Professora Akira
☯️ SôulNinetãiL☯️
Magkaiba man ng lugar at magkalayo ,
Nanriyan ka habang ako'y nandito
Magkalayo man ang agwat ,
tatag at alab ng damdamin natin
ay pilit na sinusubok at syang sinusukat.
Minsang ng naghahanap ng mga kasagutan,
sa bawat naglalaro sa isip na mga katanungan,
sa isip at diwa na di mo mawari,
kung ito ba ay panaginip lang o sadyang
nangyayari,
Para bang may puwang,at kay bigat
ng pakiramdam,
parabang tayo'y pinaglalaruan,
ng ating kapalaran,
Muntik na sanang pinaglapit tayo
pero ba't parang ganito,
nandyan ka pa rin ,at nandito lang ako?
Tumitig ka sa aking mata
at damhin mo itong mga kataga,
mga katagang sa puso ko nagmumula,
hindi maaagaw nino man,
pagka't patungkol lamang ito
sa iyo lang at sa akin,
Ito may mananatiling atin lamang
hanggang sa ka huli hulihan,
ikaw man at ako o hindi ang magkatuluyan,
Tila misteryo ang dating sa iba,.
ngunit ating dalawa,
malinaw na naririnig,nakikita at nadarama,
Dahil dito tayo nag umpisa,
sa mga katagang "ikaw at ako"
at mananatiling "tayo"
Muli ay susubukan nating tawirin
ang bakod at espasyong
nakapagitan sa atin,
Nadito ako nandiyan ka,
mahal kita at mahal mo din ako sinta,
walang susuko sa ating dalawa
dito pa lang magsisimula ang
kathang "ikaw at ako ay tinadhana".
~Professora Akira~




(ang cute niya kase nun)