"Pagtalikod sa kahapon"
Minsan, napapaisip ako
Bagamat, literal na akong ganito
Madalas nakangiti, kahit na may pighati
Dinadaan sa ngiti, kahit na may kinukubli
Sariwa pa ang lahat, sa takbo ng isipan
Mga nakaraan na sana, hindi ko mapanaginipan
Mga nagdurugong araw, sa puso ko natibok
Sa bawat pag-alala ko, ang sakit parang ako'y nabagok
Hindi ako sanay, basta na lamang tumalikod
Sa mga bagay, na di naman dapat malimot
Subalit kung ito man, ang dahilan ng pagkalungkot
Handa kong talikuran, mawala lamang ang pagkirot
Ang sarap isipin, nakaraang nagpuno sa damdamin
Kung anuman ang kulang, ay siya nitong didiligin
Hanggang sa unti-unti, namulaklak ang hangarin
Na umaasa pa naman, na hindi na lilisanin
Subalit ito na lamang, ay isang ala-ala
Kung kayat ako, sa paglimot nakahanda na
Nang hindi ko na maranasan, ang lungkot na nadarama
Pagtalikod sa kahapon, sanay magawa ko na