✍️ Arts/Lit Pag-ibig ko sa'yo

Status
Not open for further replies.

msstar

Forum Veteran
Kamusta mahal ko
May ipapaalala lang ako
Baka kasi makalimutan mo
Ikaw lang sa puso ko.

Sa iyo hindi magsasawa
Kung maaari nga, lagi kang nakikita
Magkatabi, magkaharap, kahit walang wika
Mananatiling masaya, basta ikaw ang kasama.

Palagi mong tatandaan
Ikaw ang iibigin, mamahalin kailanman
Hindi man mapangako, pilit paninindigan
Hanggat makakayanan, patuloy kang ipaglalaban.

Umuusad ang panahon
Nababagsak rin ang mga dahon
Dagat ay titigil din sa pag-alon
Ngunit pag-ibig ko sayo'y mananatiling nakabaon.

Pag-asa hindi mawawalan
Umaasa paring bagsak ay simbahan
Nawa'y humaba pa ang pagmamahalan
Hindi lang sa simbahan, hanggang sa huling hantungan.
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 1
    Replies
  • 333
    Views
  • 2
    Participants
Last reply from:
-Mr Bangs-

Trending Topics

Online now

Members online
1,036
Guests online
5,460
Total visitors
6,496

Forum statistics

Threads
2,349,758
Posts
29,364,131
Members
1,089,317
Latest member
brightburn888
Back
Top