Tama ka, magkaiba nga yung Red Notice at Diffusion. Pero sa case ni Duterte, hindi naman Red Notice o Diffusion ang ginamit. Based sa info, ICC warrant ang basis ng arrest niya. So hindi yung Philippines ang “nag-send ng notice to itself”—direct cooperation lang yun between ICC at Marcos admin.
Legal yung process under ICC rules, kahit hindi dumaan sa Red Notice. Since nasa Pinas si Duterte nung naaresto, hindi na kailangan ng Interpol notice, kasi Philippine authorities na mismo ang nag-execute.
Ulitin ko ito, yung “fanaticism” na tawag ko ay based sa sinabi mismo ng post na “unconditional love, support for the Dutertes.” Yun yung tinutukoy ko, hindi yung personal beliefs ng bawat isa sa kanila. So hindi ko nilahat, yung collective action lang nila yung kinritik ko based sa definition.
Possible nga na mag-investigate dito, at may influence sila sa Congress para mag-hearing. Pero ang problema, sabi ni Remulla, the justice system failed the EJK victims, at yung past investigations, kulang—maraming complicity ng police, kaya ICC na tumuloy. Kahit may nagrereklamo, hindi sapat yung efforts natin dati, kaya under ICC rules, sila na ang nag-take over.
Mali yung assumption na Diffusion lang—actually, ICC warrant ang basis ng arrest, hindi Interpol notice. Ideally dapat may local hearing muna, kaso hindi nga kaya ng system natin dati.
Valid yung point mo—Iraq, Afghanistan, Syria, etc., mas malala nga yung bombings, pero hindi lahat sila under ICC jurisdiction kasi hindi sila member states. Like yung U.S., hindi sila ICC member, kaya mahirap i-prosecute. Pero yung Libya at Afghanistan, may ongoing ICC cases din, kahit mabagal. Sa case ni Duterte, clear yung jurisdiction kasi member tayo ng ICC nung time ng drug war (2011-2019).