✍️ Arts/Lit Aking unang akda

Status
Not open for further replies.

SeptemberIX

Enthusiast
Kaakbay

Lahat ng bagay may bagong simula.

Hindi man natin kagustuhan sadyang walang magagawa.
Sapagkat hindi tayo ang may hawak.. ang nag-akda.
Magtiwala lamang tayo sa Kanya, magdasal at tumingala.

Bigyan pasasalamat ang panibagong araw.
Gawing masaya ang gunita na kanina'y mapanglaw.
Maging inspirasyon ang himpapawid na bughaw.
Iisa lamang ang buhay, magpakasaya bago pumanaw.

Ika nga nila ang kaligayahan ay kusang dumarating.
Pakawalan daw natin, sadyang babalik sa ating piling.
Pero bakit minsan tila sa landas nila ay pumaling?
Mag-isa pa rin tayo sa pagtulog at paggising.

Hindi nga sa lahat dumarating ito sa kanilang buhay.
Maaari kasing nandyan lang, tayo lang ang sumablay.
Iniisip natin.. Bakit hanggang ngayon wala tayong kaakbay?

Ganyan talaga kaibigan ituloy lang ang paglalakbay.
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 2
    Replies
  • 523
    Views
  • 2
    Participants
Last reply from:
SeptemberIX

Trending Topics

Online now

Members online
1,108
Guests online
5,275
Total visitors
6,383

Forum statistics

Threads
2,349,975
Posts
29,365,414
Members
1,089,435
Latest member
cronostatic
Back
Top