✍️ Arts/Lit Untold love

Status
Not open for further replies.
Untold Love

I have a friend that I loved most,
Her smile is as sweet as a rose,
With glamorous and gentle pose,
Ideal for gentleman's choice

She is my only one bestfriend,
And I love her more than a friend,
I like when she touches my hand,
Especially when I am sad

I am secretly loving her,
And I don't want to tell on her,
I know that it is "Now or Never!",
Afraid to lose her forever

One time when we walk together,
I tried to joke her to other,
Eventhough she looks happier,
Deep inside I don't feel better

I wish I have the guts to say,
While we're watching sunset in bay,
Feelings I hide more than a day,
Hope to confess to her someday


(ctto)
 
naranasan ko rin iyan sa tunay kong kalagayan
high school pa lamang akin nang napatunayan
strangers lang siya nung 2nd year kami dati
pero nung 4th year naging mag best kami

ganun na talaga siguro
yung damdamin mo di maituturo
ang di magmahal sa isang kaibigan
at ang mahulog ng di inaasahan

lalo pa kung ang araw-araw mo
ay ang ngiti niyang napakaamo
mga sandaling kasama mo siya
di mo maipinta ang sayang nadarama

bawat umaga bago umugong ang bell
siya yung gugulat sa likod mong parang anghel
mga bagay na lagpas pa sa pagkakaibigan
ang yumakap at humalik sayong pisngi ng tuluyan

nakalipas ang mga nagdaan
ako'y nagbalik sa pagguhit na nakamtan
mula sa itaas sa akin pinagkaloob
talentong meron ako noon hanggang ngayon

araw-araw halos gumagawa ako
ng panibagong likha at makahulugang yugto
iginuhit ko at siya ang inspirasyon
ipinapaabot ko sa kaklase niya noon

hanggang sa nilapitan ako nila
mga matalik at kaibigan niya
tanong sakin na may paghinala
"may lihim kang pagtingin sa kanya?"

ako'y hindi makakibo't di makasagot
ng agarang pagtugon di ko nahablot
mga balang nakaakbang dito sa puso ko
di ko mailabas at nag walk out ako

kinabukasan ako'y nagulat at nabigla
nakita ko siyang nakaabang sa harap nila
nang nasilayan niya muli ako
tinanong niya ako ng seryoso

"best huwag ka sanang magagalit sakin"
"pwede ko bang malaman yung totoo satin?"
"kaibigan mo ko diba? bakit ka naglilihim?"
"magsabi ka nga, may gusto ka ba sakin?"

Hindi ko alam kung ano ba dapat
panahon na ba at ito na ba ang nararapat?
yumuko ako't hindi makatingin
sa kanyang napakalalim na pagtingin

"best tingnan mo ko sa mga mata ko"
sabay sambit habang nalilito
"best kung totoo itong hinala ko"
"sana'y sagutin mo ng totoo"

ayaw ko sanang malaman niya ito
ngunit sa mga guhit ko'y kanyang napagtanto
ang lihim na dahilan at kahulugan
kung bakit araw-araw ko siyang nililigawan

niligawan ko siya gamit aking mga likha
alam kong batid niya ito aking pagsinta
ngunit di ko alam kung totoong batid niya nga
pagkat wala naman akong sinasabing salita

akoy tumugon sa huli niyang tanong
"oo best pasensya na. patawarin mo ako"
siya'y biglang sumagot at di ako nabigo
"salamat best. halata ko na kasi..hatid mo ako"

anong saya noong sinambit niya..
ako'y sumulat ng huli kong kataga
sinabi ko lahat ng aking nadarama
yun pala'y nakalakip sa mga likha ko pala

kaya pala ako'y nahuli na niya
dahil akala ko'y naitago ko pa
mga liham kong lihim para sa kanya
naiipit ko pala sa mga gawi kong likha

habang naglalakad at ihahatid ko siya
sinabi niya sakin, best cool off muna
"anong ibig mong sabihin best?" tanong ko sa kanya
"best cool off muna bilang tayong magbest"

sinabi niya sakin iyon kahit masakit
alam kong alam niya kung akin pang ipipilit
kaya ginawa niya nalang na mas mapaaga
upang hindi na lalo pang umasa

mga katagang iyon labis na nanakit
dito sa loob at labas ng aking ******.
lagi akong nagtanong sa aking sarili
"bakit ba? anong meron anong problema" sabay ngiwi.

ngiwing may hinayang at luhang pumatak
di ko namalayan ang aking pag-iyak
yun pala ang ibig niyang sabihin
ang pag-ibig na hindi niya kayang ibigay sa akin

ilang buwan di kami nag-usap
magkatabi man ang room, pasulyap sulyap
dahil sa mali kong hakbang noon
kaya ba kami ganito ngayon?

masama bang aminin at umamin sa kanya?
ng aking sariling angking nadarama
ilang linggo na lamang at graduation na
yun na ang huli naming pagkikita

pagkatapos ng graduation practice namin noon
bigla siyang lumapit sakin at nagtoon
inabot niya lahat ng mga likha ko
at sinabing hindi niya matatanggap ang mga ito

pagkat alam niyang labis lang siyang mangungulila
sa mga araw na aming pagkikita
mga yakap at haplos sa mga kamay naming dalwa
kaibigan lamang ba iyon at walang ibang nadarama?

graduation na at katapusan nang pagkikita
muli'y lumapit siyat naunahan ako talaga.
sinabing "salamat sa lahat best"
habang paluha akong nakikinig "best"

wala akong nasabi kundi iyon lang
siya'y yumakap sakin at nagpaalam
sinabi niya sakin ang mga katagang "kung para tayo, hintayin mo lang"
darating at darating iyon wag kang mag-aalangan

ako'y umasa pitong taon mula ngayon
pero bakit ganito ang pagkakataon?
nakita ko ang facebook niya sa maling panahon
siya'y ikakasal na at sila'y magdadalawang taon



pero atleast sa kalagayan ko.. nasabi ko naman..
mabigat ngalang ang kalooban ko ngayon sa mga naging kahihinatnan.
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 3
    Replies
  • 664
    Views
  • 4
    Participants
Last reply from:
Jmrie_

Online now

Members online
1,038
Guests online
825
Total visitors
1,863

Forum statistics

Threads
2,275,766
Posts
28,965,286
Members
1,231,923
Latest member
Crazy_Fisherman6384
Back
Top