Professora Akira
☯️ SôulNinetãiL☯️
Sa dinami dami ba naman ng tao sa mundo
duon ka pa talaga nahulog sa kaibigan mo,
bakit kasi pinapangarap mo pa ang
isang taong turing sayo'y kaibigan lang pala,
wag kasing ipagsiksikan ,
ang iyong sarili sa taong
di ikaw ang totoo niyang kaligayahan,
Pero kahit anung iwas mo,
kadalasan yan pa duon pa din patutungo,
kadalasan mahuhulog ka talaga ng di inaasahan,
at ang masaklap pa di niya kayang pantayan,
Oo, sabihin na nating balewala lang sa inyong dalawa kung minsan,
pero nagkakaroon ito ng kulay sa kalaunan,
Di naman talaga masama kung magmahal ka ng kaibigan,
ang tanong lang"ang pagmamahal mo ba ay kaya niyang pantayan?"
Dyan talaga kadalasan ,nasisira ang tagal ng samahan,
isa sa inyo ay may tinatago na pala sayong nararamdaman,
At sa puntong iyon,ay takot ka din naman,
na sa kanya'y magtapat at baka ika'y iiwan,
Mas masasaktan ka pa kung ang kaibigan
mo may mahal ng iba,
at ikaw pa ang unang una na sinasabihan niya,
masakit nga naman talaga,
Yung nasa darating sa puntong humihingi siya ng sayo ng payo
at yung mga oras na nakikita mong kinikilig
sya habang sayo'y nagkukwento,
sa isip mo'y parang gusto mo na lang maglaho,
dahil sobrang nasasaktan ka na ng patago,
Habang kinikimkim mo ang iyong panibugho,
mas nasasaktan ka lang lalo,
hirap kasi at di mo masabi sa kanya
ang lihim na patuloy mong nadarama,
kasi alam ng puso mo kung hanggang saan ka lamang
at alam mo na may hangganan,
kaya mas pinili mo na kang ingatan
ang inyong samahan.
~Professora Akira ~






