Ito lang naman ay base sa pagkakaintindi ko.
Noong later years, na-discover daw yung concept of atonality wherein makikita o ma-oobserve ito sa mga klase ng komposisyon na hindi necessarily sumusunod sa isang certain or specific system of tonal hierarchies. Kumbaga, taliwas sa nakagisnan o nakasanayan. Take note of the 'a' in atonality. Halimbawa, 'a'theist (non-believer) tapos theist (believer).
Yung serialism naman method of composition na ginagamitan daw ng various musical elements. Ang basis ng serialism ay yung twelve-tone technique ni Schoenberg. In a way, para siyang byproduct siguro nun.
Sa musical historicism naman ito yung kapag ang mga pyesa (works) ay may bahid o di kaya ginagamitan ng historical basis.
Yung improvisation ito naman yung konsepto ng paggawa ng mga bagay-bagay on the spot. Hindi ito pinaplano bago yung mismong pangyayari. Halimbawa, may speech ka tapos nakalimutan mo yung minemorize mo tapos nag-isip ka ng ibang sasabihin. Nag-improvise ka ng speech sa madaling salita.
Yung extended technique naman ito yung klase ng technique na hindi naka-confine sa iisa at usual na pamamaraan. Hindi conventional. Halimbawa, ito yung kapag ina-apply ng artist yung sarili niyang estilo sa isang pyesa kahit yung nasabing estilo niya ay hindi nakasanayan.