ACEJAYSON24
Journeyman
Noong ako ay bata pa malayo na ang loob ko sa aking ama dahil lagi siyang wala sa bahay gawa ng sobrang abala sa kanyang trabaho at tungkulin bilang padre de pamilya , kaya mas malapit ang loob ko sa aking ina. Isa pa sa mga dahilan kung bakit ayaw ko sa kanya dati ay palagi niya ako pinapalo na nagreresulta ng latay at sakit sa aking katawan. Bata pa lang ako ay may sama na ng loob sa ama ko. Siguro nga ay mura pa ang aking kaisipan noon kaya hindi ko pa lubos na maintindihan kung bakit niya yun nagagawa sa akin at kung bakit niya ako sinasaktan sa kaunting pagkakamali lamang imbes na pagsabihan na lang. Hanggang sa ako'y nagbinata na ay dala ko parin ang sama ng loob ko sa aking ama.
Noong pumanaw ang aking ina sa edad kong labang-lima ay lalo akong nahirapan sa pakikitungo sa aking ama dahil ang ina ko lang ang lubos na nakakaunawa sakin. Tandang-tanda ko pa noon sa mismong araw ng lamay ng aking ina ay nagawa parin akong saktan ng aking ama sa harap pa mismo ng lamay ng aking ina sa hindi maipaliwanag na dahilan kung bakit niya yun nagawa. Inunawa ko na lang siya dahil lasing siya nung gabi na iyon at marahil ay hindi niya lang matanggap ang kinahinantnan ng aking ina. Naawa ako sa aking ama dahil umiyak siya matapos niya gawin yun kasabay na rin ng pagtulo ng aking luha dahil sa kitang kita sa kanyang itsura ang lubos na pagkabigong maisalba ang buhay ng aking ina dahil sa kakapusan namin sa pera. Matapos yun ay nangako ako sa kanya na tatapusin ko ang aking pag-aaral upang matulungan ko siya sa gastusin at pagpapa-aral sa mga nakababata kong kapatid dahil edukasyon lang ang tanging susi upang makaraos kami sa kahirapan at kapag ako ay palarin na makakuha agad ng magandang trabaho pagtapos ko sa aking kursong kinukuha ay lubos akong magpapasalamat sa Panginoon at sa aking ama dahil kung wala ang gabay nila ay hindi ko mararating ang tagumpay na iyon. Tuluyan ng nawala ang sama loob ko sa ama ko at napalitan na yun ng walang kapalit na pagmamahal sa bawat araw na nagdaraan. Simula noon ay palagi ko nang sinasamahan ang papa ko sa kanyang pamamasada ng jeep araw-araw para may katulong siya at may umaalalay sa kanya dahil nagkakaedad na din siya. Dahil doon ay tuluyan na rin napalapit ang loob ko sakanya hindi gaya dati na may sama ng loob akong tinatago. Napagtanto ko rin na walang maidudulot na maganda kung magtatanim lang din ako ng galit sa sarili kong ama. Sobra ang paghanga ko sakanya dahil sa kabila ng lahat ay hindi niya kami pinabayaan. Lahat kaming anim na magkakapatid ay patuloy niyang sinuportahan sa aming mga pangagailangan lalo na ang suporta sa aming pag-aaral. Ngayon ay lubos ko na siyang nauunawaan kung bakit dati ay nagagawa niya akong saktan sa aking bawat pagkakamali yun ay para matuto ako at hindi na ulitin ang bawat kamalian na aking nagawa. Ayokong bandang huli ay magsisi ako kaya labis akong nagsikap na makapagtapos.
Sa kabila nang unti-unting kaayusan sa aming pamilya ay hindi talaga mawawala ang mga dagok sa buhay na ating nararanasan. Dumating ang isang mabigat na problema sa aming pamilya. Nabaon sa utang ang aking ama dahil naputulan kami ng kuryente dahil mahigit dalawang buwan na kaming hindi nakakapagbayad. Kaliwa't kanan ang utang ng ama ko na nagdulot ng matinding "stress" sakanya. Napaisip na rin ako noon kung tutuloy pa ba ko sa pag-aaral ko o magtatrabaho muna muna para matulungan ko siya sa pagbayad ng utang. Ayokong nakikita siyang nahihirapan ng ganun , subalit nung sinabi niya na "Ayos lang ako mabaon sa utang anak huwag mo lang itigil ang pag-aaral mo at ipagpapatuloy mo yan kahit na makuba na ko sa pagmamaneho." Hindi ko namalayan na unti-unti na pala tumutulo ang luha ko noong sinabi niya yun ng harapan sa akin. Doon ko nasabi na mahal na mahal ako ng aking ama gayundin ang aking mga kapatid. Tunay nga na dakila ang pagmamahal ng magulang sa kanilang mga anak. Kaya lubos kong ipinagmamalaki ang aking ama at lubos ang pasasalamat ko sa kanya. Kaunting panahon na lang ay matatapos ko na ang kursong kinukuha ko at yun ang pinakamagandang regalo na maibibigay ko sa kanya. Ngunit hindi lang iyon ang plano kong ibigay sa aking ama pati na rin ang magandang buhay na kahit kailan ay hinding hindi na niya mararanasan ang hirap na dinanas niya sa aming magkakapatid.