Explain Sa Akin, Bakit Ang Lalaki Daw Madali Mamatay Kahit Meron Physical Muscle Strength Kaysa Sa Babae Daw....

Status
Not open for further replies.

Nagtanong ako. Bakit ang lalaki ay madaling mamatay.

Pinagpili ako. Kung gusto kong maging lalaki na may powers, autonomy, and freedom, pero ang kapalit ay madaling mamatay , o maging babae ako na may mahabang buhay at mataas ang pagpapahalaga sa lipunan at mataas ang connection emotionally sa lahat ng community, pero ang kapalit ay restricted daw ang karamihan sa mga babae.

Napatanong ako kung bakit ang lalaki, in general, ay madaling mamatay.

Ito ang explanation sa akin.

Ang lalaki daw kasi ay mataas ang competition nila sa lahat-lahat, kaya madali silang mamatay. Pati sa babae ay nagko-compete daw ang mga lalaki. Ang babae daw ay hindi nagko-compete sa lalaki dahil lalaki ang naghahanap ng babae. Bukod pa doon, kahit ang babae ay unang lumapit sa lalaki raw, high probability na hindi matatanggihan ng lalaki ang babae dahil ang lalaki ang nangangailangan ng babae, although hindi ko sinasabi na lahat ng mga lalaki. You know, taghirap ang lalaki na makakuha ng babae, lalo na kung magpe-presenta ang lalaki sa isang chat, tipong walang pumapansin daw sa lalaki galing sa babae dahil lang walang babaeng gustong makipag-unang mag-initiate sa kanya. Wala pa ring nagse-send ng message sa kanya. Iyon ang medyo sarasara-saradong isip ng ibang tao na tipong nakatalukbong talaga sa restricted roles, as in, unlike sa ibang culture—ibang culture lang naman—medyo open-minded ang both genders, katulad ng nangyari sa isang lalaki sa youtube. May isang lalaki na sabi raw niya na walang nagmamahal na babae sa kanya dahil pangit daw siya. Hirap raw siyang makakuha ng babae, and mostly, ang nag-comment ay puros mga babae, and ang happy ending ay ang lalaki ay nakakuha ng girlfriend dahil isa sa mga nag-comment sa kanya ay babae. Sinasabihan siya na hindi siya pangit at may pag-asa na magkakaroon siya ng girlfriend. So babae ang pumunta sa bahay ng lalaki at doon nagkaroon ng happy ending ang dalawang magjowa.

Kaya nga, medyo maswerte-swerte ang lalaki kapag may equality ang both men and women po bukod sa equality na galing sa babae po.

Madali ang lalaking mamatay dahil nagko-compete nga ang lalaki sa lahat pagdating sa social status, pati sa babae. Iyon raw ang reason why high percentage raw pagdating sa suicide rate: lalaki ang nangunguna kaysa sa babae. Although may suicide rate sa babae, ang lalaki ang karaniwang nagpapakamatay. Katulad ng financial pressure, pagdating sa emotions and feelings, kinakailangang ipakita ang pagiging tough na malakas. Kapag ang lalaki ay nagpakita ng emotions, katulad ng lalaki na natapatan ko dito sa PH Corner dati, nagde-defend siya na ang mga lalaki ay hindi emotional raw kuno dahil lalaki at lalaki sila. Ang taas ng percentage pagdating sa suicide rate, ang lalaki ay nangunguna po dahil hindi magawa ng lalaki na i-ekspress ang feelings at emotions nila dahil sa mga taong nakakakita sa kanila. Para sa mga nakakakita, it is a sign of weakness raw.

Iyon ang sinabi sa akin. Iyon ang kapalit ng pagiging power, prestige and autonomy —ang lalaki, madali raw mamatay. Lalaki rin ang unang namamatay pagdating sa war. Tipo nasa frontline. Ang explanation is ganito:

Ang lalaki ay isa sa sampung namatay. Example. Isa ang lalaki na nabuhay at ang babae ay sampu. Ang humanity ay makakapag-exist pa, pero never ang lalaki na sampu ang buhay, pero ang babae ay isa ang nabuhay out of nine na namatay ang babae. Threatening na iyon sa human existence. Just imagine, ang sampung lalaki ay magko-compete pa sa isang babae po. Magpapatayan ang lalaki. Eh ang babae ay sampung buhay at isang lalaki ang naka-survive. Walang problema ang babae po. Hindi naman nagko-compete ang babae sa isang lalaki dahil ang importante ay ongoing ang pagma-manage ng buong humanity from generation to generation. Nasa lalaki raw na mahilig mag-compete kahit sa ancient society daw. Nagko-compete ang lalaki sa pagkain. Ang babae ay hindi. Hindi nagko-compete ang babae dahil mas binibigyan ng pansin nila ay pagsurvive at nag-aadapt sila sa environment. Maghahanap ng pagkain ang babae on their own bilang survival at ang pag-a-adapt during ancient society. Since babae ang nagdi-direct ng buong evolutionary species, hindi nito pipiliin ang lalaking alpha na mahilig mag-compete sa lahat pagdating sa babae at sa pagkain. Pipiliin ng babae ang lalaking hindi alpha na naghahanap din ng sariling pagkain on their own at nagbibigay ng pagkain sa kanila. Iyon ang ewewelcome ng babae po hanggang sa ang mga lalaking alpha ay goes extinct na sila at nangamatay na silang lahat. Ang na-maintain lang ay puros mga lalaki na hindi alpha at naghahanap ng ipinili ng babae.

Sa animal. Birds. Blue birds and different colours ng birds na lalaki. Ang babae birds ay pipiliin nila ang birds na lalaki na meron different colours hanggang ma extinct na ang mga lalaki na birds na puros blue colour po. Sa babae nakasalalay ang pagmi-maintain ng human civilization at human society po.

Kaya nasabi na madaling mamatay ang lalaki because they won't care kung ilang lalaki ang namamatay. Not literal na walang pakialam. What I meant is, pag-co-compare ang lalaki at babae, masyadong mataas lang ang babae pagdating sa pagpapahalaga at mas iniingatan dahil nasa babae ang nakasalalay ang buong humanity, so therefore, it's like less value na ang lalaki kapag namatay. Example, pagdating sa war. Ang frontline, lalaki. Lalaki una. Bago ang babae. Kapag naubos ang babae, malamang, human extinction na siya. Kaya nga lalaki ang nasa frontline ng war. Ang lalaki ang madaling at unang namamatay. Padala nang padala ang lalaki sa war at ang daming namamatay na lalaki. Imagine kung ang babae ay ilagay sa frontline at puros padala ng padala ang babae sa frontline at nangamatay silang lahat. Nanginginig na sa takot ang mga tao dahil baka ma-extinct na ang buong humanity.

Ngayon. Ang question about equality. Ang equality ay may freedom to choose kung ano ang capability ng isang tao at kung ano ang skills ng bawat individual. Hindi masama ang equality, lalo na kung nangangailangan ang lalaki ng babae, since mataas ang burden sa panig ng lalaki kung siya ang gagawa ng lahat. So, frontline in war, for example, both babae at lalaki ay partner sila at tulungan silang dalawa. Iyon lang kung capable at willing ang babae. It means kung gusto ng babae mismo. Kung gusto ng babae. Iyon ang meaning ng equality: hindi siya pinipigilan sa kung ano ang gusto niyang gawin. Choice niya po. Ganun din kasi, kapag naubusan ang tao ng lalaki, ang next diyan, wala ring magtatanggol sa babae, malamang. Mag-rerely din ang babae sa sarili to survive, so bago mangyari iyon, ang babae ay dapat may ma-co-contribute para hindi burden lahat sa lalaki. It is the same na porke babae ay sobrang iniingatan ay totally na sinasakal na sila sa kalayaan dahil sa tindi ng pagpo-protect, or else, kapag umaasa ang babae sa lalaki as in lahat, in the end, baka wala nang magpo-protect sa kanila. Mahihirapan din sila.


​
 
Yung culture at society natin ay sobra siyang androcentrism or patriarchal talaga siya dahil ipinagmamalaki ng ibang lalaki na hindi sila nabubuntis, wala daw nawawalan sa kanila, mas malakas ang lalaki kaysa sa babae, lalaki raw ang creator of life pagkatapos meron ibang lalaki etitrace nila ang biblia sabay ipagmamalaki na si Eve raw kuno, babae ay galing sa ribs ni Adam at ang God daw, yung masculine God na unang ginawang nilalang ay lalaki din galing buhangin which is Adam. Si Eve, ribs lang siya, while in fact, sabi nga ng iba, bakit raw kamo si Eve ang nanggaling sa ribs ni Adam imbes na si Adam ang nanggaling sa sinapupunan ni Eve. Another question: there is a Bible too na ini-indicate, though depende sa interpretation, pero kung literal, andoon ang katagang the God the Father ay ang mga anak nito ay nanggaling raw sa sinapupunan niya. Kung literal ha? That means, walang "a mother" na nagluwal sa mga anak. The father raw ang nagluwal sa mga anak nito at lahat ng anak ay kanya. Politically, nasaan na si Mother?

Pagkatapos ang social system natin, ang default natin ay lalaki. Yung baseline mismo or standardised kung tawagin. Androcentrism po meaning ang norms is ang experience ng men at body ng men at view at perspective ng men ang consider social norms dahil iyon ang default na kung saan, default kung saan originally is from men pagkatapos nanggaling lang ang women sa men. What does it mean by nanggaling ang women sa men? In allegorical sense lang naman, nanggaling ang women sa men means ang women is below social status to men because any experience, views, at body na from women is considered variations lang siya at hindi siya default and original. Kung baga not normal kung baga. Kailangan pa ng paliwanag para ma-convince ang mga tao, and that is the reason why, kung ikukumpara ang lalaki at babae, mas mataas ang paghingi ng validation from women according to the survey po. In general daw, babae kamo ang panay humihingi ng permission from society imbes na angkinin nila as ownership. Kapag ang tao ay ini-own ang kanya bilang ownership na kung ano ang kanya, hindi feeling guilty na hihingi pa ng permission sa iba para sa approval. Mataas ang babae sa ganoong sitwasyon dahil ang na-pe-perceive ng mga tao sa kanila ay submissive and subservient po.

Sinasabi ng ibang tao na superior ang lalaki dahil creator of life, imbes-imbes babae ang creator of life. Kapag sumabak ang tao sa isang forum, oh my, sobrang todo-defend ang mga tao na lalaki raw ang creator of life, both men and women. Iyon ang sasabihin nila. Sabi sa akin, ang ibang tao ay gusto nilang maging superior ang lalaki pagdating sa posisyon at power at social influence na nasasakupan, pero hindi nakita kung ano ang strength ng babae. Pagkatapos, ang strength ng babae ay itinuturing na hindi normal.

Isip-isip lang naman.

Men are stronger than women daw. Eh ang men galing sa womb ng women at bukod doon, kung ang babae ay wala, natural, extinction na ang humanity natin as in. Hindi makakasurvive ang tao kung walang babae. Iyon ang na-cultivate sa amin, ako bilang babae, at sa iba na ang itinuturo ay men are stronger than women. Hanggang ngayon, mahirap magpaliwanag dahil kung magpapaliwanag tayo, ako o ikaw o kung sinong tao ang makakatapat natin diyan ay ang mga taong pabor sa androcentrism o mga taong pabor na men are stronger than women po ay i-defend talaga nila iyan, bagkus baka kumuha pa sila ng Bible verse at patahimikin ka na lang na according to the Bible raw, women must be submissive to men.

Kapag may ibang tao na ipinagmamalaki na ang bansang Pilipinas ay matriarchal, ako, bilang ako, never ever ako naniniwala na ang bansang Pilipinas ay matriarchal. Masyadong patriarchal ang bansang Pilipinas. Sobra.


​
 
Di nga. Based on my experience, mapapagod ang tao mag-explain as long as ang isang tao na kausap ay may alam na marami sa Bible verse. One time, may nakatapat akong tao na matalino sa Bible verse at religious man talaga po siya. Sabi ng lalaking religious sa akin, hindi talaga allowed ang babae na maging military na katulad ng lalaki. Lalaki lang ang puwedeng maging militar. Magkaiba ang lalaki at babae daw. Magkaiba. Hindi raw dapat ang babae ang naghihimasok sa kung ano ang meron sa lalaki, like pagiging pulis, pagiging militar, etc., dahil para sa lalaki lang daw ang ganoong klaseng role at hindi sa babae. Nang nagpaliwanag ako, ang respond sa akin ay bible pa rin at ang pang-guilt niya sa akin ay walang iba ay "...according in the bible, women must be submissive to men" at saka "women must be silent" ~ iyan ang weapon sa akin ng isang lalaki na religious lalo na meron sila ipinahahawak na we have God and our God is the most powerful being and if you don't follow the law of God, he will punish you" ~ diba? Wala nang laban. Sa maikling salita , dahil proud sila na meron God , ako ang evil at demon at under Satan sapagkat ako ang nagdidisagree sa pananaw niya na lalaki lang raw ang puwedeng humawak ng role na panglalaki. Magkaiba raw ang lalaki at babae.

Sa loob-loob ko, e di fine. Kung ginusto nila, let it be. Mag-solo ang lalaki sa role niya at dalhin niya ang lahat, katulad ni Superman na hawak niya ang buong mundo, kung makakayanan ng lalaki na mag-isa, eh di mag-isa siya. Tutal, sila raw ang nasa position of power pagdating sa social status na ikinalalagay nila, pero iyon nga lang ang kapalit: madali silang mamatay.

​
 
Di nga. Yung validation naman na sinasabi ko ay mataas naman galing sa babae from the society, for example, pagdating sa work. Ang babae ay naangat lang sa posisyon sa loob ng kumpanya o naging CEO siya. Need ng validation or approval and/or need ng explanation sa kung sino man ang nakakakita. But kapag lalaki ang naging CEO o umangat sa position, no questions asked dahil lalaki nga siya. Pagdating sa sexuality, kapag ang lalaki ay may sexual experience sa ibang babae, hindi nila kino-question, pero pagdating sa babae, kapag may sexual experience sa ibang lalaki, kailangan pa ng validation and/or explanation sa mga taong nakakakita o nakakakilala sa kanya. Marami. Hindi lang itong scenario. Kapag ang lalaki ay nakita sa video na may napatumba na isa o higit pang lalaki, no questions asked, pero kapag babae ang nagpatumba sa lalaki na isa o higit pang lalaki, it needs explanation and/or validation sa mga nakakakita para lang ma-convince ang mga tao po.

Iyon. Marami. Marami po.

Iyon ang sinasabi na, according to the survey, both men and women are humihingi ng validation from society. Mas mataas sa babae raw dahil kailangan pa nito kumbinsihin ang society or each individual po versus sa lalaki na default na sa mga tao. Ang reason daw po, in general as a whole, babae raw ang na-perceived bilang submissive/subservient galing sa mga tao po.

Kaya nga sabi ko, androcentrism at patriarchal po tayo nakatira.

​
 
So, diyan papasok ang feminism. Ang ibig sabihin ng feminism ay gender equality or equity raw. It is either equality or dominance. Dominance means the state or quality of being more powerful, successful, or influential than others. Hindi ang tipong utos-utos. It means social power to influence, po. Impluwensiya.

Di ba, sa patriarchal, malakas ang social power ng lalaki na malakas ang effect or influence. Kung baga ang role na ginagampanan ng lalaki ay strong at malakas ang epekto sa mga nasasakupan.

Ang hindi gusto ng ilan o ng karamihan ng mga tao na napapaloob sa feminism ay ang status quo mismo. Ang status quo means walang changes sa fixed role na in-assign sa lalaki at babae kung saan, imbes na maging fixed, puwede pong maging fluid dapat ang gender. Kaya one thing na na-perceive ko, ang mga tao na ayaw ng feminism ay ang mga tao na nag-e-enjoy sa traditional feudal system. Yung social hierarchy ba na kung saan pyramid style na ang mga privileged na tao ay nasa tuktok. Kapag pyramid, puro lalaki ang nasa tuktok, but less per cent, pero nasa tuktok siya in terms of lahat, katulad ng social status, role, etc., and then, below ng pyramid, random and mixed na both men and women struggling na maging on top. Nasa ibaba sila ng pyramid. Majority. Ang nasa ibaba ng social status ay women at homosexual, and ang social status naman ng men and other people ay pinu-push nila na men to be on top of the pyramid. Andiyan ang competition, kaya natawag na lalaki daw ang madaling mamatay. No offence. Wala talagang equality dahil sorry? Traditional gender role nga po siya. The role is rigid and fixed. Hindi fluid. Hindi talaga fluid siya.

Ang mga taong karaniwang negatibo sa salitang feminism ay dahil ang mga taga-old school at mataas ang favorable pagdating sa traditional gender role, mataas ang pagpapahalaga na i-maintain ang society nila traditionally. Hindi nakakapagtaka. Ang bansang Pilipinas, sabi, 80% ay conservative and very religious daw. Ano ang aasahan natin diyan? Talaga negative nga talaga sa kanila. Karamihan. As in. In short, ayaw talaga ng karamihan sa mga Filipino na magkaroon ng progressive reform ang society natin sa Pilipinas! Ayaw. As in, ayaw. Meron man, pero mabagal ang progress na parang pagong. Ganun din, mabagal din ang pag-progress ng bansang Pilipinas pagdating sa science and technology. Though hindi naman pinipigilan, ang pagiging relihiyoso ng tao ang siyang nagpapabagal ng progress dahil associated po ang morality sa kung ano ang masama at mabuti po.

Iniisip ng iba na ang feminism raw ay communism. Napaka-negative din ang salitang communism. Naka-program din sa utak nila. Ang ini-imagine ng mga tao ay communism katulad nina Adolf Hitler at Joseph Stalin. Hindi naman po iyon. Lalaki rin ang may authority at pyramid din ang ginawa niyang act like a God po. Act like a God. Below ay minamanage ng leader, pero siya ay nasa tuktok. Hindi iniisip ng mga tao ang equality ng unang panahon bago pa sumakop ang mga Espanyol sa atin dito sa bansang Pilipinas. Egalitarian raw tayo noon bago tayo sinakop ng mga colonizers katulad ng mga Spanish conquerors.
​
 
Di nga. Tingnan niyo ang China, sabi, atheist raw ang karamihan, pero huwag ka. Sila ang nauuna pagdating sa green technology at meron na silang AI robot na shini-share sa social media na kasama pa nga sa pag-participate sa anumang event. Sa Japan, ganoon din, mga Buddhist at mga Shinto po, pagdating sa technology at games, nasa kanila rin po. Prosperous country ang Japan. Meron din silang AI robot. Meron pang iba. Yung mga developed countries na ahead sa bansang Pilipinas. Tayo, developing pa lang at saka, ang bagal ng progress po.​
 
Kaya nga ang sabi ko, malakas ang kutob ko, ang pag-a-adapt natin sa AI ay baka umabot muna tayo sa 5,000 years or more than 5,000 years kaysa sa ibang bansa na nakapag-adapt na. Iyon ang ini-imagine ko sa pagiging mabagal ng progress ng Pilipinas.
​
 

…and so, kapag sinabi na men are stronger than women , nakatutok lang ang mga tao sa strength ng lalaki. Hindi strength ng babae, and dahil sa ganoong klaseng sistema natin, hindi takot ang lalaki sa babae. Oo, sabi ng iba ay takot ang lalaki sa babae dahil sa pagiging bungangera o nag-er. Hindi iyon ang itinutukoy ko. Ang itinutukoy ko, dahil ang lalaki ay hindi takot sa babae, ang advantage na ginagamit ng lalaki ay physical muscle strength. Nambubogbog siya. Nananakit siya. Hindi takot ang lalaki sa babae. Babae ang takot sa lalaki na baka atakehin sila at saktan.

...but kapag ang lalaki ay takot sa babae, hindi sila mambubugbog at mang-a-atake. Takot nga eh. Takot. Sakaling ang attention ay ma-divert sa strength ng babae, hindi gagawa ng masama ang lalaki sa babae. Ang strength ng babae ay mahabang buhay, malakas na immune system, ang mismong physiology ng kanyang katawan, at endurance sapagkat naka-built-in sa katawan niya mismo, dahil sila ang nagdadala ng bata. Ika nga, women are the creators of life. Hindi men are the creators of life, katulad ng debate ng dalawang group. Most groups of people defend na sobra na lalaki is the creator of life daw. Anyway, takot ang lalaki na manakit dahil aware siya na ang mga lalaki mismo ay nanggagaling sa sinapupunan ng babae at kapag wala ang babae, hindi mabubuhay ang lalaki. Meron ding mga strength ang babae na wala sa lalaki, katulad ng meron ding mga function sa loob ng katawan ng babae na masyadong unique na nagpapatibay sa loob mismo na hindi ka-equal sa lalaki po. Babae ang nabubuntis. Hindi naman ang lalaki.

...but kapag nakausap natin sila o ang mga tao, iba ang sasabihin nila. Ang sasabihin nila ay malakas daw ang lalaki dahil hindi raw sila nabubuntis. Pagkatapos, ang sasabihin nila ay women are weak dahil wala silang physical muscle strength na katulad ng lalaki, and so on and so forth. Men are the creators of life. Pagkatapos dagdag, ang God ay unang ginawa si Adam. Pangalawa si Eve.

Ganun. Mahirap na paliwanagan ang mga taong tinanggap kung ano ang nakasanayan.

Di ba ang logic is kapag ang tao meron takot, hindi siya gagawa ng masama kahit ang sarili ay mapipilitang i-suppress ang kanila dahil takot nga sila lalo na kung aware ang tao kung sino ang gumawa sa kanya.


​
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 7
    Replies
  • 152
    Views
  • 1
    Participants
Last reply from:
Asherah Goddess

Online now

Members online
1,250
Guests online
4,290
Total visitors
5,540

Forum statistics

Threads
2,355,940
Posts
29,390,206
Members
1,076,200
Latest member
joaojorge
Back
Top