Remremskie
Established
Mga lods, may napansin lang ako sa Globe Fiber connection ko. Every 3–4 months yata, bigla na lang nawawala ang internet namin. Wala namang problema sa linya at walang LOS, pero napapansin kong hindi umiilaw ang Internet indicator sa Globe router. Kadalasan, kapag nagfa-file ako ng ticket, hindi na rin pumupunta ang technician dahil naaayos naman nila remotely.
About two months ago, habang naglilinis ako ng bahay, nakita ko ulit yung MikroTik router ko na binili ko pa noong 2024. Sayang naman kung hindi gagamitin, kaya naisipan kong gamitin ulit. Since then, naka-bridge mode na yung Globe modem ko, at MikroTik na ang main router ko.
Kagabi, around 11 PM, nagising na lang ako dahil biglang naglo-loading ang YouTube sa TV. Pag-check ko sa phone, lahat ng devices ko, pati computer, naka-"No Internet."
Siyempre, basic troubleshooting muna. Nag-restart ako ng modem at chineck kung may LOS (blinking red light), pero wala naman. Kaya naisipan kong ibalik muna sa router mode yung Globe modem para naka-default setup na ulit in case kailangan nilang i-troubleshoot remotely o magpadala ng technician.
After restoring it to router mode, napansin kong umiilaw na ulit ang Internet indicator. Akala ko okay na, kaya bumalik ako sa computer para mag-check. Unfortunately, wala pa ring internet.
Dahil wala na akong ibang magawa, binusisi ko na lang yung settings ng Globe modem. Doon ko napansin na sa IP configuration, may naka-assign na 10.168.9.1 (or something similar na IP address). Samantalang sa LAN/DHCP settings, normal naman at 192.168.254.254 pa rin ang gateway IP.
Hindi ko rin mabago yung IP na nasa WAN configuration, kaya ang hinala ko, automatically assigned ito ng Globe. Napaisip tuloy ako kung may problema ba sa provisioning, IP assignment, o mismong system nila. Posible kayang ito rin ang dahilan kung bakit pana-panahong nawawala ang internet connection ko?
Tanong ko lang sa mga kapwa Globe Fiber subscribers:
May naka-experience na rin ba sa inyo ng ganitong issue? Yung walang LOS, mukhang okay naman ang fiber line, pero biglang nawawala ang internet at kailangan pang ipaayos remotely?
Kung meron, baka may alam kayong troubleshooting method o workaround para hindi ko na kailangang mag-file ng ticket at magpa-schedule ng technician every time na mangyayari ito.
Saturday at Sunday lang kasi ako available para mag-accommodate ng technician. Ang problema, madalas hindi sila dumarating on time, at minsan hindi talaga sumisipot.
Gusto ko lang sana malaman kung may paraan para ma-resolve ito on my end, especially kung related lang sa IP assignment, DHCP, o provisioning ng Globe.
Salamat sa mga makakapag-share ng experience at suggestions!