Unang punto, hindi totoo ang predestination, walang predestination ang Dios. Ang Dios ay gumagawa ng paraan para magkaroon ng magandang buhay ang tao, at ang tao naman maging anghel, ay may Free Will, walang robot at walang programmer na buhay sa mundo, kundi lahat ay may free will na sumunod at hindi sumunod sa Dios. Totoong alam ng Dios ang lahat ng bagay, at alam ng Dios ang mangyayari sa lahat, pero Yoon ay sapagkat ang Dios ay outside sa iniisip nating time line o oras ng panahon. Hindi ibig sabihin alam ng Dios ang mangyayari e, nakatakda na yun. Sa katalinuhan at kapangyarihan ng Dios, hindi mo pa ginagawa ang isang bagay, alam na niya na gagawin mo yun, at hindi dahil pinrogram ka niya na parang robot, kundi free will at ikaw pa rin ang gumawa non hindi ang Dios. Umpisa pa lang ay alam na ng Dios, yes Tama yon, bakit dapat magagalit pa siya dahil alam naman na niya? Kung ikaw ay sumasamba sa Dios Diosan, mamamatay tao, malaki apid sa kapuwa lalake o kaya sa kapuwa babae, need kang hatulan ng Dios. Bakit sa pang tao at pang bayan, e tanggap natin na may paghuhukom o judge sa mga nagawa nating mali? May nakukulong, sa iba panga ay may binibitay, kahit sa panahon ng Israel, bakit sa Dios ay hindi natin matanggap ang kaniyang paghatol, na siya rin naman ang may dakilang pagibig at pagliligtas sana, at siya rin ang lumikha sa ating lahat na binigyan ng buhay.
Pangalawang punto, paano yung mga bata, baby o sanggol, mga may kapansanan na hindi kayang makaintindi ng katuwiran. Bagamat sa panahon ni Noah, ay walang evidence na may ganon na sa panahon noon, dahil ang mga tao noon ay malalakas kaya nga sila ay umaabot pa ng 900+ years ang buhay, pero for the sake of the argument, sabihin nating meron nang mga kapansanan ang tao noon, and isama natin ang kalagayan ng bata.
Ang kahatulan ng Dios ay hindi natin pwedeng mapabulaanan at hindi natin pwedeng kwestyunin, pero ang Dios ang humahatol, hindi man nakalagay sa scripture o sa biblia, na pahamak agad yung mga bata na yun o sanggol o may mga kapansanan. Ang mga taong hindi nadatnan ng katuwiran, at maging mga sanggol at may kapansanan, bahala na ang Dios doon, sabi nga sa biblia, sapagkat sa mga nangasa labas, Dios ang humahatol. Bahala na ang Dios doon, kung ililigtas ng Dios ang kaluluwa ng mga sanggol, sa totoo lang mas maganda pang mamatay tayo ng sanggol at may kapansanan, kaysa makaisip at makagawa pa tayo ng mabibigat na kasalanan, medyo emotional kasi kapag ganon e, kaso mababa pa yun, ang pinatay ay laman, laman na may katapusan din, e kung papaano lumaki yung bata, at nabuhay sa pamilyang sumasamba sa Demonyo? Edi mas napahamak siya. Naniniwala ako, na ang Dios ay makatarungan, pero hindi ko pwedeng sabihin na ligtas ang bata at may kapansanan, yun ay ipagpasa Dios natin. Pero ako naniniwala na, ang mga sanggol na yan O fetus pa lang na namatay, diretso sa langit yan brad, pero ipagpasa Dios natin lahat yan.
Ang pinakamabuti para sa atin, ay tayong mga may kakayahan na sumuri at makinig ng katuwirang ikaliligtas. May mga malalim na mga bagay sabi nga sa Aklat ng Awit, malalalim at sobrang taas ng isip ng Dios, hindi natin kayang malirip, matarok at maintindihan, kaya ang susi ay pananampalataya. Pananampalataya sa pagkilala sa Dios, pananampalataya sa kaniyang kahatulan, at pananampalataya sa kaniyang pagliligtas.
Napakaganda brad, na ikaw ay may pagkilala parin sa Dios, at may pagkilala pa rin sa Bibliya, kasi mahal mo ang kaluluwa mo e, alam mo sa sarili mong may Dios, at alam mong may katapusan din ang buhay mo dito sa mundo.
Ang hard truth talaga sa loob ng Biblia, may mga bagay na mahirap unawain, sabi nga ni Apostol Pablo. Sapagkat napakalayas ng antas ng isip ng Creator/Dios sa Creation/Tao lang, sobrang layo.
Ngunit ang pinaka swerte, na mangyayari sa atin, alam natin sa sarili nating kaya mong magbasa, kaya mong makinig, kaya mong sumuri ng totoong relihiyon, at kung paano mo matutunan ang paglilingkod sa Dios.
Kung makikita mo ang mga nangyayari sa panahon nating ito, hundreds of years na prophecy ay nangyayari, palatandaan na malapit na paghuhukom, mga kahirapan ng buhay, mga gyera na yan, nuclear war, bansa laban sa bansa, kaharian laban sa kaharian, ang kaalaman ng tao ay lalago, maraming lilitaw na bulaang propeta na manliligaw, may magsasabi sila ang Cristo o anak ng Dios. Kitang kita na natin lahat ng palatandaan ng paghuhukom, at ito ay hindi inilingid sa atin.
Kung papaano sa panahon ni Noah, papaano sa panahon ng Sodoma at gommorah, gayon din sa panahong ito, na ang mga tao ay nangagbibili, nag aasawa, puro pang laman nalang ang iniintindi, at hindi na paglilingkod at pagkilala sa Dios. Alam nating malapit na ang Paghuhukom.
Kaya magpapahuli paba tayo? Tutulad paba tayo sa mga unang tao na hindi naniwala sa paghuhukom? Hindi ba tayo matatakot sa impyerno, sabi nga sa Apocalipsis, dagat dagatang apoy at asupre, na siyang ikalawang kamatayan, ang usok ng hirap ay mapapailanglang araw at gabi, walang kapahingahan, ang kanilang mga ngipin ay mag ngangalit?
Ngayon ang panahon, na dapat nating isipin ang ating kaluluwa, sapagkat kung mahal natin ang buhay natin sa laman, yung katawan at buhay mo sa mundong ito, mas dapat nating pahalagahan ang buhay natin sa espiritu. Ang sabi sa Apocalipsis 1:3, mapalad ang bumabasa at nakikinig ng salita ng hula, sapagkat ang panahon ay malapit na, lalong higit ang tumutupad ng utos, malapit na ang paghuhukom ng Dios, ito naman ang time mo, na para akayin ang sarili mo sa Dios, akayin ang mga mahal mo sa buhay, anak, kapatid, magulang, mga kaibigan, sapagkat Yoon ay pagmamahal mo, hindi man tayo mayaman sa mundong ito na laging may pang tustos sa hirap ng buhay, pero yung pagibig mong maligtas ka rin, at maligtas ang mahal mo sa buhay, yaan ang pinakamagandang gawin brad.