Umagang (11:29am) gumabagabag sa aking isipan, mga tanong na walang hangganan dito sa mundong aking kinamumuhayan, mga bagay na mananatili lang sa salita at panaginip na di dapaat bigyang kahulugan.
( Mga tanong na ano, ano ang rason bat pa tayo nabuhay sa mundong iba ang iyong gusto, bat ka naiinggit sa buhay ng ibang tao? maaring hindi ka pa nakokontento )
Itoy parte lamang ng aking monologo, wala sa simula, wala rin sa gitna kundi nasa dulo, ang aking katanungan na bat pa nasimulan ang storyang ito, bat ako'y nabuo sa mundong hindi ko naman ginusto, itoy palagi kong naiisip sa tuwing ako'y niyayakap ng kadiliman mga kaisipan na nagpaparamdam sa akin sa tuwing ako'y dinadamayan ng kalungkutan.
Habang ang mga likido sa aking mata ay pumapatak ay sya rin sa akinn nagpapakalma, sa bawat patak ng isang makulimlim na nakaraan ay isang pagkukulang ng liwanag na di ko madama.
Ano ba ang silbi ko sa mundong ito kung ang ligayang aking tinatamo ay mismo saakin lumalayo? mali, ako mismo ang lumalayo dahil sa inaakala na ako'y isang nalalantang bulaklak sa kadiliman na hindi nailalabas sa liwanag sapagkat ako'y mali sa aking napagtanto.
Mga bagay sa aking kaisipan, mga emosyon na aking nararamdaman, ano nga ba ang aking natutunan? Maging masaya sa mundong hiram lamang at isipin na ang simula ng kwento ay nabuo simula nung tayo'y natutong manindigan, dahil ang tanong ko ay "kailan nga ba matatapos ang kwentong aking nasimulan?".