Pwde kang magsimula bilang Virtual Assistant (VA) kahit wala ka pang experience. Una, alamin kung anong skills ang mayroon ka. halimbawa, data entry, customer service, social media management, graphic design, bookkeeping, o administrative tasks. Gumawa ng maayos na resume at portfolio, mag-aral gamit ang libreng resources, at gumawa ng profile sa platforms tulad ng OnlineJobs.ph, Upwork, Fiverr, o LinkedIn. Mag-apply muna sa entry-level positions, maging maingat sa mga scam, at huwag magbayad para lang makakuha ng trabaho. Laging tandaan: kailangan ng stable internet, computer, basic communication skills, at tiyaga.