Simulan tayo sa tanong
What makes a chair a chair?
Pag sinabing chair, kadalasan ang iisipin mo ay isang material na may apat na paa, may sandalan, may armrest at inuupuan.
Pero chair pa nga ba ang upuan na may tatlong paa, dalawa, o isa? Walang sandalan, at walang armrest. Ang isan troso o malaking bato ay maari din tawaging chair. Sa madaling sabi, a esensya ng chair ay nasasaloob sa kanyang silbi, o potensyal na silbi ng nung bagay.
Ganun din ang self. Hindi "ako" ang bawat bahagi ng katawan ko. Hindi "ako" ang bawat bawat timbang ng materyal sa katawan ko. Mas tamang sabihin na ang katawan ko ang kabuuan ng mga kinonsumo ko sa buong buhay ko. Pero hindi padin yan "ako".
Siguro ako ang isip ko. Pero paano pag nilamon ako ng kabaliwan, ng alzeimers, o ng amnesia, kung saan mawala lahat ng ala-ala ko. Masasabi bang hindi na iyon ako? Kahit hindi man sa malubhang sakit, kung aalalahin ko lamang ang sarili ko sa nakalipas na lima, sampu, o dalawampung taon, sa kakaibang paraan may pakiramdam ako na ibang tao, ibang prinsipyo, o ibang sarili ang nagpapatakbo saakin. Kahit alam kong yung ibang esensya na iyon ay nilalaman padin ng salitang "ako".
So ano nga ba ang self para saakin? Ang tanging ebidensya lang na malinaw ng existence ng self ay ang impluwensya ko sa mundo, maging gaano man ito kalaki o kaliit.