Sa plasa ng mga titik, ako’y lilisan saglit,
Baka masunog ang pakpak sa sobrang paglipad sa salita;
Kahit ang ibon, kailangang tumuka ng payapang sandali,
Upang sa pagbabalik, mas matamis ang huni’t himig na dala.
Kaya’t hayaang tumahimik muna ang aking bakas,
Parang ilog na natutulog sa ilalim ng buwan;
Pag gising ng agos, may baong biro at bagong lakas,
At ang pahina’y muling pupunuin ng halakhak at diwa.
