Here is my journey sa pag papaunlock.
to make story short
1. Nagpunta ako sa store SM Tarlac pero hindi nila alam kung paano so sabi ko babalik nalang ako naglakas loob lang ako dahil unang una wala ako resibo na misplace ko at di ko na talaga mahanap panglawa yun sim na naka tie up expired na so kinausap ko ang agent sa store pinangunahan ko na what if kako kung nag uunlock kayo wala na yung resibo iuunlock nyo pa po ba? sagot sakin ng agent mag dala daw ako ng Affidavit of Loss then umuwi nako ng walang ngyari haba pa naman ng pila.
2. may nabasa ako somewhere sa group at nag try tru email daw siya at sumacess ang process niya kaso together with ntc so sinubukan ko din mag email kay smart at naka cc ang ntc laman ng email ko ay requesting to unlock my pldt h153-381 at nilagay ko din na wala na ako resibo, details ng unit , yung memorandum ng ntc nilagay ko din for short nag tali talinuhan ako at nag attach ako ng photo ng unit yung imei sticker niya at isang valid id.
3. nagkaroon ako ng pagasa nung nag reply sakin si smart tin kinuha ang details ko Number, registered name at current load so dahil wala na yung sim ko na kasama ang unit ang binigay ko yung lumang lumang smart number ko pero di ko menention saknya na deactivated na yung kasamang number sa unit.
4. so na acknowledge na niya at nag email back siya sakin na naipasa na daw niya sa supporting team at na request na mag eemail back daw siya pag meron ng feedback.
5. 4 days na simula ng huling paguusap namin walang email back so nag email ulit ako sa thread namin na naka cc si ntc at nag email back naman din agad siya na still processing padaw at mag eemail daw siya kapag dumating na at nag email back ako at kinuha ko ang case number at naibigay naman sakin.
6. after 3 days wala padin email tumawag na ako *9999 after sales hotline nila at si tin padin ang nakasagot sakin at binigay ko sakanya ang case number at madali naman niya itong na trace sa backend nila at ang sagot niya sakin ay processing padin ang request ko so medyo galit galitan ako bakit kako ang tagal paki escalate kako ng request ko.
7. kinabukasan wala padin email back aba medyo nawalan ako ng pagasang mauunlock pero kating kati ako mag pa unlock nag email nanaman ako for follow up at hinanap ko ang page ng ntc hotline 1682 nag patulong ako na mag follow up ng request ko at sinabe ko ang timeline nung paguusap namin ni smart at nag reply naman sakin agad si ntc na wait ko daw email nila eendorse niya daw ako sa mga naghahandle ng ganun case so after a hour nag email si ntc doon sa thread namin ni smart na mag comply daw sila sa request ko within 5 bussiness days after 15minutes nag email back si smart together with my code pakak kabado bente pa ako sa pag uunlock kase may mga nabasa ako na maling code daw ang naibigay ng smart at yun pag ka input ko ng code napamura ako nag success at sa isip isip ko nakalaya na din sa wakas.
