yasuomain12
Fanatic
Hello Good day po, kanina ay nakabasa ako Ng mga ilang sipi at naantig ako at nais ko Rin ibahagi sa Inyo po
Pananalig sa relihiyon ang diwa ng paniniwala sa Diyos ng karamihan ng tao: Hindi nila kayang magmahal sa Diyos, at kaya lamang nilang sumunod sa Diyos na tulad ng isang robot, hindi magawang tunay na maghangad sa Diyos o sambahin Siya. Tahimik lamang silang sumusunod sa Kanya. Maraming tao ang naniniwala sa Diyos, ngunit napakakaunti ng nagmamahal sa Diyos; “kinatatakutan” lamang nila ang Diyos sapagkat takot sila sa sakuna, o kaya ay “hinahangaan” nila ang Diyos dahil Siya ay mataas at makapangyarihan—ngunit walang pagmamahal o tunay na matinding paghahangad sa kanilang pagkatakot at paghanga. Sa kanilang mga karanasan, hinahanap nila ang mga detalye ng katotohanan, o hindi kaya naman ay ang ilang di-makabuluhang hiwaga. Sumusunod lamang ang karamihan ng tao, nanghuhuli ng mga biyaya sa mga maalimpuyong tubig; hindi nila hinahanap ang katotohanan, at hindi rin sila tunay na sumusunod sa Diyos upang makatanggap ng mga biyaya ng Diyos. Ang buhay ng lahat ng paniniwala ng tao sa Diyos ay walang kabuluhan, ito ay walang halaga, at naglalaman ng kanilang mga pansariling konsiderasyon at paghahangad; hindi sila naniniwala sa Diyos upang mahalin ang Diyos, ngunit upang maging pinagpala. Maraming tao ang kumikilos paano man nila nais; ginagawa nila ang anumang gusto kanila at hindi kailanman isinasaalang-alang ang mga interes ng Diyos, o kung ang ginagawa ba nila ay alinsunod sa kalooban ng Diyos. Ang mga taong tulad nito ay hindi man lamang makayang magkamit ng tunay na paniniwala, lalo na ng pagmamahal sa Diyos. Ang diwa ng Diyos ay hindi lamang upang paniwalaan ito ng tao; higit pa rito, ito ay para mahalin ito ng tao. Subalit marami sa mga naniniwala sa Diyos ang hindi kayang tuklasin ang “lihim” na ito. Hindi nangangahas ang mga tao na mahalin ang Diyos, o sumusubok na mahalin Siya. Hindi nila kailanman natuklasan na marami ang kaibig-ibig sa Diyos; hindi nila kailanman natuklasan na ang Diyos ay ang Diyos na nagmamahal sa tao, at Siya ang Diyos na dapat mahalin ng tao. Ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos ay ipinahahayag sa Kanyang gawain: Sa pagdanas lamang sa Kanyang gawain maaaring matuklasan ng mga tao ang Kanyang pagiging kaibig-ibig; sa kanilang mga aktuwal na karanasan lamang nila maaaring mapahalagahan ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos; at kung hindi ito maisasagawa sa tunay na buhay, walang sinuman ang makatutuklas sa pagiging kaibig-ibig ng Diyos.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

.