ANG NATATANGI NATING PLANETA
Kitang-kita ang karunungan ng Diyos sa pagkakagawa niya sa ating tahanan, ang lupa. (Roma 1:20; Heb. 3:4) Hindi lang ang planeta natin ang umiikot sa araw, pero natatangi ito dahil may kakayahan itong sumuporta sa buhay ng tao.
Ang lupa ay parang isang bangkang nakalutang sa karagatan. Pero malaki ang pagkakaiba ng lupa at ng bangkang punô ng tao. Halimbawa, magtatagal kaya ang buhay ng mga tao sa isang bangka kung sila mismo ang maglalaan ng sarili nilang oxygen, pagkain, at tubig at kung wala silang mapagtatapunan ng mga basura nila? Siguradong hindi. Sa kabaligtaran, bilyon-bilyon ang nananatiling buháy sa lupa. Naglalaan ang lupa ng oxygen, pagkain, at tubig na kailangan natin, at hindi tayo nauubusan ng mga ito. Kahit nananatili sa lupa ang mga waste product nito, maganda pa rin ito at puwede pa ring tirhan. Bakit? Dahil dinisenyo ni Jehova ang lupa na may kakayahang gamitin ulit ang mga bagay na patapon na sana. Tatalakayin natin kung paano makikita ang karunungan ni Jehova sa cycle ng oxygen at ng tubig.
Ang oxygen ay isang gas na kailangan ng mga tao at hayop para mabuhay. Sa loob ng isang taon, tinatayang 100 bilyong tonelada ng oxygen ang nilalanghap ng mga nilalang na ito. Ang mga ito rin ay naglalabas ng waste product na tinatawag na carbon dioxide. Pero hindi nauubos ang oxygen at hindi rin napupuno ng carbon dioxide ang atmospera. Bakit? Dahil lumikha rin si Jehova ng mga puno at halaman na kumukuha ng carbon dioxide at naglalabas ng oxygen. Kaya pinapatunayan ng oxygen cycle ang sinasabi sa Gawa 17:24, 25: ‘Ang Diyos ang nagbibigay sa lahat ng tao ng buhay at hininga.’
Likido ang tubig natin dahil tamang-tama ang distansiya ng lupa mula sa araw. Kung napalapit ito nang kaunti, matutuyo ang lahat ng tubig dahil sa init at walang mabubuhay sa lupa. Kung napalayo naman ito nang kaunti, magyeyelo ang lahat ng tubig at matatakpan ng yelo ang lupa. Inilagay ni Jehova ang lupa sa tamang lokasyon kaya napapanatili ng water cycle ang buhay sa lupa. Dahil sa araw, umiinit ang tubig sa mga karagatan at sa lupa at nag-e-evaporate ito para maging ulap. Taon-taon, halos 500,000 cubic kilometer ng tubig ang nag-e-evaporate. Ang tubig na nag-evaporate ay nananatili sa atmospera nang mga 10 araw bago maging ulan o snow. Pagkatapos, babalik ito sa mga karagatan at sa iba pang anyo ng tubig, at mauulit ang cycle. Dinisenyo ni Jehova ang cycle na ito para laging may tubig sa lupa. Pinapatunayan nito na si Jehova ay marunong at makapangyarihan.—Job 36:27, 28; Ecles. 1:7.