💕 Dating/Love NASAN NA AKO NGAYON! (ang bigat nang sa pakiramdam) :(

Palengkerooo

Established
NASAN NA AKO NGAYON!

Isa sa mga tanong na hindi ko masagot-sagotan sa sarili ko. Pakiramdam ko ako'y matanda at sayang na tao.Pakiramdam ko'y nag-iisa kahit may pamilya na ako ngayon. Pakiramdam ko'y wala akong kwenta. Pakiramdam ko kahit saan ako mapunta, ako'y isang Taong Palpak.

Ang dami kong gustong gawin o gustong pag-aralan para matuto at ito'y gawing paraan para makakuha ng trabaho o kumita ng pera. Para matulungan ko naman ang aking mga magulang o tita at itong aking bagong pamilya. Hindi ako makatingin o masakit sa damdamin ko na makita ang sarili ko na, "Hanggang dito na lang ba talaga ako?" Ito na lang ba? Wala na ba akong kayang gawin?

Nakakainggit kapag ang mga kakilala mo ay nakabibili o mayroon silang gamit na gusto ko rin mabili. Pakiramdam ko'y wala akong pagkakakilanlan. Walang halaga.

Ngayon, isa na akong tatay pero paano? Paano ko maitataguyod ang aking asawa at mga anak kung ako mismo ay hindi ko maitaguyod ang sarili ko? Paano kung humingi sila ng pagkain? Ano ang ibibigay ko? Kahit nga pambili ng kendi ay hindi ko sila maibili. Iyan ako ngayon, umaasa pa rin sa hihingi sa aking mga magulang o sa aking partner.

Ang bigat-bigat ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko maibahagi sa mga malalapit sa akin kasi ayoko na pati sila'y balewalain ako dahil wala nga akong halaga. Pakiramdam ko'y isang nawawalang matandang lalaki. Walang buhay.

Umaga, gigising na hindi alam ang gagawin, sunud-sunod lang sa utos ng asawa, asikaso sa mga bata, pagkatapos, wala na. Nakakasawa... nakakapagod. Wala akong maaaring sisihin kundi ang sarili ko. Ito ba ang parusa ko sa lahat ng mga sinayang kong ORAS, PANAHON, at mga kasamaan na aking ginawa? Siguro oo nga. Nakakapagod palang hindi mo namamalayan na mamamatay ka na nang paunti-unti.

Ngayon, may gusto na naman akong simulan o gawin. HANGGANG simula na naman.
 
Dami kong kilala na nasa ganitong stage ng buhay. Naranasan ko din to. Buti nlng supportive misis ko at afford namin gumawa ng steps sa self improvement gaya ng mag aral kahit may pamilya na kami. This is an ongoing battle for me pero atleast alam ko na direksyon ko.

Pero anyway, sa mundo ng mga lalake, there is no point complaining and making excuses about it. Gamitin mo ang discontent mo to move further in life. I know it is easier said than done.
Ano ba mapapala natin sa self-pity? Sa katunayan, nakakawalang gana suportahan ang taong nag seself-pity. Be relentless. Intead of focusing on the fact you failed, focus on what you learned. Use you kids as an inspiration, rather than an excuse.

Alam kong mahirap, pero yan ang pinagdaanan ng lahat ng kalalakihan nirespeto ng pamilya nila and who were honored for their life, regardless kung gaano kayaman ang naabot nila sa buhay.
 
Medyo ganyan din ang pakiramdam ko. Ang kaibahan lamang ay may matino at permanenteng trabaho naman ako. Kaso minsan kinakapos pa din. Marami din akong gustong gawin lalo na ang magtayo ng sariling negosyo o pagkakakitaan bukod sa trabaho ko, kaso hanggang plano lamang dahil mahirap simulan kung magisa ka lang.

Ang maipapayo ko lamang sa iyo sa ngayon ay;
1. Pagbutihin mo na lamang muna kung ano man ang pinapagawa sa iyo ng partner mo at huwag ka magrereklamo para hindi siya magalit. Gawin mo ng may pagtitiyaga at pagmamahal.
2. Umiwas ka sa mga bisyo. Kung meron man ay umpisahan mo ng bawasan hanggang mawala na sa sistema mo.
3. Kung makakakuha ka ng extra na trabaho ay kunin mo. Kahit papaano ay makakatulong pa din yun basta huwag mong sasayangin ang makukuha mong sahod.
4. Kung sakali man na makahanap ka ng permanente o kahit yung maayos lang na trabaho, ay pagbutihin mo at huwag kang gagawa ng kalokohan. Kung may makukuha kang kaalaman ay pagtiyagaan mong pagaralan. Baka sakali matutunan mo, doon pwede magsimula ang unti-unti mong pag-angat kahit dahan dahan lamang.
5. Okay lamang mainggit, tao ka lang. Ang hindi lamang tama ay yung isinasaisip mo na ang mga maluluhong bagay lamang ang sukatan ng pagiging matagumpay sa buhay. Para sa akin masasabi mo lang na nagtagumpay ka sa buhay kung nakakaramdam ka ng pagkakuntento sa kung anong meron ka ngayon. May pamilya ka naman at anak mahalin mo sila at yun ang magbibigay ng inspirasyon sa iyo. Hindi ko sinasabi na makuntento ka na wala kang trabaho. Ang punto ko lamang ay pahalagahan mo kung anong meron ka, iwasan mo maghangad ng mga materyal na bagay dahil hindi natin madadala yun sa hukay.

Yan lamang sa ngayon.
 
Alam kong mabigat ang nararamdaman mo, at hindi ka nag-iisa. Hindi ka palpak—hinahanap mo lang ang tamang direksyon. Hindi kailangang perpekto ang bawat hakbang, basta may galaw. Ang pagiging mabuting ama ay hindi nasusukat sa kayang bilhin, kundi sa pagmamahal at presensya. May halaga ka, at may pag-asa pa. 💙
 
Ano natapos mo ts? O baka mapili ka lang sa trabaho, o baka hindi mo pa sinubukan maghanap? Pag may day off misis mo, labas ka din, try your luck. Wala namng nawawala kung hindi ka makakakita agad, at least sinusubukan mo at kung totoo ka talaga sa objective mo, makakahanap ka din yan.
 

Similar threads

About this Thread

  • 5
    Replies
  • 552
    Views
  • 5
    Participants
Last reply from:
Soul3

New Topics

Online now

Members online
771
Guests online
1,206
Total visitors
1,977

Forum statistics

Threads
2,274,086
Posts
28,953,569
Members
1,235,055
Latest member
tayraleyt
Back
Top