✍️ Arts/Lit Akala ko tapos na

Status
Not open for further replies.

Hannibal

Enthusiast
Akala ko ay palagi kang masaya,
ang mga anghel ay nalulungkot din pala.
Hindi ko man makita ang luha sayong mata,
sa iyong mga salita ay aking nadarama.

Akala ko hindi na darating ang araw na lalapit ka.
Akala ko hindi mo na mapapansin, ang aking imbita.
Akala ko hindi ko na masisilip, ang iyong bugtong hinga.
Akala ko Ito’y panaginip, na ako sayo’y mahalaga.

Ako’y natutuwa, na ako’y yong kilala,
na tawagin mong kaibigan at higit pa,
at sabihin mong lahat, ang iyong pangamba
na ito pala ang simula, ng akala ko’y patapos na.

Spoiler contents are visible only to Established Members.
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 6
    Replies
  • 389
    Views
  • 4
    Participants
Last reply from:
Kozuki Oden

Online now

Members online
861
Guests online
5,210
Total visitors
6,071

Forum statistics

Threads
2,356,013
Posts
29,390,628
Members
1,076,248
Latest member
susususmonudo
Back
Top