(8:51pm) Anlakas ng hangin dito tumutunog ang mga bubong ng kapitbahay, sumasayaw na wari'y galit na galit ang mga malunggay.
Mga dahong tinatangay ng hangin sa sobrang lakas. Mga pader na tila'y ito'y wawasakin ng malakas na hampas. Mga kurtina na ika'y ginigising, binabalaan na "hoy gising mamulat ka sa katotohanan na pamilya mo rin and iyong sasandigan sa wakas".
Lahat ay nasa loob ng kanilang tahanan sapagkat, ang iba'y lumikas sa kadahilanang di na kaya ng kanilang bubong kumapit sa bagyong habagat. Malakas na hanging ito'y maiikokompara mo sa tigre na gutom na kahit anong oras ika'y makakagat.
Andito sina papa, ante, dodong, inday, lumipat sa kanilang tahanang nadaanan na lahat ng trahedya sa buhay, ikaw na ba ay magpapahinga bilang isang saksi ng pamilya nila inday?
Habang inaayos ang kanilang higaan, ako'y nakahiga dinadama ang malambot na unan ng kasiyahan, bakit? mga pangarap ng noon na akala ko ay mananatili lang sa noon di ko aakalain na sa sitwasyon ngayon dumalaw ang aking kagalakan, ako'y nakatabi sa pamilyang inaakala ko na kailan man di ako makakasali ngunit sa makatuwiran kailangan ba munang may masamang mangyari para maabot ang pangarap sa aking isipan na parang isang kalawakan.
Bawat hangin na sakin dumadampi napagtanto ko sa aking sarili na ang mundo ay puno ng "bakit", Bakit may ganito pang pangyayari? Bakit kailangan pa itong mangyari? Bakit lahat ng ito ay nangyayari?
( And mundo ay parang laro sa sarili, parang kandila na natutunaw sa sarili nyang apoy. Nilalamon ka ng iyong sariling kaisipan na di mo namamalayanan na ikay natutunaw at nangangamoy kahoy. )
( Lahat ay may dahilan, ang iba'y mahimbing na natutulog ngayong gabi, ang iba'y namomoblema ilikas ang mga buhay at bagay at ang walang kwenta ay isantabi. Andaming pagbabago, andaming nagbago sa pagkakasunod sunod ng talata ng panyayari , noon uso ang salitang " mas importante ang buhay ng tao kesa sa materyal na bagay" ngunit iyan lang ay gumagana sa ganitong sitwasyon ng pangyayari, sa ngayon, buhay na ang tinataya para sa materyal na bagay na iyong kiliti. Ang mga buhay ng tao ay nabawasan, buhay ng halaman ay nadiligan, ang mga hangin ay pasayaw-sayaw lang sa pyesta ng kalangitan. Bago sabihin ang "lahat ng bagay ay may dahilan" natanong mo na ba sa iyong sarili ang " tanggap ko na ba ang pangyayari?". )
Mga hampas ng alon na rinig ko sa aking tenga, sa bawat agos ng biglaang ulan na pinapatamaan ang mga taong nabulag sa galit at kadilaman sa bawat agunos nito babagabagin ka sa "naliligaw ba ang iyong konsensya o sadyang ika'y natutuwa dahil nakikita mo na ito'y nahihirapan?"
(Aking idadagdag (10:35pm), hindi mo ba naisip na ang bagyong mapinsala ay ginagawa lang ang kaniyang trabahong maminsala? wari'y nililinisan ang mga nasa mababa at hudyat upang mas gawing maayos at matiwasay sa mundong iba ang namamahala, ngunit bakit kailangan pa na may magdusa? hindi lang nag-iisa ang matamis na lasa, bago makamit ang sinasabing tamis na iyong inaasa, kailangan ng mapait na proseso upang ang timpla nito'y magbago at maging tatak sa madla. Isa lang tayong tagapanood at sa tagapagsalaysay tayo'y walang karapatan humusga. )
Ako'y titigal na, pumipikit na ang aking mata at itutulog ang pangyayaring sana'y nasa panaginip lang, sana..
Takpan ang tenga sa nakakagimbalang tunog ng bagyo sa panandaliang oras na ito'y bumabagabag sa kanya kanyang mundo.
Ipipikit na ang mata at sana sa pagdilat ng kinabukasan ito'y maayos na.