🕯️ Traditions Ang isang babae ay kailangang maging malinis, mabait, malumanay at mabuti Ang asal?

Hello Po Magandang Araw Po sa inyong lahat 😇👋 iShare ko Po sainyo Ang aking nabasang Mga salita Ng Diyos patungkol sa Gender Equality.

Medyo mahaba eto kaya react nalang Po sa Mga magbabasa, tignan nyo kung ano Ang kanyang saloobin tungkol sa topic na eto 🥰


Susunod naman, tatalakayin Ko ang pahayag tungkol sa wastong asal na, “Ang isang babae ay kailangang maging malinis, mabait, malumanay, at mabuti ang asal.” Ang kaibahan ng pahayag na ito sa ibang mga hinihinging pamantayan para sa wastong asal ay na partikular na patungkol sa mga babae ang pamantayang ito. ay isang hindi makatao at hindi praktikal na hinihingi sa mga babae na ipinanukala ng mga diumano’y moralista. Bakit Ko sinasabi iyon? Hinihingi ng pamantayang ito na ang lahat ng babae, mga anak man sila o mga asawa, ay kailangang maging malinis, mabait, malumanay, at mabuti ang asal. Upang makonsidera bilang isang mabuti at kagalang-galang na babae, kailangan nilang isagawa ang ganitong uri ng wastong asal at taglayin ang moral na karakter na ito. Ang ipinahihiwatig nito sa mga lalaki ay na kailangang maging malinis, mabait, malumanay, at mabuti ang asal ng mga babae, samantalang ang mga lalaki ay hindi—hindi kailangan ng mga lalaki na maging malinis o mabait, at lalong hindi nila kailangang maging malumanay o mabuti ang asal. Ano ang kailangang gawin ng mga lalaki? Kung hindi magiging malinis, mabait, malumanay, at mabuti ang asal ng kanilang asawa, maaari nila itong idiborsyo o iwanan. Kung hindi makaya ng isang lalaki na iwan ang kanyang asawa, ano ang dapat niyang gawin? Dapat ay gawin niya itong isang babaeng malinis, mabait, malumanay, at mabuti ang asal—ito ang kanyang responsabilidad at obligasyon. Ang responsabilidad ng mga lalaki sa lipunan ay ang mahigpit na pamahalaan, gabayan at pangasiwaan ang mga babae. Kailangan nilang lubos na katawanin ang kanilang papel bilang ang nakatataas, kailangan nilang supilin ang mga babaeng malinis, mabait, malumanay, at mabuti ang asal, tumayo bilang panginoon ng mga ito at bilang ulo ng tahanan, at siguraduhing gagawin ng mga babae kung ano ang nararapat gawin ng mga ito at tutuparin ang mga nararapat na obligasyon ng mga ito. Ang mga lalaki naman, sa kabaligtaran, ay hindi kailangang isagawa ang ganitong uri ng wastong asal—hindi sila kasali sa panuntunang ito. Yamang hindi kasali ang mga lalaki sa panuntunang ito, ang pahayag na ito tungkol sa wastong asal ay isa lamang pamantayan na maaaring gamitin ng mga lalaki upang husgahan ang mga babae. Ibig sabihin, kapag gustong pakasalan ng isang lalaki ang isang babaeng may wastong asal, paano niya dapat husgahan ang babae? Maaaring tukuyin na lang niya kung ang babae ay malinis, mabait, malumanay, at mabuti ang asal. Kung ito ay malinis, mabait, malumanay, at mabuti ang asal, maaari niya itong pakasalan—kung hindi, hindi niya ito dapat na pakasalan. Kung pakakasalan niya ang gayong babae, mamaliitin ng iba ang babaeng ito at sasabihin pang hindi ito isang mabuting tao. Kaya, anong mga partikular na hinihingi ang sinasabi ng mga moralista na kailangang tuparin ng mga babae upang makonsidera silang malinis, mabait, malumanay, at mabuti ang asal? May mga partikular na kahulugan ba ang mga pang-uring ito? Maraming kahulugan sa likod ng bawat salitang “malinis,” “mabait,” “malumanay,” at “mabuti ang asal,” at wala sa mga katangiang ito ang madaling isabuhay para sa sinuman. Walang tao o intelektuwal ang makapagsasagawa sa mga katangiang ito, subalit hinihingi pa nilang gawin ito ng mga pangkaraniwang babae—masyado itong hindi makatarungan sa mga babae. Kaya, ano ang mga pangunahing pag-uugali at partikular na uri ng wastong asal ang kailangang ipakita ng mga babae upang makonsidera silang malinis, mabait, malumanay, at mabuti ang asal? Una, kailangan ay hinding-hindi tatapak ang mga babae sa labas ng kanilang tirahan, at kailangan nilang balutin ang kanilang mga paa sa haba ng humigit-kumulang na apat na pulgada, na mas maikli sa haba ng palad ng isang maliit na bata. Nililimitahan nito ang mga babae at tinitiyak na hindi sila makapupunta saanman nila naisin. Bago magpakasal, hindi pinahihintulutan ang mga babaeng lumabas ng kanilang tirahan, kailangan nilang magkulong sa kanilang mga tagong silid-tulugan, at kailangan ay hindi sila magpakita sa publiko. Kung makasusunod sila sa mga panuntunang ito, taglay nila ang moral na karakter ng isang dalagang malinis, mabait, malumanay, at mabuti ang asal. Pagkatapos magpakasal, kailangang ipakita ng isang babae ang pagkamasunuring anak sa kanyang mga biyenan at tratuhin nang maganda ang ibang kamag-anak ng kanyang asawa. Kahit paano pa siya tratuhin o abusuhin ng pamilya ng kanyang asawa, kailangan niyang pagtiisan ang paghihirap at pamumuna, na gaya ng isang matapat na kabayong pantrabaho. Bukod sa kailangan niyang pagsilbihan ang lahat ng miyembro ng pamilya, kapwa bata at matanda, kailangan din niyang magkaanak upang ipagpatuloy ang linya ng angkan, at gawin ang lahat ng iyon nang walang kahit katiting na reklamo. Kahit gaano pa siya mabugbog o dumanas ng mga pang-aabuso sa mga kamay ng kanyang mga biyenan at kahit gaano pa siya kapagod at kahit gaano pa niya kailanganing magsikap, hinding-hindi siya maaaring magreklamo sa kanyang asawa tungkol sa alinman sa mga ito. Kahit gaano pa siya inaapi ng kanyang mga biyenan, hindi niya maaaring hayaan ang sinumang hindi miyembro ng pamilya na malaman ito at magpakalat ng anumang tsismis tungkol sa kanyang pamilya. Kahit gaano pa siya naagrabyado, hindi siya maaaring magsalita at kailangan niyang tiisin nang tahimik ang mga insulto at pamamahiya. Bukod sa kailangan niyang pagtiisan ang paghihirap at pamumuna, kailangan din niyang matutuhan na maamong magpasakop sa pang-aapi, kimkimin ang kanyang galit, at tiisin ang kahihiyan at ang bigat ng responsabilidad—kailangan niyang matutuhan ang sining ng pagtitiis at pagtitimpi. Anuman ang masasarap na pagkain sa hapag-kainan, kailangan muna niyang hayaang makakain niyon ang ibang miyembro ng pamilya; upang ipakita ang kanyang pagsunod bilang anak, kailangan muna niyang paunahing makakain ang mga biyenan niya, pagkatapos ay ang kanyang asawa at mga anak. Pagkatapos makakain ng lahat at maubos na ang lahat ng másáráp na pagkain, saka siya magpapakabusog sa anumang natirang pagkain. Dagdag pa sa mga hinihingi na katatapos Ko lang talakayin, sa makabagong panahon, inaasahan din ang mga babae na “maging mahusay sa pakikisalamuha at gayundin sa kusina.” Nang marinig Ko ang mga katagang ito, napaisip Ako, ano ba ang ginagawa ng lahat ng lalaki kung ang mga babae ang inaasahang tahananmaging mahusay sa pakikisalamuha at gayundin sa kusina? Kailangan na ang mga babae ang nagluluto para sa buong pamilya, gumagawa ng mga gawaing-bahay at nag-aalaga ng mga anak sa tahanan, at pumunta sa mga bukid at magtrabaho—kailangan nilang maging mahusay kapwa sa tahanan at sa labas nito, sa pamamagitan ng pagtapos sa lahat ng trabahong ito. Sa kabaligtaran naman, kailangan lang ng mga lalaking pumasok sa trabaho, pagkatapos ay umuwi at sayangin ang kanilang oras sa paglilibang at hindi sila gumagawa ng anumang gawaing-bahay. Kung may ikinagagalit sila sa trabaho, ibinubunton nila ito sa kanilang asawa at mga anak—makatarungan ba ito? Ano ang napansin ninyo sa mga usaping ito na Aking tinalakay? Walang sinumang nagpapataw ng anumang hinihingi sa wastong asal ng mga lalaki, subalit inaasahan ang mga babae na maging mahusay sa pakikisalamuha at gayundin sa kusina bukod pa sa pagpapanatili ng karakter na malinis, mabait, malumanay, at mabuti ang asal. Ilang babae ba ang nakatutupad sa gayong mga hinihingi? Hindi ba’t hindi makatarungan na hingiin ang gayon sa mga babae? Kung makagawa ang isang babae ng kahit katiting na pagkakamali, siya ay binubugbog, iniinsulto, at maaari pa siyang iwanan ng kanyang asawa. Kailangan talagang tiisin ng mga babae ang lahat ng ito, at kung talagang hindi na nila ito makayanan, ang maaari lang nilang gawin ay ang magpatiwakal. Hindi ba’t mapang-api ang partikular na hingiin ang gayong mga hindi makataong bagay sa mga babae, gayong mas mahina ang kanilang pisikal na katawan, at mas mahina ang kapangyarihan at pisikal nilang kakayahan kaysa sa mga lalaki? Sa mga babaeng naririto ngayon, hindi ba’t iisipin ninyo na labis-labis na kung gayon ang hihingiin sa inyo ng mga tao sa tunay na buhay? Talaga bang nakatadhanang magkaroon ng kontrol ang mga lalaki sa mga babae? Nakatadhana ba ang mga lalaki na maging panginoon ng mga babae at pilitin ang mga babae na magtiis ng paghihirap? Kung isasaalang-alang ang masamang kalagayang ito ng mga bagay-bagay, hindi ba’t maipagpapalagay natin na ang kasabihang “Ang isang babae ay kailangang maging malinis, mabait, malumanay, at mabuti ang asal” ay epektibong nagdudulot ng mga hidwaan sa lipunan? Hindi ba’t malinaw nitong itinataas ang katayuan ng mga lalaki sa lipunan, habang sadyang pinabababa ang katayuan ng mga babae? Dahil sa hinihinging ito, matibay ang paniniwala ng mga lalaki at babae na ang katayuan at halaga sa lipunan ng mga babae ay mas mababa, sa halip na kapantay, sa mga lalaki. Samakatuwid, ang mga babae ay nararapat na maging malinis, mabait, malumanay, at mabuti ang asal, dumanas ng pagmamaltrato, at madiskrimina, mapahiya, at mapagkaitan ng mga karapatang pantao sa lipunan. Sa kabaligtaran naman, nababalewala na ang mga lalaki ang dapat na maging ulo ng tahanan at makatwirang hingiin na maging malinis, mabait, malumanay, at mabuti ang asal ng mga babae. Hindi ba’t ito ay sadyang pagdudulot ng alitan sa lipunan? Hindi ba’t ito ay sadyang paglikha ng mga hidwaan sa lipunan? Hindi ba’t maghihimagsik ang ilang babae pagkatapos dumanas ng pagmamalupit sa loob ng mahabang panahon? (Oo.) Saanman mayroong kawalan ng katarungan, magkakaroon ng paghihimagsik. Patas at makatarungan ba sa mga babae ang kasabihang ito tungkol sa wastong asal? Sa pinakamababa, hindi ito patas at makatarungan sa mga babae—pinahihintulutan lang nito ang mga lalaki na mas kumilos nang garapalan, pinalalalim nito ang hidwaan sa lipunan, pinapataas ang katayuan ng mga lalaki sa lipunan at pinapababa ang katayuan ng mga babae, habang mas pinagkakaitan din ang mga babae ng kanilang karapatang umiral, at tusong pinalalala ang hindi pagkakapantay-pantay ng katayuan ng mga lalaki at babae sa lipunan. Maibubuod Ko ang papel na ginagampanan ng mga babae sa tahanan at sa buong lipunan, pati na ang uri ng wastong asal na kanilang ipinakikita, sa tatlong salita lamang: tagasalo ng pang-aabuso. Hinihingi ng kasabihan tungkol sa wastong asal na “Ang isang babae ay kailangang maging malinis, mabait, malumanay, at mabuti ang asal” na igalang ng mga babae ang mga nakatatanda sa pamilya, mahalin at pagmalasakitan ang mga nakababatang miyembro ng pamilya, maging labis na magalang sa kanilang asawa, at pagsilbihan ito nang husto. Kailangan nilang pangasiwaan ang lahat ng usapin ng pamilya sa loob at labas ng tahanan, at kahit gaano pa karaming paghihirap ang kanilang tiisin, hinding-hindi sila maaaring magreklamo—hindi ba’t pagkakait ito sa mga babae ng kanilang mga karapatan? (Oo.) Pagkakait ito sa mga babae ng kanilang kalayaan, ng kanilang karapatan sa malayang pananalita, at ng kanilang karapatang mabuhay. Makatao bang ipagkait sa mga babae ang lahat ng kanilang karapatan at hingiin pa rin na tuparin nila ang kanilang mga responsabilidad? Katumbas ito ng pagyurak sa mga babae at pagpapataw ng sumpa sa kanila!



Napakalinaw naman na ang mga moralistang nagpataw ng hinihinging ito sa mga babae, at kasabay nito ay nagpataw sa kanila ng sumpa, ay mga lalaki at hindi mga babae. Hindi pipiliin ng mga babaeng yurakan ang sarili nilang mga kabaro, kaya tiyak na gawa ito ng mga lalaki. Nag-aalala sila na kung magiging masyadong mahusay ang mga babae, magtatamo ng labis-labis na awtoridad at magkakaroon ng sobra-sobrang kalayaan, magiging kapantay na sila ng mga lalaki maliban na lang kung sila ay mahigpit na pangangasiwaan at kokontrolin. Unti-unti, ang mahuhusay na babae ay magkakaroon ng mas mataas na katayuan kaysa sa mga lalaki, titigil sila sa paggawa ng kanilang mga tungkulin sa tahanan, at ito—sa paniniwala ng mga lalaki—ay makaaapekto sa pagiging magkakasundo ng mga miyembro ng pamilya. Kung walang pagkakasundo sa indibidwal na mga tahanan, mawawala ang pagkakasundo sa buong lipunan at nakababahala ito para sa mga tagapamahala ng bansa. Nakita mo na, kahit ano pang talakayin natin, tila bumabalik ang usapan sa naghaharing uri. May masasama silang layunin at nais nilang pangasiwaan ang mga babae at kumilos laban sa mga ito—hindi ito makatao. Hinihingi nila na, sa tahanan man o sa buong lipunan, ang mga babae ay kailangang maging lubos na masunurin, maamong magpasakop sa pang-aapi, magpakumbaba at magpakababa, lunukin ang lahat ng insulto, magkaroon ng mataas na pinag-aralan at maging praktikal, maamo at mapagmalasakit, at magtiis sa lahat ng paghihirap at pamumuna, at iba pa. Malinaw na inaasahan talaga nilang maging tagasalo ng pang-aabuso at maging sunud-sunuran ang mga babae—kung gagawin nila ang lahat ng ito, magiging tao pa rin ba sila? Kung masusunod talaga nila ang lahat ng hinihinging ito, hindi na sila magiging tao; magiging tulad na sila ng mga diyos-diyosang sinasamba ng mga walang pananampalataya na hindi kumakain o umiinom, nakahiwalay sa mga materyal na usapin ng mundo, hindi kailanman nagagalit, at walang personalidad. O maaaring maging tulad sila ng mga papet o makinang hindi nag-iisip o tumutugon nang malaya. Ang sinumang aktuwal na tao ay magkakaroon ng mga opinyon at pananaw tungkol sa mga kasabihan at limitasyon ng mundo sa labas—imposibleng maamo silang makapagpasakop sa lahat ng pang-aapi. Ito ang dahilan kung bakit lumitaw sa makabagong panahon ang mga kilusan para sa mga karapatan ng mga babae. Unti-unting tumaas ang katayuan sa lipunan ng mga babae sa nakalipas na humigit-kumulang na ilang daang taon, at sa wakas ay nakawala na sila sa mga tanikalang dating gumagapos sa kanila. Ilang taon bang sumailalim ang mga babae sa panggagapos na ito? Sa Silangang Asya, kinontrol sila sa loob ng hindi bababa sa libu-libong taon. Napakalupit at napakabagsik ng panggagapos na ito—binabalot ang kanilang mga paa hanggang sa puntong ni hindi na sila makalakad at kailanman ay walang sinumang nagtanggol sa mga babaeng ito laban sa kawalan ng katarungan. Nabalitaan Kong noong ikalabimpito at ikalabing-walong siglo, naglagay rin ang ilang Kanluraning bansa ng mga partikular na limitasyon sa kalayaan ng mga babae. Paano nila nilimitahan ang mga babae noong mga panahong iyon? Pinagsusuot nila ang mga ito ng mga biluhabang paldang nakakabit sa baywang ng mga ito gamit ang mga metal na kawit at sinusuportahan ng mabibigat, umuugoy na bilog na bakal. Dahil dito ay naging napakahirap para sa mga babae na umalis ng bahay o maglakad-lakad at lubha nitong nalimitahan ang pagkilos nila. Samakatuwid ay naging napakahirap para sa mga babaeng maglakad nang mas malayo o umalis sa kanilang tahanan. Ano ang ginawa ng mga babae sa mahihirap na kalagayang ito? Ang tanging nagawa nila ay tahimik na sumang-ayon at manatili sa bahay, at hindi sila makapaglakad nang malayo. Imposible ang lumabas upang maglakad-lakad, tingnan ang mga tanawin, palawakin ang kanilang mga karanasan, o bisitahin ang mga kaibigan. Ito ang pamamaraang ginamit sa Kanluraning lipunan upang limitahan ang mga babae—ayaw nitong umalis ang mga babae sa bahay at makipag-ugnayan sa sinumang naisin ng mga ito. Noong mga panahong iyon, maaaring sumakay ang mga lalaki sa kanilang mga karwaheng hinihila ng mga kabayo tungo sa kung saanman nila naisin nang walang anumang limitasyon, subalit ang mga babae ay sumasailalim sa lahat ng uri ng limitasyon kapag umaalis ng bahay. Sa makabagong panahon, paunti na nang paunti ang mga limitasyong ipinapataw sa mga babae: Ipinagbawal na ang pagbabalot ng paa at ang mga babaeng taga-Silangan ay malaya nang pumili kung sino ang gusto nilang makarelasyon. Medyo malaya na ang mga babae ngayon at unti-unti nang nakakaahon mula sa kalupitan ng pang-aalipin. Sa pag-ahon nila mula sa kalupitang ito, pumasok na sila sa lipunan at unti-unti nang nagsimulang akuin ang makatwirang bahagi ng responsabilidad. Nagkamit na ang mga babae ng medyo mataas na katayuan sa lipunan, at nagtatamasa sila ng mas maraming karapatan at pribilehiyo kaysa noon. Unti-unti, nagsisimula nang mahalal ang mga babaeng punong ministro at pangulo sa ilang bansa. Mabuti ba o masama para sa sangkatauhan na unti-unti nang tumataas ang katayuan ng mga babae? Sa pinakamababa, ang pagtaas ng katayuang ito ay nagbigay sa mga babae ng kaunting kalayaan at kaginhawahan—mabuti talaga ito para sa mga babae. Kapaki-pakinabang ba sa lipunan na maging malaya ang mga babae at magkaroon ng karapatang ipahayag ang kanilang sarili? Ang totoo, kapaki-pakinabang ito; kayang gawin ng mga babae ang maraming bagay na hindi nagagawa nang maayos o ayaw gawin ng mga lalaki. Nangingibabaw ang mga babae sa maraming larangan. Sa panahon ngayon, bukod sa nakapagmamaneho na ang mga babae ng mga sasakyan, nakapagpapalipad na rin sila ng mga eroplano. Ang ilang babae ay naglilingkod din bilang mga opisyal o pangulo na pinangangasiwaan ang usapin ng mga bayan, at ginagawa nila ang kanilang mga trabaho nang kasinghusay ng mga lalaki—isa itong malinaw na pagpapamalas na ang mga babae ay kapantay ng mga lalaki. Ngayon, ang mga karapatang dapat tamasahin ng mga babae ay lubos nang naitataguyod at napoprotektahan, na isang normal na penomena. Siyempre, tama lang na tamasahin ng mga babae ang sarili nilang mga karapatan, ngunit pagkatapos mabaluktot ang sitwasyon sa loob ng libu-libong taon, ngayon lang ito muling naging normal, at na sa pangkalahatan ay nakamit na ang pagkakapantay-pantay ng mga lalaki at babae. Sa pagtingin dito mula sa perspektiba ng tunay na buhay, unti-unti nang dinaragdagan ng mga babae ang presensiya nila sa lahat ng antas sa lipunan at sa lahat ng industriya. Ano ang ipinahihiwatig nito sa atin? Ipinahihiwatig nito sa atin na ang mga babaeng may iba’t ibang uri ng kadalubhasaan ay unti-unti nang ginagamit ang kanilang mga talento at nag-aambag ng kabuluhan sa sangkatauhan at lipunan. Paano man tingnan ng isang tao ang sitwasyong ito, talagang kapaki-pakinabang ito sa sangkatauhan. Kung hindi naibalik ang mga karapatan at katayuan sa lipunan ng mga babae, anong uri ng trabaho ang gagawin nila? Nasa bahay lang sila, inaasikaso ang kanilang asawa at itinataguyod ang kanilang mga anak, inaasikaso ang mga gawain sa tahanan, at ipinapakita ang kanilang malinis, mabait, malumanay, at mabuting asal—hindi talaga nila matutupad ang mga responsabilidad nila sa lipunan. Ngayong itinataguyod at pinoprotektahan na ang kanilang mga karapatan, nakapag-aambag na nang normal sa lipunan ang mga babae, at natatamasa na ng sangkatauhan ang pakinabang ng kabuluhan at ang mga iniaambag ng mga babae sa lipunan. Mula sa katunayang ito, ganap tayong nakatitiyak na magkapantay ang mga lalaki at babae, at na hindi dapat maliitin o pagmalupitan ng mga lalaki ang mga babae, at na dapat na tumaas ang katayuan ng mga babae sa lipunan, na pawang nagpapahiwatig na umuunlad ang lipunan. Ngayon ay mayroon nang mas may-kabatiran, tama, at maayos na pagkaunawa ang sangkatauhan tungkol sa kasarian, at ang resulta, nagsimula nang pumasok ang mga babae sa mga trabahong dati ay iniisip ng mga taong hindi nila kayang gawin. Bukod sa madalas na ngayong magtrabaho ang mga babae sa mga pribadong kompanya, naging karaniwan na rin sa kanilang punan ang mga posisyon sa mga departamento ng siyentipikong pananaliksik, at nadaragdagan din ang porsiyento ng mga babaeng naglilingkod sa mga tungkulin ng pambansang pamumuno. Mayroon na ring mga babaeng manunulat, mang-aawit, negosyante, at siyentista, marami nang babae ang naging mga kampeon at pumapangalawa sa mga palakasan, at nagkaroon na nga rin ng mga babaeng bayani sa mga panahon ng digmaan, ang lahat ng ito ay nagpapatunay na may kakayahan din ang mga babae na tulad ng sa mga lalaki. Tumataas ang porsiyento ng mga babaeng nagtatrabaho sa bawat industriya at normal lang ito. Sa lahat ng larangan at propesyon sa kasalukuyang lipunan, paunti na nang paunti ang pagkiling laban sa mga babae, mas patas na ang lipunan at may tunay na pagkakapantay-pantay sa mga lalaki at babae. Hindi na napipigilan at nahuhusgahan ang mga babae ng mga parirala at pamantayan ng wastong asal na gaya ng “Ang isang babae ay kailangang maging malinis, mabait, malumanay, at mabuti ang asal” o “Ang isang babae ay kailangang magkulong sa kanyang tagong silid-tulugan.” Medyo mas protektado na ngayon ang mga karapatan ng mga babae, na tunay na sumasalamin sa panlipunang kalagayan ng pagkakapantay-pantay ng mga kasarian.



Tila mga lalaki lang ang nakikita nating humihingi na maging malinis, mabait, malumanay, at mabuti ang asal ng mga babae, ngunit kailanman ay hindi natin nakikita ang mga babae na hinihingi ang gayon sa mga lalaki. Isa itong lubhang hindi patas na paraan ng pagtrato sa mga babae, at medyo makasarili, kasuklam-suklam, at walang kahihiyan pa nga. Masasabi rin na ilegal at mapang-abuso ang tratuhin nang ganito ang mga babae. Sa kasalukuyang lipunan, marami nang bansa ang nagtakda ng mga batas na nagbabawal sa pang-aabuso sa mga babae at bata. Sa katunayan, walang anumang partikular na sinasabi ang Diyos hinggil sa mga kasarian ng sangkatauhan, dahil ang mga lalaki at babae ay parehong mga nilikha ng Diyos at mula sa Diyos. Gaya nga ng pariralang sinasabi ng sangkatauhan, “Magkasinghalaga ang palad at ang likod ng kamay”—walang partikular na pagkiling ang Diyos sa mga lalaki o babae, wala rin Siyang partikular na mga hinihingi sa anumang kasarian, magkapareho lang ang mga kasariang ito. Samakatuwid, ginagamit ng Diyos ang parehong iilang pamantayan upang hatulan ka, lalaki ka man o babae—titingnan Niya kung anong uri ng pagkataong diwa ang taglay mo, kung ano ang landas na iyong tinatahak, kung ano ang saloobin mo sa katotohanan, kung minamahal mo ang katotohanan, kung ikaw ay may-takot-sa-Diyos na puso, at kung kaya mong magpasakop sa Kanya. Kapag pumipili ng isang tao at nililinang siya upang gumawa ng isang partikular na tungkulin o magsakatuparan ng isang partikular na responsabilidad, hindi tinitingnan ng Diyos kung isa siyang lalaki o babae. Itinataas ng Diyos ang ranggo ng mga tao at ginagamit sila, lalaki man sila o babae, sa pamamagitan ng pagtingin kung mayroon silang konsensiya at katwiran, kung katanggap-tanggap man ang kakayahan nila, kung tinatanggap nila ang katotohanan at kung ano ang landas na kanilang tinatahak. Siyempre, kapag inililigtas at ginagawang perpekto ang sangkatauhan, hindi humihinto ang Diyos upang isaalang-alang ang kanilang kasarian. Kung isa kang babae, hindi isinasaalang-alang ng Diyos kung ikaw ay malinis, mabait, malumanay, o kung mabuti ang asal mo, at hindi Niya sinusuri ang mga lalaki batay sa kanilang kalakasan at pagkalalaki—hindi ito ang mga pamantayan sa pagsusuri ng Diyos sa mga lalaki at babae. Gayunpaman, sa hanay ng natiwaling sangkatauhan, palaging mayroong mga taong nangdidiskrimina sa mga babae, na nagpapataw ng mga partikular na imoral at hindi makataong hinihingi sa mga babae upang ipagkait sa kanila ang kanilang mga karapatan, ang kanilang karapat-dapat na katayuan sa lipunan, ang kabuluhang dapat na mayroon sila sa lipunan, at na nagsisikap na limitahan at pigilan ang positibong pag-unlad at pag-iral ng mga babae sa lipunan, binabaluktot ang kanilang mga mentalidad. Dahil dito, nalulugmok sa depresyon at kapighatian ang mga babae sa buong buhay nila, wala silang magawa kundi magtiis sa isang kahiya-hiyang paraan ng pamumuhay sa mga baluktot at nakapipinsalang panlipunan at moral na kapaligirang ito. Kaya lang ito nangyari ay dahil kontrolado ni Satanas ang lipunan at buong mundo, at ang sangkatauhan ay walang pakundangang nililihis at ginagawang tiwali ng lahat ng uri ng demonyo. Bilang resulta, hindi nakikita ng mga tao ang tunay na liwanag, hindi nila hinahanap ang Diyos, at sa halip ay sapilitan o walang kamalay-malay silang namumuhay sa ilalim ng panlalansi at pangmamanipula ni Satanas, hindi sila makawala rito. Ang tanging paraan nila upang makawala ay ang hanapin ang mga salita ng Diyos, ang Kanyang pagpapakita at ang Kanyang gawain upang magkaroon sila ng pagkaunawa sa katotohanan at makita nila nang malinaw at makilatis ang iba’t ibang kabulaanan, maling pananampalataya, maladiyablong salita, at katawa-tawang pahayag na pawang nagmumula kay Satanas at sa masamang sangkatauhan. Saka lang sila makakawala sa mga pagpipigil, panggigipit, at impluwensiyang ito. At sa pamamagitan ng pagtingin sa mga tao at bagay at pag-asal at pagkilos ayon sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan ay saka lamang makapagsasabuhay ang isang tao ng isang wangis ng tao, makapamumuhay nang may dignidad, makapamumuhay sa liwanag, magagawa ang nararapat niyang gawin, matutupad ang mga obligasyong dapat niyang tuparin at, siyempre, makapag-aambag ng kanyang kabuluhan, at matatapos ang kanyang misyon sa buhay sa pangunguna ng Diyos at sa gabay ng mga tamang kaisipan at pananaw—hindi ba’t lubhang makabuluhan ang mamuhay sa ganitong paraan? (Oo.) Habang nagbabalik-tanaw kayo sa kung paano ginamit ni Satanas ang kasabihang “Ang isang babae ay kailangang maging malinis, mabait, malumanay, at mabuti ang asal” upang magpataw ng mga hinihingi sa mga babae at limitahan, kontrolin, at alipinin pa nga sila sa loob ng maraming milenyo, anu-ano ang mga nararamdaman ninyo? Kapag lahat kayong mga babae ay nakarinig ng mga taong nagbanggit sa pariralang “Ang isang babae ay kailangang maging malinis, mabait, malumanay, at mabuti ang asal,” agad ba kayong nakararamdam ng pagtutol dito at nagsasabing, “Huwag mong banggitin iyan! Wala iyang kinalaman sa akin. Bagama’t babae ako, sinasabi ng mga salita ng Diyos na walang kinalaman ang pariralang ito sa mga babae”? Sasabihin ng ilang lalaki: “Kung wala itong kinalaman sa iyo, kanino nakapatungkol ang pariralang ito? Hindi ba’t babae ka?” At tutugon ka naman: “Babae ako, totoo iyan. Ngunit hindi galing sa Diyos ang mga salitang iyan, ang mga iyan ay hindi ang katotohanan. Galing ang mga salitang iyan sa diyablo at sa sangkatauhan, niyuyurakan nila ang mga babae at pinagkakaitan ang mga ito ng karapatang mabuhay. Hindi makatao at hindi makatarungan sa mga babae ang mga salitang iyan. Naghihimagsik ako!” Ang totoo ay hindi na kinakailangang maghimagsik. Ang kailangan mo lang gawin ay magkaroon ng tamang pagharap sa ganitong mga uri ng parirala, tanggihan mo ang mga ito, at huwag magpaimpluwensiya at magpapigil sa mga ito. Kung, sa hinaharap, may magsasabi sa iyong, “Hindi ka mukhang babae, at napakagaspang mong magsalita, para kang lalaki. Sino ba ang magkakagustong magpakasal sa iyo?” paano ka dapat tumugon? Maaari mong sabihin, “Kung walang magpapakasal sa akin, eh di sige. Ang ibig mo ba talagang sabihin, ang tanging paraan upang mamuhay nang may dignidad ay ang magpakasal? Ang ibig mo bang sabihin, ang mga babae lang na malinis, mabait, malumanay, mabuti ang asal, at minamahal ng lahat ang mga tunay na babae? Mali yata iyon—hindi dapat malinis, mabait, malumanay, at mabuti ang asal ang mga salitang tunay na tumutukoy sa mga babae. Hindi dapat tukuyin ang mga babae batay sa kanilang kasarian, at hindi dapat husgahan ang kanilang pagkatao batay sa kung sila ay malinis, mabait, malumanay, at mabuti ang asal, kundi sa halip, dapat silang husgahan gamit ang mga pamantayan ng pagsusuri ng Diyos sa pagkatao ng tao. Ito ang patas at obhetibong paraan ng pagsusuri sa kanila.” Ngayon ba ay may pangkalahatang pagkaunawa ka na sa kasabihang ito, “Ang isang babae ay kailangang maging malinis, mabait, malumanay, at mabuti ang asal?” Dapat ay nalinaw na ngayon ng Aking pagbabahagi ang mga nauugnay na katotohanan sa kasabihang ito at ang mga tamang perspektiba kung paano ito dapat harapin ng mga tao.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, Volume VI
 
Sa topic po, kaya lang naman nagkakaganyan ang lalake dahil sa insecurity at intimidate sila sa babae poh kaya sila itong doing everything they can para ma prevent kung ano meron sa babae poh, kaya kung ano man ang talent, ability or skills na meron sa babae mismo ay hindi siya nabibigyan ng pagkakataon kung ano ang gusto niya gawin and as a result, nananatili pa rin sa mababang status ang babae kung saan ang lalake ay mas mataas sa kanya pagdating sa status ng kinakatayuan poh nila.

Alam niyo naman, lalake ang ma ego pagdating sa gender poh and no wonder why nakarating tayo sa kasalukuyan ganitong sitwasyon poh na mataas ang negative impression nila sa feminism, eh ang feminism poh ay gender equality kung tawagin. Ayaw ng lalake na ka equal nito ang babae. Gusto poh nila na panatilihin ng lalake na mas mababa ang babae sa kanya. Ang justified pa nga nila is ang lalake at babae ay magkaiba daw. Nagcocompare sila kung sino mas lamang sa hindi. Hindi ko sinasabi na lahat ng mga lalake dahil meron kasi lalake na gusto niya equal ang babae sa kanya para hindi rin burden sa parte ng lalake lalo na kung lahat ay sa lalake na lang iaasa poh. Burden na in a sense na hindi nila nakakayanan kapag sa kanila lahat iaasa poh. Ganun.

Hindi ko rin masasabi na lahat ng babae ay gusto na ka equal niya ang status ng lalake dahil nakakabenefit din poh kasi kahit papaano ang babae sa lalake, halimbawa, pagdating sa pera. Na cultivate kase sa utak nila at ganoon din kasi ang naging upbringing from the family din nila eh. You know? Parang ipinamana ng generation ng generation ng kanilang pamilya.

And dahil sa ganyan sitwasyon katulad ng topic po, nagkaroon poh siya ng maraming movements. Andiyan na ang wokeism, andiyan na ang feminism.... ano pa? Marami iba pa para lamang matibag o mabago ang sistema ng lipunan na hindi na aangkop sa ibang tao. Yet, meron siya equality nowadays pero hindi ko pa rin masasabi na absolute poh. Hindi pa rin, dahil talamak pa rin ang diskriminasyon kapag halimbawa, ang babae ay lumampas mismo sa status na ini-expect na dapat doon lang siya. Diskriminasyon ika nga kung tawagin and hindi rin nakakapagtaka din kung bakit at bakit rare lang or hindi siya ganoon ka prevalent or influence ang babae na nakakapasok sa tuktok ng pyramid or sa tuktok ng status na nais niya makamit. Kung baga, meron nagiging successful ang babae pero bibihira lang siya nakakapagpenetrate pagdating sa success poh. Madami pa kasi siyang pagdadaanan lalo na ang role niya na hindi fit in of what is being a woman poh na ini expect sa kanya ng mga tao. Rare lang siya dahil mas marami pa rin ang babae na gumigive up na lang na kung saan sa sobrang hirap maka survive in a patriarchal culture, they decide to accept their faith na lang na to be a housewife na lang poh siya. And also, to be submissive and not to be assertive as a woman. Ganun.

Meron nga nakasulat sa online on how to survive in a patriarchal culture for women, hindi ko lang siya nahanap uli.

To be honest, mahirap maging babae sa patriarchal culture poh dahil babae ang mag aadjust sa lalake ala-alang kung ano ang favorable sa lalake. Halimbawa, kahit sa women dress on how they behave po, kailangan pa rin na babae ang mag adjust ala-alang sa lalake para hindi g@hasahin ang babae o para hindi ma sexual harassment ito ng lalake imbis na lalake dapat ang eeducate mismo.

But walang nag eeducate sa lalake as in dahil na educate ito na babae ang kailangan mag adjust sa lalake pagdating sa pananamit para hindi raw gumawa ng masama ang lalake sa babae. Sa akin, unfair ang treatment pero at the same time , iyon ang normal eh. Papaano babaguhin ang kultura na ganyan ang nakasanayan huh? Pagkatapos ako ang pagtutulungan na keyso weird daw ako pero yeah, I realize, weird ako dahil hindi ako nagcoconform sa ideal na alam ko na hindi nakakatulong.

Nakakabenefit at nakaka advantage poh kasi ang lalake, kaya ganun. Dalawa lang ang options na gagawin. Lumaban o tumahimik, katulad ng topic na sinasabi, naisipan na ng babae na magsalita o naisipan na humingi ng rights dahil sa for how many years na ganyan ang pagkakatrato sa kanya.

Pero ma vocal din ang babae and so, yeah, nakakabenefit din sa part ng ibang lalake din lalo na meron ibang lalake na ayaw din nila na sa kanila lahat iaasa. Katulad ng kapatid ko na lalake. Minsan, magcocomplain kapag lagi siya inuutusan. Sasabihin niya minsan, "bakit sa akin niyo inaasa palagi?"​
 

About this Thread

  • 7
    Replies
  • 811
    Views
  • 6
    Participants
Last reply from:
Kaplok Kaplok

New Topics

Online now

Members online
421
Guests online
3,579
Total visitors
4,000

Forum statistics

Threads
2,325,257
Posts
29,220,575
Members
1,171,155
Latest member
savely
Back
Top