasi, brute force and physical muscle strength po ang kanya. Madaling ma-drain ang energy kapag physical muscle strength ang kinakailangan, kaya kung ang lalaki at babae ay ipinag-compete sa long-running distance, matatalo ang lalaki po. Ang physical muscle strength ng lalaki ay na-drain nang maaga pagdating sa ganoong competition. Hindi pangmatagalan. Pwede, kapag pang-short running competition, kapag tagisan ng lakas at speed, pero pagdating sa long-running distance competition, matatalo ang lalaki kapag ipinag-compete siya sa babae. Although meron lalaki na nalalalo sa ganoong category, pagdating sa podium or top tier, kung tawagin, ang palaging nalalalo ay babae po dahil ang physiology niya ay fit in sa ganoong klaseng survival mode, sapagkat hindi physical muscle strength ang nakasalalay, kundi endurance po. Pagdating sa gymnastics, ang karaniwang nalalalo ay ang mga babae po dahil sa flexibility, sa long-running marathon, pagdating sa long swimming competition, atbp. Ang mga sports na walang kinalaman sa lakas ng physical muscle. Ang sports na may kinalaman sa endurance, sa physiology, at pagdating sa immunology mismo dahil malakas ang immune system ng babae sapagkat sila ang nabubuntis. Nakakapag-adapt sila sa environment dahil naka-built-in ang katawan ng babae sa ganoong klaseng survival mode. Iyon ang wala sa lalaki na meron sa babae. Kaya, kung ang lalaki, although puwede ang babae na magkaroon ng physical muscle strength na same ng lalaki kapag na-train po siya, according sa science ay lamang pa rin daw ang lalaki. Pero sa babae naman, lamang naman siya pagdating sa physiology ng babae at sa endurance at sa mismong immune system na meron ito kaysa sa lalaki. Although nagagawa rin naman ng lalaki ang endurance at pagpapatibay ng immune system, mas lamang pa rin ang babae po dahil ganoon ang pagka-built-in sa katawan ng babae po. Just like lalaki na naka-built-in sa kanya ang physical muscle strength.


Ngayon, kung tatanungin na kung bakit ang "invisible" ng dating sa usapan ng babae na nalalalo sa sports competition between men and women. Ito ang sagot. Ang mga tao sa society ay nakatingin lang sa "men's experience" at "men's body" po. Ang ibig sabihin ay nakatira kasi tayo sa androcentrism. Alam niyo ba ang ibig sabihin ng androcentrism? Ang ibig sabihin ng androcentrism ay ang mga tao sa society ay affected at kinokonsiderang normal sa kanila ang "men's experience" at "men's body," at kinokonsiderang normal sa kanila ang point of view at perspective na nagmumula sa men. So ang experience ng women at women's body po ay kinokonsiderang variation or special cases or less important or deviant, kung tawagin na need explanation po. Sa lalaki, default na siya. Original at baseline, as in. Pinapalabas na ang babae ay nanggagaling sa lalaki dahil lalaki ang default sa culture and society.


Just wait. Saan ko narinig iyan? Ang babae ay nanggaling sa lalaki. Hmm. Diba? Nanggagaling iyon sa Bibliya? Take, for example, si Adam at Eve. Si Eve ay nanggaling daw sa ribs ng lalaki, and just wait din, ang worldview natin is also God. Di ba ang God equivalent nito as a masculine characteristic? Kung iisipin, di ba? Kung ano ang ipinapaniwalaan ng mga tao galing sa God as a worldview po, nagre-reflect po sa mga taong nakatira sa mismong culture and society. Hindi nakakapagtaka kung bakit ganoon ang sistema natin. Sakaling mamulat tayo, eh, noh?


So "invisible" po ang babae pagdating sa pagkapalalo nito sa lalaki pagdating sa sports competition. Tipong kapag narinig ng mga tao ay dinidismissed or less important siya at halimbawa, nalaman or narinig, edidiscriminate ng mga tao o kung hindi ediscriminate, hindi siya ganoon importante. Kung baga nilalangaw po siya. Hindi siya literal na nilalangaw, ha? Figurative of speech sa akin na "invisible" po siya kung kaya, meron mga record from history kung saan ang babae ay nalalalo laban sa lalaki pagdating sa sports competition ay it is either naka-hide or naka-buried or yeah, lumalabas na non-existent dahil kasi nga, hindi siya binibigyan ng pansin kung baga pero huwag ka, kapag lalaki ay natalo niya ang babae, mataas ang viral at pagkatapos, masyado visible at ma-vocal. Ang sasabihin nila, "See? men are stronger than women." Ganun ang dating.


Oo nga. Ang tao po kasi ay mini-measures nito ang physical muscle strength ng lalaki po, equivalent nito sa social status, power, and strength, which came from men, kung kaya, makakarinig ang tao na men are stronger than women. Hindi educated ang mga tao po kasi. Hindi. Hindi nae-educate ang mga tao na ang physical muscle strength ng lalaki ay hindi basehan para ma-measure mismo ang itinatawag na equality po. Ang mini-measures ay ang skills, strength, capabilities at tactical intelligence ng bawat individual po. Hindi po ang physical muscle strength ng lalaki. Malakas po kasi ang social influence ng lalaki, dagdag pa ang physical muscle strength na katumbas nito sa strength, power, at social status. So, dahil ganoon ang sistema ng lipunan natin, hindi natin masisisi ang ibang babae. I mean, ibang babae lang naman ang humihingi ng equality na kung meron physical muscle strength ang lalaki, ang babae ay gustong magkaroon ng physical muscle strength din upang hindi ito mabansagan na weak gender. Tao din ang nagpu-push kasi kaya nagkaroon ng influence or effect sa ibang babae na they do not consider themselves weak. Ang akala ng ibang babae ay wala silang single strength na isa na incapable at weak, as in, dahil ganoon ang nasagip nilang impormasyon bilang men and women. Naka-default sa isip na basta lalaki, men are stronger than women dahil ang tao ay ang mini-measures nito ay ang physical muscle strength ng lalaki at hindi ang strength ng mismong babae.


Observe ang mga kung-fu martial arts po. Hindi tagisan ng brute force or physical muscle strength po. Kapag ang tao ay master sa skills ng martial arts, kaya niyang pabagsakin ang taong mas malaki kaysa sa kanya. Hindi tagisan ang kung fu ng physical muscle strength. Tagisan siya ng tactical, psychological at physics. Ang ibig sabihin, ang kung fu ay hindi nag-e-exert ng brute force kundi tactical kung paano papabagsakin ang kaaway na mas malaki sa kanya, katulad ng weak points kung saan located ang knee, located sa neck, at sa iba pang parts ng body. Kahit sa ninja katulad ng Naruto? Hindi naman tagisan ng brute force and physical muscle strength po. Ang gamit diyan is tactics and physics. Sila ang tipong tao na ang kanilang martial arts ay no need to exert effort like brute force para mapatumba ang kaaway nila. Ginagamit lang nila ang tactic para mapatay ang kaaway na hindi nag-e-exert too much effort o kung paano tumakas, and so, kahit ang babae na nag-train ng kung fu martial arts from an early age up to adulthood, kahit limang lalaki ay makakayanan nito pabagsakin dahil hindi naman tagisan ng physical muscle strength po. Tagisan po ng psychological and physics and defence.


Ngayon, meron ibang lalaki na kapag nakita sa CCTV na ang babae na magaling sa martial arts at master po sa skills ng kung fu na pabagsak nito ang lalaki na umaatake sa kanya, kung sino man ang nakakakita, lalo na sa ibang lalaki, ang ibang lalaki ay hindi katanggap-tanggap sa kanila na ang kapwa lalaki ay natalo nito ng babae. Hindi tanggap. Ang sagot po ay dahil sa ego. Ego siya na andoon ang threat na mawalan ng sariling identity ang ibang lalaki dahil lumaki sila sa paniniwala na ang lalaki ay mas malakas kaysa sa babae. So tatlo lang ang mangyayari. I-deny ng lalaki, i-ignore, at i-discriminate or maraming "excuse". "Excuse" like ganito at ganyan raw si babae kaya impossible malalo ang babae sa lalaki or kasi staged... I mean, sa nakikita ko, wala pa ata akong nakitang lalaki na nag-agree, pero kapag lalaki ang ipalit sa puwesto ng babae, katulad ng kung paano ipinabagsak ng lalaki ang limang lalaki, sobra silang proud. Heroic ang na-perceive ng mga tao sa isang natatanging lalaki. Ang kulang na lang, itayo siya ng statue na katumbas kay Jose Rizal.


Tingnan niyo si Cleopatra. Cleopatra is a living Goddess daw. Ang powers niya are through seduction and manipulation. Hindi siya nag-exert ng effort na talagang physical muscle strength, bagkus, manipulation technique ang ginawa niya. Na-manipulate niya ang two men na nasa loob ng politics para ma-conquer lang ang city and then siya? Sitting pretty and acting like a Queen na unang tingin is like, "I don't do anything. I'm innocent".


Lesson learned based sa sinabi sa akin na huwag natin gawing sobrang superior to the maximum level ang lalaki dahil ang strength is physical muscle strength equivalent to social status, privilege & powers and then, sa babae naman it's like super low ang self-esteem dahil naiisip nito na talo siya sa lalaki dahil wala siya nito physical muscle strength na in fact, meron ang babae na strength and powers kung i-uunleash niya. Hindi lang kasi nae-educate ang babae dahil iba ang impormasyong ibinibigay sa babae mismo. Ang impormasyong talagang ibinibigay sa babae ay walang iba kundi ang lalaki ay malakas dahil sa physical muscle strength na simbolo ng status, power, and prestige.


Na-cultivate kasi ang karaniwan sa babae na bahay lang, nurturer, and passive. Lalaki ang most of the time na binibigyan ng credit sa lahat. Isa na diyan ang sports na puros tagisan ng brute force and physical muscle strength.


Sabi ko naman. Kaysa naman thriving ang mga tao na humingi ng equality pagdating sa sports pagkatapos, kapag hindi na-achieve ang equality, ang sabay-sabay na sasabihin na there is no equality. Baguhin na lang ang culture at society po para mag-fit in sa mga babae at kapag ganoon, pati ang mga sports ay mag-fit in din sa mga babae. But parang nag-reverse lang dahil kung ganoon, ang lalaki naman ang nagda-thrive hard para makapasok sa sport ng babae dahil meron built-in ang babae, like physiology, na wala sa lalaki. As a result, lalaki naman ang nagte-try hard mag-train to the maximum level para lang makapag-fit in sa sports ng women.

​
 
Pagkatapos, I remember, sabi sa akin. Papiliin daw ako. Pili daw ako. Maging lalaki daw ako na sa akin ang freedom, autonomy, and social power, pero trade-off daw, or ang kapalit, is madaling mamatay, or maging babae ako na mahaba ang buhay pero mataas ang social value and mataas ang social and community connection. Mahaba ang buhay dahil nakaka-adapt sila sa environment raw; nakakasurvive sila at sila ang may value sa society. Ibig sabihin, kapag wala kasi ang babae o kapag majority ay ang babae ay namatay, andoon ang threat na ang humanity ay maaaring bumagsak at magkaroon ng extinction ng humanity, so todo nilang binibigyan ng value ang babae para ma-maintain ang takbo ng buong society. Iyon nga lang, ang kapalit ay ang majority ay restricted pagdating sa autonomy at sa iba pa. Sa lalaki naman, ang kapalit ay madali raw mamatay dahil sa competition at saka mas mataas daw ang immune system ng babae kaysa sa lalaki.

Nang tinanong sa akin. Hindi na ako nakasagot. Nag-isip talaga ako. Wala akong pagpipilian eh. Hahaha.
​
 
Siguro kaya mo nasabi ang endurance sa babae kasi multiple 0rgazm sila during sèx kaya kaya nila ng mahabang bakbakan.

Naman? Ang itinutukoy ko ay physical endurance po meaning kung kagaano kalakas ang stamina ng isang babae magperform ng various activies ng pangmatagalan. Naka-built in sa babae po dahil nabubuntis nga po ang babae. Sila ang nagdadala ng bata sa loob ng tiyan kaya naka built in physically ang babae po pagdating sa endurance, ganun ang function ng katawan niya.

Kaya ang babae, doon sila lamang when it comes to sport na meron kilalaman doon.

Layo naman ng sinabi mo. Haha.


​
 
Malalaman natin kung sino ang taong androcentric na kung paano mag-isip kapag naka-rely ang tao mismo sa experience ng men all the time, naka-rely sa view at perspective ng men sa lahat ng oras, pati sa katawan ng men din. Di nga.

Tingnan niyo, pagdating sa transgender woman. Mas binibigyan ng atensyon kaysa sa transgender man. Bakit transgender woman? Lalaki kasi ang transgender woman na galing sa lalaki. Ang transgender man naman ay galing sa babae. Kahit transgender woman po siya, ang mga tao ay nakatutok pa rin sa experience ng transgender woman dahil ang transgender woman ay assigned male at birth. Sasabihin nila na hindi puwedeng sumabak ang transgender woman sa beauty contest ng mga babae dahil matatalo lang din ang babae sa lalaki. I mean, what. the. hell? You see? Halos lahat ay palaging binibigyan ng credit ang lalaki po. Beauty contest na nga na kung saan lamang ang babae, nakatuon pa rin ang pansin sa lalaki.

Malalaman talaga. I think sa rigid structure ng sistema natin, like, kapag sinabak ang transgender woman sa beauty contest kasama ang mga babae, ang sasabihin ay malalalo ang lalaki, kapag sinabak ang lalaki sa sports ng women without related in brute force or physical muscle strength, ang sasabihn uli ay malalalo ang lalaki, kapag natalo ng babae ang lalaki mismo through tactics and skills without using physical muscle strength kahit ang katapat ng babae ay malaki ang katawan ng lalaki, ang sasabihin pa rin ay malalalo pa rin ang lalaki...... pagkatapos pagdating sa simbahan, puros nakatoka ay lalaki, pati sexuality ng lalaki ay hindi rin kino-question like "are you still a vlrgin o hindi na?"

Lahat na, as in. Pagkatapos ito. Kapag humingi ng equality na men and women are equal, ayaw. Hahahaha. Ayaw. Literally, ayaw. Sabay ang sasabihin na ang lalaki at babae ay magkaiba. What? Ganun lang naman. Ang sasabihin na kasi wala naman daw equality. Paano magkakaroon ng equality kung choice nila na ayaw ng equality?

Actually, sa sistema lang talaga natin. Sa sistema. Yung social system ba natin. Lumalabas talaga na God ang lalaki. Oo nga, but at the same time, kung iisipin nga naman, ang God kasi na karaniwan ng mga tao sa society natin ay naniniwala rin kasi kay God as a worldview po, so you see? Lumalabas na archetype of God ang mga lalaki po here in our society. Anuman ang ipinapaniwalaan ng mga tao dito sa society, like their God as a center and worldview sa lahat, nagre-reflect ito sa behavior ng mga tao on Earth.

Just think. Pati ba naman ang interpretation from the Bible, although magkakaiba ang interpretation po kasi. Meron interpretation from some religious perspectives na lalaki daw ang may authority, lalaki ang superior sa women, etc. Nagre-reflect sa behavior ng mga tao kung ano ang God na meron din sa kanila.

As in.

Halatang constructed ang lahat. Lahat.

​
 
Inisip ko na gusto nila iyan. Eh di yun. Tipong rigid structure, the stereotype of men and women. Men are the alpha, something ganun, active in seks, natural leader (daw), born to chase (daw), strong, etc pagkatapos ang women naman ay passive in seks, submissive, subservient, nag-aantay na may lalapit, receiver, weak in gender, etc. Gusto ng mga tao iyan. Eh, di fine. Gusto nila 'yan. Tipong stereotype na babae ang lagi inaapi-api, babae ang lagi victim, pagkatapos ang lalaki ay predator, taga-attack, superior, who always nalalalo sa sports na walang nakakapag-beat na babae sa kanila. Di niyo ba naiisip na para siyang God? God as in. But the archetype of a God. Tapos ang weakness nila is babae. Tipong n@ked ang babae, sabay give in sa babae. They also need a goddess too, malamang, and then sabay blame sa babae uli dahil bumigay ang lalaki. Dual ang God at Goddess dapat. Nagsosolo ang God, away from the archetype of Goddess, at pagkatapos, they need din a Goddess too. Pagkatapos, ang loop, sabay sisi din sa kanilang archetype of Goddess. Haha.

Ang gulo. Haha.​
 
tama , saktong sakto​

Hindi. Back up ng science po. Hay, naku. Lalake nga naman. Stop. Stop. Stop. Basta, pagdating o paggaling sa babae, need pa ng explanation. Hindi na lang tanggapin. Ang dami pang "connect the dots". Grabe naman. Pagkatapos, kapag sa lalaki na nagsalita about physical muscle strength, no question. No question asked. No explanation. Ay. Stop na tayo. Huwag na tayong magpaliwanag sa lalaki. Nakakapagod sila. Androcentrism nga naman talaga.

Just weird. Ano na naman ang kilalaman ng iba sa lalaki na bakit na-connect sa orgasm? Tsk. Hirap maging babae. Makaka-survive pa naman.

Grabe. Grabe talaga. Wala akong say! Bakit… bakit ganoon ang mindset or mentality? Never mind. Siguro, ang lalaki mahilig sa seks, experience of men, uli kaya na-direct ang attention nila doon, maybe? Androcentric ang na-perceive ko sa ganyan. Androcentric means based sa experience ng lalaki, katulad nina Jamesiswizard at GoatPhomator666, pagdating sa sexual experience nila, or based on knowledge na na-gain nila galing sa kanila ay iyon ang nakita nila, base sa ipinapaliwanag ko, kung kaya, na-direct ang atensyon nila pagdating sa orgasm. Hindi ko ma-comprehend ng mind ko. Nevermind.

Ganun lang iyon.

​
 
O sige na. Close ko na ito, ha? Baka meron ma offend na lalaki dito. Okay? Whew. Grabe! As in, grabe. Sorry sa mga nagbabasa. Lalo na ang mga lalaki dito. I understand. Hindi ko mababago ang inyong mga mindset at mentality ninyo bilang kabuuan at nakatira tayo sa androcentrism, nakatira tayo sa patriarchal culture and society po. Naiintindihan ko naman at malawak ang empathy ko and so, I will let go ng lahat ng ipinag-iisip nila against sa akin. Basta ako, nagpaliwanag ako, nag-share ako ng information. Nasa tao na ang nagbabasa kung tatanggapin nila, i-ignore, o magagalit.

Wala na ako kasalanan doon. Nasa kanila na iyon. Hindi sa akin. Ba-bye! :)
​
 
Siguro kaya mo nasabi ang endurance sa babae kasi multiple 0rgazm sila during sèx kaya kaya nila ng mahabang bakbakan.

Ang salitang siguro...... that means wala kang proven facts po. Hindi mo sigurado. Nag-jump ka lang ng conclusion dahil sa nararamdaman mo lang po at based on your experience mo rin. Hindi siya facts. Ayun o. Ang salitang siguro ay hindi kasiguraduhan kung tama o mali ang hinihilala mo at walang kasiguraduhan kung ang source na kinukuha mo na galing sa akin ay tama.

Pagkatapos, kapag nagpaliwanag ako na wala namang connection sa orgasm or what it is, meron namang ibang tao na ayaw namang tanggapin.

Hay, naku. Sus meyo. Ibang usapan na iyon. Hahaha. Gusto nila ang experience at kung ano ang kanilang views, at iyon lang ang masasabi, tama o correct. Sabi ko, kapag ganyan lang naman. Hindi na. Hindi na ako magpapaliwanag pa.

No need.

Di nga. Tipong nagpaliwanag para magkaroon ng clarification pagkatapos, they don't want to accept na gusto i-clarify. Ang iinsist pa rin nila na sa kanila ang tama, pero nagsabi na sila na walang kasiguraduhan.
​
 
Yung tipong nag-respond na nang hindi in a subtle way, pagkatapos twice na naman magre-respond ng hindi as in. Pagkatapos, ang ending ay ganoon pa rin. Ang answer nila ay yes na tipong for them, they do not want to accept it. Yes na kung ano ang iniisip nila ay iyon lang iyon.

Kung kaya, mahirap mag-explain pagdating sa part ng babae. Mag-e-explain o magsusulat nang kahaba-haba, siguro naka-1,000,000x na ng explanation at ang isinulat ay sobrang haba at pagkatapos, ang response nila ay ignored at not acceptable.

Sa part ng lalaki, sinabi lang na malakas dahil hindi nabubuntis, walang nawawalan, malakas sa physical muscle strength, malakas ang testosterone, ang lalaki ay... etc and etc...

None.

Acceptable.

Ganun ang dating.

Hay naku. Lock ko na ito as in.

​
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 10
    Replies
  • 175
    Views
  • 3
    Participants
Last reply from:
Asherah Goddess

Online now

Members online
661
Guests online
5,569
Total visitors
6,230

Forum statistics

Threads
2,354,061
Posts
29,381,933
Members
1,081,271
Latest member
Dejong10
Back
Top