"Walang sumagot, kung kailang tumino"
Ako yung tipong sanay sa bago
Iba kasi sa pakiramdam pag puro bago
Lahat ay para bang first time lang sa buhay ko
First time na ngayon ko lamang napagtanto
Di ko lubos maisip na, ganito ako
High school napaka torpe ko
Ngunit nang akoy nabigo
Noong mapangahas kong sinubukan ito
Ang umamin sa nararamdaman ko
Sa matalik na kaibigan ko
Doon ko una naramdaman na lalake ako
At kaya ko palang manligaw sa totoo
Ngunit sa resulta'y di naging handa
Masakit palang malamang malabo na
Malabo na maging kayo't malabo nang magkita
Pagkakaibigan bigla na lamang nag-iba
Simula noon ako'y nagsubok
Sinubukan ko lahat at naging mapusok
Nagkaroon ng kasintahan at nagtagal ng ilang buwan
Hanggang sa naisipan kong manligaw buwan-buwan
Doon ako'y naging isang ****
Nakakalaki pala ng ulo ang ganitong pag-abuso
Sa mga damdamin na akala ko ay pwedeng laruin
Di ko naisip na nakakasakit pala ng damdamin
Masiyado na akong naging hangal
Sa mga oras na akala ko di magtatagal
Parang nais kong iparamdam sa lahat
Kung gaano kasakit ang hindian ng tapat
Biruin mo? sa dinami-dami ng babae sa mundo
Best friend ko pa yung natipuhan ko
Samantalang kay saya na ng mga araw
Tuwing kami ay magkasama at nagkakatanaw
Mahirap pala ang amining minahal mo siya
Lalo pa'y malabong mahalin ka rin niya
Dahil talagang kaibigan lamang ang kaya niya
Na ibigay dahil may gusto siyang iba
At ngayon ay aking pinaramdam sa iba
Itong sakit na aking nadarama
Pinaglaruan mga damdamin ng iba
Para lang maibsan ang pait na nadarama
Ganon ba talaga ang kahulugan para sakin?
Ang maging salbahe pagdating sa pag-ibig?
Alama ko yung tama at mali
Pero bakit nabulag ako ng buong pagkakamali?
Ang daming nagbago sa akin
Ang dating tahimik at parang mahinhin
Ngayon mapusok at agaw pansin
Sa ugali kong bigla nang nagbago sa paningin
Iba pala ang naidudulot ng paglaki ng ulo mo
Lalo na kung ang puri na inaasam mo
Ay nakakasakit naman ng iba at sa kapwa mo
Alam mo ngang mali pero másáráp para sayo
Pitong babae sa iisang lalake
Apat ay personal at tatlo sa textmate
Friendster pa lamang noon
Hanggang umabot sa facebook ngayon
Ang tindi ng mga pangyayari
Hanggang sa nakakilala ako ng isang babae
Na siyang nagpabago at nagpabalik sa akin
Upang hindi ko na muli pang paglaruan ang mga damdamin
Nang nakilala ko siya tinanggap niya ako
Di ko alam na lagi niya na palang nakikita ako
Noon pa man kahit mga bata pa kami
Di ko manlang siya nakilala kay tindi
Kalaro ko nga pala siya noon pa
Grade three pa siguro noong kami'y bata pa
Pero di ko siya napapansin pagkat
Iba ang laro ko noon sa kanilang lahat
Ako yung tipong gumuguhit at tahimik
Habang sila'y nasa labas tila nagimik
Pero di ko inakalang sasabihin niya ito sa akin
"noong bata tayo nagustuhan ko ang pagiging tahimik mo sa atin"
Maging sa classroom, o sa labas
yung tipong kakausapin ka lahat pero ikaw tong iwas
Tss.. bakit kaya bata pa lamang ay tila ganon ako?
Ngayon natatawa ako sa tuwing naaalala ko ito
Nang naging kami'y iniwan ko lahat para sa kanya
Maging ang dalawang taon ko nang sim ginagamit ko sa kanila
Ay binali ko na't kinalimutan na sila
Humingi ng kapatawaran at umamin sa kanila
Naging maluwag na ang lahat subalit di pa pala
Magdalawang taon na rin simula noong una
Na naging kami at sinagot ako sa madla
Tamis nang una at muling pagbalik ko sa kanya
Binalik niya ang dating ako
Noon na hindi na muli pang magbabago
Ngunit napakarami palang subalit sa buhay namin
Ang dagok na nakaakbang sa amin
Nagkaroon ako ng trabaho at maayos na pamumuhay
Kasama siya paminsan-minsan sa bahay
Pagkat di pa ako tanggap ng kanyang magulang
Dahil bata pa siya at itoy aking iginalang
Subalit ang kinatatakutan ko na mangyari
Ay bigla na lamang sumulpot ng parang kabute
Ang mawala siya sa aking buhay at pighati
Siya rin palang sa amin ay maggagapi
Ako ang sisi sa lahat ng mali
Sa pagkawala niya at pagkasawi
Mga magulang at tropa ko na mga pinsan niya
Hanggang ngayon sa akin ay may galit na
Pakiramdam ko nawala na lahat sa akin
Pati pag-asang di na muling mag-iisa sa dilim
Ang maging masaya sa huli at matupad ang hiling
Magkaroon ng kaligayahan at walang lihim
Ngunit di ko ito nalaman hanggang sa nawala siya
Meron pala siyang dinaramdam noon pa
Sakit sa puso pala ang meron siya
At huli na nang ito ay aking nalaman na
Masakit para sa akin ang mga pangyayaring ito
Siguro ito na ang karma na sinasabi ng mga tao
Kung ganito nga katotoo ang lahat nang ito
Tinanggap ko ito ng buo kong tapang at naging totoo
Nilakasan ko ang loob ko sa pagbabakasakali
Na makadalo sa puntod ng aking naging binibini
Binibining nagligtas sa akin sa kawalan
Noong nalihis ako ng landas sa pantalan
Pantalan ng maruming pag-uugali at mapaglarong isip
Iniwan din ako ng wala manlang pasabi kahit panaginip
Hindi ako pinayagan at ako'y lumayo
Hanggang sa hinintay ko silang tumayo
Sa mga nakaluhod nilang mga tuhod
Ay labis akong nagdurugo't nahuhulog
Sa mga salita na aking naririnig
Mula sa kanila at sa kanilang bibig
Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari
Di na sana ako nagloko pa sa aking mga sinabi
Di na sana ako sa iba pa nanatili
Di sana'y maaaga pa lamang siya na ang pinili
Apat na taon na simula noong pagkawala niya
Sariwa pa rin sa akin ang aming ala-ala
Masaya ako na hindi na siya nahirapan pa
Ngunit malungkot ako pagkat di kami magkasama
Tanong ko bakit? walang sumagot
Saka pa naglaho, kung kailan tumino
Yun pala ang karma nito
Ang pagiging babaero ko
"appriciate what you have now.. dont wait until it become had...before"
Mad`PoetMotivator
chillax sir