arsenal1205
Rarely opens PHC
Kung ikukumpara nga naman...
Buhay ng isang bata at buhay ng isang matanda
Kapag noon nag aaral pa lang, maraming kaibigan, kalaro, kausap at higit sa lahat maraming magagawang nakakalibang.
Masasayang aalaala lalo na mga activities tulad ng intrams, school foundation anniversary atbp.
Pero may kaunting pagsubok at kalungkutan din. Kapag bumagsak, iaral lang iyan ulit. Makakapasa din sa huli. May stressful na pangyayari din kapag hindi natatapos ang nagagawa, at sa katapusan tuwa at saya ang mararanasan.
Minsan din nabubully. O di kaya may bugbugan doon bubgugan dito. (biktima din ako niyan, dahil sobrang introvert ako dati..)
O di kaya bilang buhay mag aaral doon ang unang tikim ng pag ibig. simula sa crush hanggang magkasintahan na. (hanggang crush lang ako noon. bano ako sa paglilgaw hahah)
Hindi tulad noon lalo na halos nasa online na mga klase. Pero may kaunting mga estudyante nag babalikan na sa mga kanilang paaralan para magkita muli ang kanilang guro at kaklase, kasi muling bumabangon sa pagbalik sa dating gawi natin.
Maraming nag sasabing ang buhay HS ay pinaka magandang part bilang buhay istudyante. Oo legit nakakamiss yung mga dating gawi namin noon lalo na noong nag kita lang kaming ulit ng kaklase ko noong hs. Mga pang asar at trip namin noon sa mag kaklase kaya sobrang másáráp balikan yung mga pangyayari noon.
Ok simula na ng ala MMK na kuwento...
Nang nag kolehiyo na doon ko narealize na mas challenging pa itong dinaraanan ko. mahirap hirap din maging close sa bagong kaklase kasi noong HS ako halos same batch lang kami! hanggang 1st-4th year. May pangyayari din na mild bully pero hindi naman physically sinasaktan. emotionally lang dahil sa sobrang intro ko noon. Doon sa university na pinasukan ko lang 1st semestral year halos hindi ako nakapagfocus mabuti kasi ang hirap ko nang iadopt yung sarili ko noon. sinubukang makisama pero hindi kinaya. meron namang mga naging kakclose pero hindi kasing dami noon. Nag aral din naman ako kaso yung dahil sa kurso kong IT nanakit ulo ko ng sobra sa mga languages na iyan. lalo na sa C++. Nang nadismaya nila na makita ang grado ko, at dahil sa sobrang mahal ng tuition, gusto kong lumipat na rin ng ibang school. At nang makalipat na rin ng school malapit lapit sa amin. Doon na ako bumawi ng todo. May mas naging close na rin na mga kaklase at batchmates. Meron parin mga programming sakit sa ulo pero keri lang ako. Pumasa naman kumpara sa una kong pinasukan na nawalan ako ng landas.
Hanggat sa makatapos ng kolehiyo, doon na nagsimula gumuho ang mga masasayang buhay bilang mag aaral o istudyante.
Simula 2015 bukang bibig ng nanay ko "mag send ka ng cv" tuwing weekdays. Hindi ko naririnig siyang nag bukang bibig niyan noong elementary, high school, at kolehiyo ako.
nag karoon naman ako ng pinakaunang work nang taong iyan., pero hindi tumagal. katoxican ng mga empleyado at field work yung inaplayan ko noon. sisihin ko na kung bakit ko pinatulan ang tarabahong iyan dahil sa kuya ko. dahil nandoon yung nanay ko noon nag aalaga sa pamangking kong baby pa siya. nanakot ba naman na hindi niya pauuwin kapag wala pang akong tarabaho?
2016 namang pumasok bilang ahente ng isang dealer malapit sa amin. mahilig din sa mga auto kaya i take advantage of it. pero just like my 1st job nauwi sa downfall ng mga benta. at pinaalis ako. daming kalaban din na mga matatagal at magagaling na ahente. kaya natabunan na ako ng mga iyun.
noong 2017 nang pumasok ako sa isang warehouse taga encode lang. hindi rin magaanda ang pakikisama ng mga tauhan sakin. kaya ang resulta, pinaalis nila ako.
2018 na noong taong magaganda ang pangyayari sakin. una kong pasok bilang local gov't worker. dahil diyan iyan ang mas tinagal kong work kumpara sa mga inaplayan ko noon. nakuha ko lang yung offer sakin noong nag karoon ng fairs ng kaparehas na taon. pagod na rin ako sa pribado kaya pinatulan ko na. pebrero nang unang ako nag pasa ng PDS sa kanila, at habang nag hihintay ng tawag mula sa kanila itong pabidang nanay ko puersahan nanamang mag apply ulit sa iba. at gusto pa niya araw araw akong ifollow up doon sa department na inaaply ko. nakakahiya nang sobra kaya nag hingi ng paumanhin na dahil sa "impatient" kong nanay kaya lagi akong dumadalaw sa inyong opisina. Ika-2 Abril ng taong iyan, doon na nagsimula ang lahat. Unang araw ko bilang empleyado ng pamahalaang lungsod sa amin. Exited much ako kaya sobrang active ko noon kahit anong ipagawa sakin. Yung nanay ko naman sobrang exited din nang nakapasok muli ako.
Maraming masasayang pang yayari din masyadong naging loyal ako sa work ko hanggang nalaman ko na pangit at may bahid ng katiwalian sa opisina o department na pinaskuan ko. Kaya nang paunti unti ang mga empleyadong nag sisialisan at hanggang umalis na ang mga kabatchmates ko doon nag simula mag dilim ang kasiyahan ko sa opisinang iyun. Hangga't sa ako na lang ang natirang lalaking empleyado nila sa non field. Yung iba kong kasamang babae hindi narin lilipat pero may balak sila. pero hindi sa taong iyan.
2019 na nagdaan at unang araw ng taon sa pag pasok ko ulit sa opisinang iyun, opisyal nang lumipat ang mga iba ko pang kabatchmate na lalaki. ang natira lang ako at isang babae na nilagay kami sa non contact apprehension division. Doon pa naman sila lilipat sa IT department na gustong gusto kong lipatan. Pero huli na ang lahat dahil may election ban na naganap. Sobrang lungkot ko rin noon nang nangyari iyan.
Nagintay matapos ang halalan at puede nang iproseso ang paglipat. Nag hahanap ng puedeng lipatang department dahil doon naman sa gusto kong lilipatan ay parang ayaw akong tanggapin. hindi pinapahalata na ayaw niya akong kunin pero halata na sakin na ayaw niya akong kunin bilang empleyado nila. Gumawa ng paraan para makalipat doon, maraming kinausap na mga taong puedeng tumuong sakin sa paglipat. kaso dito muli nag simula ang malagim na pangayayi sa buhay ko doon.
Nakita ako ng mga alagad ng boss ng department ko noon na may ipinoproseso akong paglipat sa ibang department. madalas kasi ako noon sa hr kaya kitang kita ako ng mga "ispy" niya. Much worse nang umakyat ako sa taas ng mayor's office kasi pinapunta ako doon ng nag pa patulong saking lumipat. Hindi ko expect iyan kinausap ako ng mga alagad niya tungkol diyan at ito na nga.
May bumulong din sakin na hindi na irerenew plantilya ko para sa susunod na taon (2020) kaya nag hagubilin na akong kumausap ng ibat ibang taong puedeng pumasok sa kanila kaso walang magandang balitang dumating. Kailangan ko ng kopya ng kasalukuyang plantilya eh kaso walang maibigay na kopya ang department ko at pati na rin sa hr! kaya isang MALAKING GG na ako noon.
Dumating na ang 2020 kinakabahan na ako baka talagang legit yung hindi ako rerenew nila. at yun na nga habang nasa computer ako ginagawa ko lang ang dapat gawin.. bigla na lang tumawag yung nag alagad ng boss ko na nag ispy sakin na opisyal tanggal na daw ako sa serbisyo. Sobrang sama ng araw ko noon. Unli nanaman mag bukang bibig nanay ko na mag send ng potangena.
Hindi ako sumuko muli. itinago ko muna sa kanila na nawalan na ako ng work ulit. Halos mag 2 taon na ako doon kaso back to bullshit nanaman. nakipagusap sa ibang department na sana maipasok ako doon. kinausap ko pa mayor namin! mukhang maganda ang progreso kaso. NAUWI SA WALA! kasi yung department na inaaplayan ko may koneksyon siya sa dati kong boss na tinanggal ako. kaya bale wala ang mga effort na ginawa ko. Hanggang mag simulang mag lockdown dahil sa covid. Tenggan nanaman.
Hanggang ngayong taon, expect ko magkawork muli kaso wala din dahil sa mga nag daang lockdowns muli. dumating uli ang kuya ko para kunin ang kaniyang pamangkin at parehas sila ng nanay ko na bukangbibig na mag apply muli. Nag aaply kaso walang niisang tumatawag sakin. Pero may tumawag naman saking isa yung GIP pero hindi tumagal kaso mas malayo sa dati ko ng work at masyadong worried nanaman nanay ko noon kasi baka mahawa ako sa kaka commute. Dahil sa kanya.. umalis ako.
At ngayong tengga ulit. Hindi na matapos tapos ang bukang bibig ng nanay ko na mag apply daw. OO ginagawa ko pero wala niisa gusto akong kunin. Parang gusto ko nang pekein yung resme ko na may magandang experience at pinagaralan para tawagan na ako. pero yun lang ilegal na gawain dahil malalaman parin na hindi ko pinagdaanan iyan.
May inaaplayan ulit ako doon sa cityhall samin. Nito lang last month. Inindorse na ang aking application sa bagong department. noong last na followup ko ang sabi tatawagan na lang ako. dahil diyan hindi na natapos litanya ng nanay ko na mag "send" sakin since 2015. Dahil sa overthinking niya na paano na ako kung namatay kami? paano ako?! Stress na din ako diyan sa mga litanya niya. This might be a good chance, might be legit or might be not, might be scam. still praying ang hoping na it's just like noong unang apply ko sa dati kong department. nag intay ng 3 months then start na ako.
At diyan nag tatapos ang mahabahabang kuwento ko buhay bilang estudyante hanggang empleyado. Sa tingin ko mas másáráp ang buhay estudyante. mas madaling maka bangon muli sa mga mababaang dinaraanan. Bilang estudyante wala kang mararanasang "tatawagan ka na lang" kapag nag eenrol ka diba? Basta bayad ka lang then go na. At diyan nag sisimula ang masasayang aalala na mararanasan ng buong buhay ninyo.

na makikilala. goodluck sayo paps. yung iba satin dumadaan talaga sa ganyang stage ng buhay nila. masasabi ko na swerte din ako