"Ikaw ang ina nitong aking dinadala"
(mga sakit na di ko malimutan, ang siyang aking labis na pasan)
Sa bawat takbo ng oras, panahon ay lumilipas
Buntis ako, sa pagdadalang tao at nais umiwas
Di ko inasahan, ikaw din pala ay lilisan
Iniwan mo ako, siyam na buwan ko itong pasan
Biruin mong nakaya ko, ang dalhin ko saking sinapupunan
Itong mga pighati, sakit na nararanasan
Para bang nasa bingit ako, ng isang karumal-dumal na kaganapan
Dahil pinagsamantalahan mo, itong aking kabaitan
Itong pagdadalang tao ko, ikaw ang ina
Lahat na siguro ng pagkain sa mundo, ay natikman ko na
Naglilihi ako, sa bawat oras at minuto
Araw-araw ako, at umaasang paninindigan mo ito
Hindi mo man makita sa pisikal, ang pagbubuntis kong ito
Yung sakit na dinulot mo, literal na sa puso ko
Umasa ako, na magbabalik ka pa
Upang panindigan ito, aking dinadala
Ngunit ngayon, halos malapit ko na ito
isilang sa mundo, ang siyang ating nabuo
At di na ako aasa pang, magbabalik ka pa
Handa kong itaguyod itong mag-isa, kahit wala ka na
Mad`PoetMotivator