✍️ Arts/Lit "masaya"

Status
Not open for further replies.

madpro

Forum Guru




"masaya"


Masaya, kaakibat ng lungkot
Kasalungat sa pagkabigo
Masaya dahil sa pag-ibig
Masaya dahil umiibig

Ngunit kapag naging mali?
Salitang masaya, mawalang ngiti
Mas masakit pa sa masakit
Ang yumakap sa saya ng mahigpit

Maraming rason pagiging masaya
Pag-ibig man o pamilya
Mayaman man o dukha
Na sa'yong paraan, para sumaya

Kainis isiping, mayroong dulo
Kasiyahan animo'y walang hanggan
Di akalaing saya'y hihinto
Pag-asa pa kaya'y dadatnan.

Hindi kailangang magbago
Upang kasiyaha'y matamo
Sa bawat paglakad at takbo
Ikaw at ikaw lang gagawa nito.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

About this Thread

  • 2
    Replies
  • 757
    Views
  • 3
    Participants
Last reply from:
ph_corner007

New Topics

Trending Topics

Online now

Members online
1,040
Guests online
6,562
Total visitors
7,602

Forum statistics

Threads
2,350,608
Posts
29,367,880
Members
1,087,782
Latest member
scrubturkey
Back
Top