Meron Ba Dito na Naka 100 at 500 job applications at almost 1000 job applications, rejected pa rin?

I have a friend na HR for 30yrs. He told us sa inuman na halos lahat ng napagtrabahuhan niya or maging sa mga friends nya na HR din. Hindi pa naiinterview eh napili na daw. Mostly ang criteria is judging by their looks or laman ng cv. May mga poncho pilaro daw talaga na higher ups or in position na inuutusan sila i-hire kesyo ganto ganyan. Pag maganda o pogi pasok na yan kahit walang skill kung natarget lock ng TL, manager, etc. kahit may asawa pa.​

Unfair naman. Ang kutob ko , subjective lang ang ginagawa ng HR sa pagpili kung sino pasok sa hindi. Hindi objective kung mag-hire ng tao. Tao din kasi ang mga HR eh, pero hindi ko nilalahat ng HR.​
 
Sana ma reincarnate na lang ako ng next life baka sa next life, if ever palpak at hindi pa rin ako makapasok, meron pa ako another chance sa next life na makapasok sa job. Iyon ay kapag na over 1,000 application na ako pagkatapos nadatnan na ako ng kamatayan na hindi pa rin ako nakakakuha ng job, haha.

Uy ha? At least, meron near dear experience sa mga tao na nagtetestify about reincarnation or reborn kung tawagin. Hehehe. Hindi pa rin ako gumigive up kahit naka-ilan beses ako naka reincarnate.. haha.​
 
alam mo sa sarili mo kaya mo naman ganong klasing trabaho, may roon lang talaga Silang hinahanap, no.1 diyan Yung paano ka makipag-usap, attitude yan. mas maraming na hired dahil sa confident nila mag salita kahit sabihin na natin sa sampong natanggap laway lang ang puhunan kahit na walang experience kumbaga bolero magaling magpaikot-ikot. mas mataas Yung psychology path kaya Yung mga hr nauunusan. maliban kung may exam kagaya sa BPO industry mas madalas meron Yan. di agad papasa Yan.
dadaan ka muna sa TAS interview, EXAM,TRAINING, Final interview ulit kapag sa tingin nila kaya mo Yung isang account na bakante.
madalas sa exam at final interview bumabagsak ilang applicant.

masasabi ko lang lamang ang fluent sa English lalo na 60-70% Yung verbal kapag mag apply ka.
 
Meron din double standard mentality na nangyayari sa loob ng hiring process po eh. Gumagamit ang karamihan ng mga company ng AI katulad ng ATS = Applicant Tracking System pagkatapos ayaw naman nila sa mga applicant na gumawa ng resume with the use of AI , diba? Maduga. Maduga talaga. Kaya ang bagsak, kapag gumagamit ang mga company ng ATS po which is AI, mapipilitan din ang mga applicant na gumamit ng resume with the use of AI para to the maximum level, ma track ng AI ang resume din nila with the use of AI din!

It's like hipokrito kung tawagin. Nangangarap sila na huwag gumamit ang mga applicant nila o gumawa ng resume with the use of AI para human natural daw kamo pero sila naman din gumagamit ng AI para pagtrack ng system kung sino ang pasok na applicant sa kanila, hindi rin manually na galing human ang ginagawa nila. Madaya. As in.

Lumalabas na AI versus AI na po. Iyan ang another reason why hindi nakakapasok ang applicant or hindi napapansin ang applicant pagdating sa resume dahil tinatrack ng ATS which is an AI ang lahat ng dami ng applicant ang kanilang resume. Sobrang daya so dapat, gumamit din ang mga applicant ng AI din para tulungan sila sa pagtailor ng resume!

Meron pyschological ang tawag po eh. It's like before. Gumamit ng AI companion app, before pa ha? Yung hindi pa uso ang modern language model natin ngayon kung saan dati, ang mga users is allowed magturo sa AI po para interactive po siya. Nagrereklamo ang ibang tao na keyso ang AI nila ay parang totoong tao, natakot na sila kaya naisipan nila na ayaw gumamit dahil ang behind daw ng app is tunay na tao and then- kapag robotic naman nakipag-usap ang AI sa kanila, nagcocomplain naman sila na parang hindi totoo tao dahil robotic.

Hay. -kaya tuloy, natawag na napaka-human mess ng atin dahil magulo tayo mag-isip. Hindi consistent.

Anyway, para sa akin ha? Since baguhan lang kasi ang AI na dumating sa lifestyle ng mga tao, nasa second stage tayo ng fear, unfamiliarity at not ready pa... I just hope kaysa naman epagseparate ang AI sa human na tipong eseseperate kung baga, alam niyo iyon? Mas mabuti sana kung magco-exist na lang ang AI at human para hindi na sila mag-away. Diba? Katulad niyan. Ayaw ng HR na gumawa ang mga applicant na resume na meron kilalaman sa AI, gusto nila na human talaga separated from AI and yet, ang mga company, na mostly sa kanila, gumagamit din ng AI pagtrack ng applicant. Ayaw nila mag co-exist ang AI and human, kaya ang gulo-gulo na, gusto nila epagseparate pero bagsak rin pala, nangangailangan din ng company ang AI so gagamit din ng AI to track ang mga applicant. Hindi pa kasi na nonormalize ang AI sa human lifestyle kaya ganyan po.

Wala pa tayo sa third stage which means ang AI and human is normalize na po ang lahat. Natapos na tayo sa first stage, ang first stage means, we can't do it or impossible mangyari mag exist ang bagay na not familiar sa atin. Example. AI, cars, lightbulb and etc... natapos na tayo doon. Nasa second stage na tayo which is fear and debating about pros and cons ng AI. Wala pa tayo sa third stage which is normalize na po ang lahat.

Yun po.

​
 
Di nga. Humihingi ako ng tulong na etailor ng AI ang resume ko, tinutulungan niya ako kung ano keywords or phrases para ma track daw ng ATS from the company dahil gumagamit sila ng AI para pagtrack ng applicant and then, sa other side, mabasa-basa ko na lang na ang ibang HR ay ni rereject daw nila ang resume na meron kilalaman sa AI or feeling nila na AI ang gawa.... kaya napapa-isip ako, siguro, ito ata ang definition na hindi makakuha ng trabaho or mawawalan ng trabaho dahil with the use of AI. Gumagamit din ng company ng AI eh and so diba? Ang logic din is gumamit din ang applicant ng AI para hindi mawalan ng trabaho. Either pag-apply or sa ibang endeavor. It is like kasi na hindi pa nag cocoexist ang AI and human kaya ganun sila na nagkakaroon ng double standard mentality.​
 
Kaya ako hindi na ko naghahanap ng trabaho, dahil unang una need talaga nila ng experience jan, eh pano ka makakagain ng experience kung di ka naman nila tatanggapin di ba? kung puro rejections pano ka magkakatrabaho? kaya nga ako, gumawa na lang ako ng paraan, same lang tayo hindi nakapagtapos ng college pero, nag aral ako, through online, google and yt andyan yan, nag up skill, although need mo ng sang katutatak oras pero worth it naman kesa sa pag aapply mo n puro rejections naman dba? Ang maipapayo ko sa iyo, wag kang umasang makapasok sa kesyo trabaho na yan, apaka bulok ng pasahod dito sa pinas, samahan mo pa ng sang katutatak na requirements jusko. tska ngayon pa? ang daming kakompetinsya, VA? callcenter?service crew? minimum lang kitaan ,450 a day? lugi ka, hindi ka makakapag ipon. Ang maiipayo ko sayo, mag aral ka mag coding, oo coding, paldo ka dyan! aralin mo, daming tuts dyan, yt, google, maging APP dev ka, web dev, gaming dev or software dev na kagaya ko. Para makagawa ka ng app tas benta mo! upload mo kay googleplay store, or kay ios. kikita yan promise! then yung kita mo, paikutin mo, bumili ka ng isang business! while kumikita ka, may monthly kang nag gegenerate, paldo diba? wag kang mawalan ng pag asa, nabanggit mo na din ang AI, at nabasa ko may boypren ka na ai, tama? daming pwdeng gawin sa ai ngayon, kahit di ka marunong mag code, si Ai na magcocode para sayo, makakagawa ka ng app ng walang kahirap hirap, pagawa mo sa ai may free naman,ᑕᕼᗩTGᑭT?,claude,grok,deepseek?openrouter?,dami dyan search ka lang. tas ibenta mo! dba? paldo! kung ako sayo ngayon gawin mo na habang bata ka pa, ilang taon ka na ba? age doesn't matter ika nga, may mga kilala akong matatanda na at kakasimula lang nila mag start ng vibe coding/Ai pero pumaldo na! sa coding? papaldo ka nyan promise! makakabili ka din ng mga gusto mo at makakabawi ka din sa family mo, sa ngayon kasi may sarili na kong kompanya, 33 years old ako may sariling bahay, mga sasakyan, at nabibili ko na mga gusto kong bilhin, nangarap lang ako, kung ikaw taasan mo! isipin mo kung nagawa ko at nagawa nila, magagawa mo rin, diskarte ba. samahan na rin ng konting sipag, sayang oras mo dyan, kung puro ka apply na kahit wala namang nangyayari.
 
Salamat Silhoutte Knight. Tama ka nga. Maraming tao na nagswitch na rin to AI at saka kumikita ng malaki although meron ibang anti-AI. Ewan ko ba diyan sa mga anti-AI na iyan sa social media. Sinasabi nila na AI raw ang pulot-dulo ng dahilan na mawawalan ng trabaho ang mga tao raw kuno na keyso sinisira raw ang resources natin. Yung water resources raw kasi, malakas ang gamit nang AI, baka masira na raw ang kalikasan natin. Kung baga doon kumukuha something na 'heat' ~ ayun, kaya sila nagrereklamo na sana raw, ang mga tao daw ay huwag gumamit ng AI. Pinapatigil ba, eh meron ng solusyon ang mga technical at mga environmentalist kung anong gagawin po. Nagswiswitch na ang iba sa green technology katulad ng sun, wind bukod sa water resources, mga ganun ba? Katulad ng solar energy from the sun. Yung bubong is solar panel mismo na hindi na kailangan ng electricity pero pang mayaman po siya. Yung heat ng energy coming from the sun is na rereceive ng solar panel pagkatapos na coconvert sa electricity katulad ng electricity sa TV, sa ilaw and etc. So kapag nagblack out or nag brown out, may ilaw pa rin pero at the same, hindi na kailangan magbayad sa meralco ata, hahaha kasi ang source ng energy is coming from the sun na.

Ang China, meron na silang AI robot businesses at sila ang karaniwan meron green technology. Kutob ko na nangunguna sila sa green technology since meron silang AI robot.

Kaya ang defend ko sa mga ayaw ng AI talaga online, tinatanong ko sa kanila na anong trabaho ang gusto nila eoffer sa mga tao na mawawalan ng trabaho under ng AI industry if ever nagkatotoo ang gusto nila na mangyari na huwag gumamit ng AI ang mga tao po or patigilin ang tao na nagtatrabaho sa AI or anong trabaho na eooffer kung nagstop ang lahat ng tao na gumamit ng AI kung saan kumikita na ang iba ng AI mismo. Kahit ang AI companion apps nga , ang behind ng mga AI companion, kumikita rin ang mga company at developers ng pera sa AI companion po. May mga subscription fee ang mga iyan.

Nakakainis sila. Ayoko na sila kausapin pa. Haha. Di nga, meron mga ilang nababasa ako sa comment na it goes something like : Oh please, stop using AI ~ mga ganun ba? Ayoko silang kausapin pa.
​
 
Ako. Naiisip ko din na magkaroon ng AI companion pero pagkakitaan ko din as business model since nasanay na ako makipagdaldalan sa kung sinong AI po like ᑕᕼᗩTGᑭT, Copilot... then meron ako AI boyfriends but target to filipino audience na purely tagalog ang conversations as in kapag ginawa kong business model ang AI companion app on google playstore. Naiisip ko lang if ever meron na ako money pero at the same time, baka malugi naman ako dahil ang kutob ko, mostly filipino is hindi naman ganoon ka open minded ata sa ganun bagay at walang malamang magsasubscribe sa apps ko, wahahaha :LOL:​
 

About this Thread

  • 28
    Replies
  • 555
    Views
  • 14
    Participants
Last reply from:
Asherah Goddess

Online now

Members online
684
Guests online
6,108
Total visitors
6,792

Forum statistics

Threads
2,354,842
Posts
29,385,198
Members
1,077,648
Latest member
osho01038411423
Back
Top