Professora Akira
☯️ SôulNinetãiL☯️
Yung natatakot kang subukan pero
sa isip mo may panghihinayang,
kasi nga natatakot kang magmahal at
nagdadalawang isip kang sumugal,
Gustuhin mo mang humakbang papunta sa kanya,
ngunit andun pa din ang pangamba,
andun pa din yung mga tanong na
di mawaglit sa isipan,
"kung ako kaya'y mahuhulog sayo,handa ka din
bang sumalo?"
"Kung ipaglalaban ko ba ang aking nadarama,may pag asa pa kaya?"
Sa tingin mo kasi ang mga bagay bagay na ito ay batid mong
napaka imposible,
Nasa punto kana na mas pipiliin mo
nalang lumayo at tumalikod na lang
kasi sa naglalaro sa iyong isipan
ang mga bagay na imposibleng makamtan,
magka iba kasi ang inyong tinatahak na landas ,
kaya mas pipiliin mo na lang umiiwas,
Datapwat sa bawat pag iwas mo di mo alam,
kung saan papatungo,
Natatakot ka pa din na baka mas lungkot lang ang sapitin,
Ngayon ay muli kang lumiko at naglakas loob na
harapin ,
nagkusang loob iapaalam ang nag aalab na damdamin at saloobin,
Damdaming matagal ng pinipigilan at tinatago,
kasi baka maranasan na naman ang mabigo,
Pero mas pipiliin mo na lang manatili sa kanya,
kahit tingin nya sayo'y "kaibigan lang talaga"
ganyan kasi sya ka halaga kahit pa
ang kapalit nito'y sakit at luha,
siguro masasanay ka na din sa kanya
ang mahalaga ay alam nyang nagmamahal ka nga talaga,
Di lang siguro nya batid sa ngayon kasi naguguluhan pa ang isipan nya,
Malay mo sa huli magiging kayo din
at sayo sya ay may tinatagong pagtingin.
~Professora Akira~

)
since highschool pa hahaha