At nakita ko na naman siya ngayung madaling-araw. naka-benda ang
galanggalangan(wrist), pati ang kanang paa sa hinlalaking daliri ay naka-benda.
May plaster sa kaniyang kaliwang lulod (shin) at
may patak pa ng dugo pabilog. Hiwa' at may mga butas ang kanyang maruming
gray na t-shirt. Sunog ang balat at dahan-dahan ang kanyang kilos na
parang galing sa stroke,
naka-paling ng konti sa kanan ang kanyang leeg habang namamalimos ang kamay.
Ngunit makailang beses ko na siya nasalubong na ganito ang kanyang hitsura sa pamamalimos.
Sa mga nagdaang mga araw tuwing makikita ko siya, ganito lagi ang buong hugis ng kanyang pamamalimos.
Nuong una ako ay naawa at nabibigyan ko siya ng talaga namang kakapiranggot na
kung saan ako ay nahihiya sa dami ng Pqagpapala na tinatanggap ko
araw-araw na gawa ng Diyos.
Ngunit napansin ko, iyun pa rin ang t-shirt niya na gray na
parang sadyang ginupit ng isang dalubsining, ang plaster andun pa rin ang plaster sa
kanyang lulod ,at iyun pa rin ang bendang duguan sa kanyang hinlalaki, na para
bang pumapapel siyang artista sa entablado ng mga lansangan.
Ako ay nainis, kasi naisip ko na hawak siya ng Sindikato na
nagkakalat ng mga namamalimos at ito ay pekeng palabas.
Ilang araw ko na hindi binibigyan ng limos, pakiramdam ko ako ay
niloloko.
Ngunit naisip ko, anu ang kalagayan nila s Sindikato?
Anung klase ang buhay nila? Nainis din ako sa mga taong nagsasabi na mas mayaman pa sila sa atin na nagbibigay.
Ngayung umaga, nasalubong ko uli siya at pinag-masdan ng ilang minuto.Nakatalikod siya at nakatingin (paling bali pa rin ang kanyang ulo sa leeg) sa mga kumakain sa Jollibee.Ako ay napaiyak sa aking saloobin. Ramdam ko ang kanyang gutom.
Naalala ko ang mahaba, panahong maitim na karimlan na aking pinag-daanan.
At muling nagbago ang
tingin ko sa kanyang mundo.