Sa gitna ng madilim na silid, simoy ng lamig sakin dumadampi. Ako'y nakahiga sa aking higaan dinadama ang temperatura ng lamig na para bang sa akin kumakampi.
Ang lambot ng unan na umaalalay sa komportableng kong higa, binabalewala ang mga naririnig na salita.
Gusto kong umidlip para kalimutan lahat sa panandaliang oras ang nararamdamang kalungkutan ngunit ako'y binabagabag ng aking kaisipan kung paano ko ito masosulosyan at mapapanindigan na dapat di ko sinumulan na ngayon aking pinagsisihan.
Ngayo'y umuulan kasabayan ng patak ng tubig sa aking mga mata, naalala kong may emosyon pa pala sa akin na natira.
Hindi emosyon ng kulay ng kasiyahan kundi kalungkutan, sa gabi ng ulan at lamig ang patak ng luha ang aking di inaasahan.
Kasabayan ng luha sa aking mga mata ang patak ng ulan sa aming bubong na animo'y sa akin nanghaharana, ito'y panandaliang lungkot lamang hindi ko na hahayaan na kainin ulit ng kadiliman ang isip kong hinihiling lamang ay kapayaan.
Dahan dahang tumahan ang patak ng lungkot sa aking kapaligiran at onti-onting bumangon ang katahimikan ng kalawakan. (8:19pm)