Naiintindihan ko na kung bakit not agree ang Christianism and Abrahamic pagdating sa Hinduism ng Yoga, Buddhist Meditation and etc...

Alam niyo ba? Naiintindihan ko na kung bakit feeling "danger" ang ibang religious Christian like Catholic or iba pa pagdating sa Buddhist meditation, Hindu Yoga and etc... is dahil take example sa core ng Buddhism. Diba? Ang meditation is to be self-aware, maging detach ang tao which is the result na kung ano ang nakikita ng mata natin is a form of illusion ang dating which is a threat sa perspectives ng ibang religious Christian po. Threat siya. Kapag nakawala kasi ang tao sa itinatawag na illusion po, ma aavoid niya ang sarili mag judge sa kapwa niya because it is just an illusion lang po siya. Training of the mind po kasi katulad ng practice of meditation, ang Yoga naman ay meditation with the use of Yoga too.

Just imagine, kung naging self-aware ang tao at naging detach siya mismo, andoon ang threat na pati deity or a God within Christianism ay illusion ang ikalalabas. Mga eastern philosophy po kasi ang mga iyan. Hindi sila mga dogmatic. Unlike sa Christianism and iba pang Abrahamic, dogmatic siya. Example, creator and ang mga tao. Ang creator ay love niya ang mga tao on earth and then, ang mga tao on earth ay nagmamahal din pabalik sa creator. There is a literal God. The personal deity. Unlike sa eastern philosophy, bukod sa walang personal God similar to Abrahamic, it is more being oneness, consciousness, alignment with the universe, frequency or energy, ang vibration is to align to the universe- wala siyang deity na magmamahal sa mga tao at ang tao ay mamahalin pabalik, at the same time, wala rin punishment.... it is because there God, generally speaking, is a person po. Person. Literal, God from Christianism and Abrahamic beliefs po.

Example, physics. Kapag ang ballpen, nahulog sa sahig. Physics siya because of energy. Gravity na nagpull down. Iyan ang energy at natural law kung tawagin. So wala siyang God na meron kilalaman sa pagbagsak ang ballpen sa lupa. Sa beliefs in Christianism, kapag ang ballpen ay bumagsak sa lupa, they will consider na God ang may gawa. Iyan ang ipinagkaiba ng dalawa.

Sa Vatican, during 1980's, allowed daw ang physical and breathing exercises like meditation basta huwag raw self-dissolution. Meaning hindi sila agree sa itinatawag na self-dissolution or edidisolve ang ego dahil ang sabi, kapag nawala raw ang ego, which is "I" - hindi na raw makapagmamahal ang mga tao sa God nila. Ang sinasabi nila, kailangan intact pa rin daw ang "I" para ang human and God ay panatilihin na nagmamahalan silang dalawa like creator at ang mga ginawa nito sa lupa.

Kaya nga non-theistic ang mga Buddhism, Hinduism at ang iba pang eastern philosophy po... iyon ang danger para sa kanila. Firm ang Vatican or ang iba pang religious leader na pwede epractice ang meditation like breathing and physical, basta naka-focus pa rin sila kay God or else, kapag hindi, hindi na magiging fit in sa core ng faith po nila. For them kasi, spiritual pride daw iyon dahil ang perspective nila, those people na nagpapractice ng Eastern philosophy act like a God dahil wala silang God eh. Hindi naman theistic ang kanila though hybrid sila. Hybrid mean, meron din silang deity pero ang concept ng deity nila is magkaiba sa deity ng Christianism and Abrahamic beliefs. Sa Chrsitianism and Abrahamic, naka-intervene po siya like mahal niya ang lahat ng tao na ginawa niya at ang mga tao ay mahal siya pabalik. At the same time, God din ang gumawa ng sarili law kung sino ang paparusahan at kung sino ang pwede nito mailigtas. Yung deity naman sa eastern philosophy, taga-guide lang siya sa mga tao.

Sa other side naman, ang ibang tao naman, ang tingin naman sa mga dogmatic at meron religious is sila ang meron spiritual pride dahil siniseparate daw nila ang pagiging oneness to the universe, the energy, the vibrational and frequency mismo. Kung baga, so different silang dalawa pagdating sa definition ng spiritual pride po.

In Christianism and Abrahamic, ang englightenment for them is God. Sa Eastern philosophy example Buddhism, ang enlightenment sa kanila is to self-dissolution or ang pag reduce ng ego para magkaroon ng humility at edetach ang self nila to reduce suffering.

Sa eastern philosophy kasi, andiyan ang tinatawag about universe, yung nature ng universe is cause and effect. Eaalign ng tao ang kanyang high vibration to the universe at walang kilalaman sa pagparusa or keyso mamahalin sila ng pabalik. Meron lang cause and effect kapag sinubukan ng tao emanipulate or sirain kung ano ang natural law ng universe, natural, meron talaga cause and effect iyan. Diyan nga nakuha ang kataga law of attraction. Iyan ang reason why dini-disagree talaga ng ibang religious leader ang law of attraction.

For them, in a Christianism and Abrahamic, people must depend on God because God loves people and people love God too. God din ang gumawa ng law kung ano ang dapat masunod sa hindi. Andoon din ang consequence of action kung sino man ang lumabag. He is a father at meron siya anak on earth. Except walang mother. About history ng Goddess na dati, na meron pang God and Goddess noon bago naging one monotheistic God, well, malalim na po siya. So kapag meron God, people must worship, must ask kung ano need ng mga tao sa kanya, sa kanya din hihingi ng tulong, sa kanya din ang healing, lahat na. As in lahat. More on personalan po kasi. Meron personal God. A personal friend kung baga kahit siyempre, hindi natin nakikita pero a person siya, ganun ang description ang dating.

​
 
Hindi lang law of attraction ang dinidisagree nila, pati na rin ang postive affirmation, pati na rin ang mga binaural beats para ealign ang vibration ng brain natin.... I think, halos lahat ng self-improvement is hindi ina-aprobahan. The reason for this is hindi raw kasi nakaasa ang mga tao kay God, eh ang God, complete siya just like the bible. Favorite nila sabihin na complete daw ang bible so bakit pa daw titingin sa self-help book. Anything na meron kilalaman sa self-improvement, its like ipinapalabas nila na nagsosolo ka and you are doing on your own kaysa mag depend siya kay God, ask him, and he will give anything kung ano ededesire ng tao. Complete na kahit healing, broken heart... lahat na, pati asking kung papaano pagyaman, eh kung okay na yumaman, may laws about diyan and etc...​
 
i love this how deep you share such knowledge. well appreciate ko ito share mo.

again, we can not force a lot of people to like us or agree with us, and beside base din sa share mo it is good to know such thing pero kapag sobra na medyo offending na iyan sa iba. lalo na kapag mababaw lang ang level ng pagunawa nila.

and it make sense to me about the eastern philosophy and it aligns to my walk spiritually. it made me realize the reality of life.
about sa bible i respect what others think of it but there is a hearsay that they thought its right. we can't blame them of easily manipulated because of what they heard of. to be honest, bible alone is not enough you must find other prove evidence that supports its claim. meaning may "evidence" siya hindi yun sabi sabi lang or dahil may posistion yun tao maniniwala ka agad.
 
Hindi naman lahat ng Christian or tao na nasa Abrahamic beliefs ay hindi open minded sa mga manifestation, sa mga law of attraction, sa mga positive affirmation, sa mga binaural beats and etc... ang iba sa kanila, open naman ang mind nila bagkus na rereinterpret nila in the bible na sabi, nasa bible daw siya and so, hindi sila feeling guilty or anything. Yung mga religious people lang na under Christianism at nasa Abrahamic beliefs na literal speaking na sobrang devoted at religiously sinusunod kung ano dapat na sinasabi ng religious leader at kung ano na naituro sa kanila in the bible.

Isa pa, dahil philosophy lang po, open sila sa other beliefs so kahit sino tao na meron other beliefs ay pwede epractice. Kung epapractice man, ke meron God or wala, okay lang dahil practice lang naman siya. Wala naman ipinagbabawal. Sa mga restrictive religious leaders lang ang tipong firm kung baga na talaga hindi ina-allowed na ma open ang mind nila sa mga ganyan dahil nag-iingat sila na keyso makalimutan na daw ang God- mga ganun ba.
​
 
Anyway, kung kaya, medio nauunawaan ko kaunti a bit about the law of universe, yung cause and effect, yung karma.... mga ganun ba? Though hindi ako expert, natutunan ko a bit. Halimbawa. Yung sa atin, nagkaroon ng bagyo, Undoy, binaha. Kapag religious ang tao at literal na devoted to God po, ang iisipin ng mga tao na the reason why nagkaroon ng bagyo at maraming namatay is dahil pinarusahan ng God ang mga tao sa bansang Pilipinas sapagkat ang mga tao sa Pilipinas ay maraming makasalanan pero sa mga non-theistic or sabihn natin ang iba na taga non-Abrahamic, para sa kanila is natural effect siya dahil sa ginawa ng tao. Meron karma, cause and effect like sa pagtapon ng basura, pagputol ng kahoy sa bundok and etc... kung baga, part tayo ng natural law from the universe at dahil sa pag mess up ng mga tao on earth, nagkakaroon siya ng effect.

Kaya meron example, sasabihin na itaas daw ang vibrational ng tao to be align to the universe para daw ma achieve ang goals. Sabi, kapag mababa raw ang frequency ng tao, hindi daw ma aachieve ng tao ang goals niya dahil hindi raw siya align sa natural law ng universe. Kapag mababa daw ang vibrations ng tao, natural, meron siyang effect.

Yung friend ko nga, sabi gusto daw niya makita ang itsura ng crush niya online dahil walang picture. As many days passed, nakita niya ang tunay na itsura ng crush niya on TikTok. Ganun pala daw ang itsura niya then, napasambit siya na it is a sign from the universe daw.

​
 
Dalawa lang po kasi.

1. Sa Christianism and mga Abrahamic beliefs in general as a whole, ang worldview talaga ng mga tao ay God is the center. Absolutely po. They really do believe na meron personal God. Nagcreate ang God ng tao. Nagcreate ang God ng heaven and hell. Dagdag God din ang gumawa ng laws. Ang laws na according to God only na kinakailangan masunod ng mga tao. Ginawa ni God ang mga tao and so mahal niya ang mga tao na ginawa on earth at mahal din ng mga tao ang God na nag create sa kanila. Meron God and ang tao na itinatawag na give and take relationship at hindi pwede one sided love. The reason why hindi pwede ang one sided love dahil kapag ang ilan tao ay hindi nagmahal ng pabalik sa God nila na nagcreate sa kanila, andoon ang parusa. In general speaking po , as a whole. So halimbawa , meron ilan tao na naisipan na lumabas ng relihiyon na hawak ng God , mapupunta ang tao sa hell pero kapag ang tao ay nag stay sa loob ng relihiyon na under ni God , ang reward ay heaven. Plus , dagdag about moral law na ginawa para sa mga tao na create niya on earth.

All in all , human characteristic talaga ang God. Act as a literal person. Iyon nga lang , cannot be seen in our own eyes. Ang mga tao na nasa labas ng relihiyon or sabihin natin na nagpapractice ng fully sa Eastern philosophy like yoga , meditation and etc....... from the view ng mga religious leaders, literal religious leader, spiritual pride po para sa kanila ang nagpapractice ng Eastern philosophy because they act like a God kuno. Wala kasi God in a sense similar to Abrahamic God. Separated ang human and deity po kasi ang kanila. Deity na gumawa ng tao, gumawa ng earth, gumawa ng heaven at gumawa ng hell. If there is no God, humanity will not be saved at depende pa sa relihiyon kung masasaved ang tao o hindi.

2. Sa Eastern philosophy , halimbawa , Buddhism , Hinduism , Taoism and etc..... though meron silang deity or deities like God and Goddess..... in general po , since wala silang God similar to Abrahamic beliefs like a personal loving God, the creator God, the God who judges na kung sino epapunish at itatapon sa heaven at hell dahil God ang gumawa din ng heaven and hell...... associated lang sa kanila ang oneness, single, undivided reality in the universe. Sa kanila , walang separation kungdi oneness in the universe like walang separation which is different from Abrahamic po na meron silang separation. Example , God and human on earth. Separate talaga na nagtatrabaho ang God ng 24 hours a day and taga supervise ng mga tao on earth. Sa mga ibang tao lang naman na nagkataon na nagpapractice ng eastern philosophy or drawn sa eastern philosophy kaya ipinipili nila ito is sabi naman nila , ang spiritual pride daw ay ang mga dogmatic religion po sapagkat sini-separate daw nila ang kanila self in the oneness in the universe. Siniseperate nila ang self nila, kaya kung mapapansin natin, if napapansin nila, mostly sa mga religion na dogmatic talaga, makikita-kita sila na nagdedebate kung ano ang true religion sa hindi. Kung sino ang maliligtas sa hindi dahil at the back of their mind, based on sa nakakakita , spiritual pride siya na inaangkin na ang religion lang ang true kaysa sa other beliefs.

~kung baga, andoon ang itinatawag na separation as a whole na dapat as a whole tayo at part tayo ng buong universe. Not a person but more on energy, vibrations, frequency and alignment kung ano ang natural law ng universe na hindi pwede emanipulate ng kung sino tao or else , kapag namanipulahan, magkakaroon ng effect dahil meron itinatawag na karma or cause and effect kung tawagin.

So nasa tao na iyon kung saan align siya ng faith niya , doon po siya. Wala naman mali at masama sa paniniwala. Meron lang hindi pagkakaunawa.
​
 

About this Thread

  • 5
    Replies
  • 140
    Views
  • 2
    Participants
Last reply from:
Asherah Goddess

New Topics

Online now

Members online
366
Guests online
11,547
Total visitors
11,913

Forum statistics

Threads
2,346,247
Posts
29,347,735
Members
1,101,337
Latest member
arcee117
Back
Top