Kamusta! Nagagalak akong makilala ka ng lubusan
Ako nga pala ang awtor nitong nag-iisang tula na mukhang pinag-isipan
Nais ko lang ibahagi ang aking naging masalimuot na karanasan
Sa paglaban sa mga bala ng isang mang-aaping tulad niyang di kayang pantayan
Alam ko na walang kayong alam sa aking historya
Sa buhay ko na pinilit ko pang binubuhay kahit wala nang kwenta
Ngunit hayaan nyo ko na isiwalat ang aking pagiging mahina
Na siyang puntirya ng mga kalabang di ko inakala
Una ko syang nakita sa isang magarbong paaralan
Na siyang kinikilala't sikat sa buong sambayanan
Pagmasdan mo sa unang tingi'y mukhang tupa kung tingnan
Ngunit hindi pa dyan ang nakita kung tunay na pagkakakilanlan ng kanyang katauhan
Naging maayos ang aming pakikitungo sa isa't isa
Na tumagal ng isa't kalahating taong pagpapaubaya
Paubaya na huwag na munang gawin ang isang masakit na salita
Sa buhay ko na hindi pa nakakatikim ng pagwasak at pagsira
Patatlong taong pag-aaral sa mataas na Katolikong paaralan
Di ko lubos isipin na sisiklab ang apoy na iyong pinatulan
Dahil lang sa komento kong pinagtatanggol lang ang nahihirapan sa inyong kagagawan
At nagsimula na ang isang sunod-sunod na problema na di ko pa nararanasan
Nagawa ko ang isang bagay sa naisin kong huwag sana ang tao na pahirapan
Dahil yan naman ang gawain ng mababait, kita naman sa aking katauhan
Ngunit tila bumaliktad ang kapalaran at ako pa ang pinagtulungan
Nabigla ako sa sagot nya na OKAY LANG SA KANYA NA ANG SALAPOT NILA'Y KAYANG KAYA NYANG LABHAN!
Sa mga oras na yuo'y parang akong payaso na napahiya
Ulo ko'y mapapapunta na lang ng wala sa oras sa aking ibaba
Pero di ako nagpatalo sa aking kaba
At pilit na nagpapakatatag kahit na puso'y mahina
Naniwala ako sa sinabi mong tinatapos mo na ang gulo
Sapagkat Pasko naman at handa kang magpatawad ng isang tulad ko
Hanggang sa naniwala ka rin sa aking mga pinangako
Na siyang nagpakalma sa takbo ng ating magulong mundo
Pero lahat ng aking inasaha'y nawala't nabigo
Di ko alam kung bakit mo sakin ginagawa ang mga bagay na ito
Mapapaisip na lang ako na hindi pa rin ba tapos?
Pero ang totoo'y may tinatago ka pa palang nagsusumiklab na kulo
Lumipas ang mga araw at ramdam ko na ang mga pagpapahirap
Na tila nagsusumidhi, talagang ka'y saklap
Ngunit lahat ng mga patutsada nyo'y aking hinarap
Alang alang sa aking mga matatamis na pangarap
Nakita ko rin sa ating laba'y hindi talaga patas
Sapagkat ako lamang mag-isa laban sa iyong grupong mapagmataas
Ngunit may tibay naman ako ng loob na siyang aking puhuna't lakas
Mula sa mga kaibigan ko na hindi umuurong at di tumatakas
Naaalala ko ang pangyayaring minsan ka nang napagsabihan
Ng mahal nating guro na umaapaw ang pagmamahal at kabaitan
Sakto akong napadaan sa inyong mga pinag-uusapan
Tungkol pala sa akin na pilit mong ginagatungan
Lumipas ang isang taon na walang nangyari
Tila "déjà vu" na pilit saki'y galak na pinapabati
Pero ang karapatan ko na minsan ko nang pagmamay-ari
Ngayo'y nabahiran na ng mantsa ng putik at dumi
Pebrero 17, 2015
Araw na di na kinaya ng aking mga mata ang tubig
Araw na itinakda ng puso't utak ko na kay lamig
Araw na di ko inasahan ang mga masasakit na salita mula sa iyong bukambibig
Mula kay Kevin na walang natitirang pagmamalasakit at pag-ibig.
Alam ko na "Life's without bully is boring"
Ngunit "applicable only for those friendship that have an unique meaning"
At kahit kailan di mo ko naging kaibigan mong turing
Dahil alam ko na ako'y isang laruan pag ika'y nabo- "boring"
Ngayon...
Alam ko na nang-iwan ka ng malaking sugat sa pagkatao't pagkakakilanlan ko
Na minsang di naghilom kahit na pinipilit mong pagalingin ito
Pero nais at gusto ko lang sabihin at ipamukha sa iyong pagkatao
"Band-aids don't fix bullet holes", tandaan mo sa kokote mo
-YOU LEFT THE GROUP-