🔒 Closed Senyales na malapit na mamatay ang isang tao #3

Status
Not open for further replies.

Jmrie_

in memoriam 1995-2021
Legendary
KOMETA


Noong unang panahon, malaking bagay ang mga kometa na dumaraan sa kalangitan.


Hi n d i r e g u l a r na nakikita ang mga ito sa kalawakan kaya ang tingin sa mga ito noon ay mensahe mula sa Diyos.


Karamihan sa mga kultura ay ibinabatay ang kanilang interpretasyon ng dalang mensahe ng kometa kung ano ang inakala nila ay kanilang nakita habang nakatingin dito.


Halimbawa ay ang kometa na may mahabang buntot na ang interpretasyon ay isa itong espada kaya mayroong darating na digmaan o kamatayan, kaya hindi nakakapagtaka na isisi sa kometa ang mga dumaang karanasan.


Nang magpakita ang Halley’s comet noong panahon n i Ha r o l d , binigyan itong kahulugan na g a l i t ang diyos sa kanyang pagsira sa pangako kay William at pagkuha ng trono nito.

Hindi nagtagal ay nakabawi si William at napatalsik niya si Harold sa trono.


Sa Switzerland, isinisi sa Halley’s comet ang lindol, pagkalat ng sakit, pag-ulan at pagsilang ng hayop na may dalawang ulo.

Sa England, ang Black Death ay iniugnay sa Halley’s comet.

May kuwento naman na idineklarang instrumento ng demonyo ang Halley’s Comet ni Pope Calixtus III.
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 2
    Replies
  • 229
    Views
  • 2
    Participants
Last reply from:
Jmrie_

Online now

Members online
1,211
Guests online
5,625
Total visitors
6,836

Forum statistics

Threads
2,350,019
Posts
29,365,656
Members
1,089,464
Latest member
winston marl
Back
Top