Closed SAMPASAMPALUKAN

Status
Not open for further replies.
J

Jeanh

12801218_970845273007521_3511424853742143464_n.jpg

SAMPASAMPALUKAN

KAALAMAN TUNGKOL SA SAMPASAMPALUKAN BILANG HALAMANG GAMOT
Scientific name: Phyllanthus niruri Linn.; Phyllanthus carolinianus Blanco
Common name: Sampasampalukan (Tagalog); Seed-under-leaf, stone breaker (Ingles)

Ang sampasampalukan ay isang maliit na halaman na karaniwang itinuturing na ligaw na damo. Madalas kasing tumutubo ito sa mga gilid ng kalsada, at mga bakanteng lote. Ang mga dahon na maliliit ay kahalintulad ng sampalok, habang ang mga buto naman ay tumutubo sa ilalim ng mga dahon. Maaari itong tumubo saan mang lugar sa Pilipinas.
ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA SAMPASAMPALUKAN?
Ang iba’t ibang bahagi ng sampasampalukan ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
Ang halaman ay may taglay na flavonoids, alkaloids, terpenoids, lignans, polyphenols, tannins, coumarins, at saponins
Ang mga dahon ay may taglay na phyllanthin, hypophyllanthin, lignans niranthin, nirtetralin at phyltetralin.
Mayroon din itong potash
ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Ang buong halaman ng sampasampalukan ay nagagamit sa panggagamot.
Ang buong halaman ay karaniwang nilalaga at iniinom upang makagamot. Maaari din itong dikdikin at ipantapal sa ilang kondisyon, o kaya naman ay pinapanguya ang sariwang halaman sa may sakit.
ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG SAMPASAMPALUKAN?
1. Pananakit ng sikmura. Ang pinaglagaan ng sampasampalukan ay mabisa para sa pananakit ng sikmura kung iinumin.
2. Buni. Dapat namang ipahid sa apektadong bahagi ng katawan ang dinikdik na bunga ng sampasampalukan.
3. Galis. Maaari ding gamitin para sa paggagalis sa balat ang dinikdik na bunga ng sampasampalukan. Maaari ding lagyan ng asin ang dinikdik na halaman para sa kondisyon ng galis.
4. Paninilaw ng balat at mata (Jaundice). Ang kondisyon na jaundice na sintomas ng karamdaman sa atay ay maaaring malunasan ng pag-inom sa pinaglagaan ng sariwang ugat ng sampasampalukan.
5. Hirap sa pagdumi. Makatutulong din ang pag-inom sa pinaglagaan ng sampasampalukan para mapadali ang pagdudumi.
6. Sinok. Sinasabing mabisa rin na pantanggal ng sinok ang pagnguya sa sariwang dahon ng halaman.
7. Ubo. Mabisa din para sa ubo ang pinaglagaan halaman.
8. Bato sa apdo (gallstones). Ang mga namumuong bato sa apdo ay maaari daw malunasan ang regular na pag-inom ng pinaglagaan ng halaman.
9. Bato sa bato (kidney stone). Ang pagbabara naman ng bato sa bato ay maaari ding matulungan ng pag-inom sa pinaglagaan ng sampasampalukan.
10. Dysenteria. Ang kondisyon ng dysenteria ay matutulungan din ng pag-inom sa tubig na pinagbabaran ng mga ugat at dahon.
 
Did you know?

Web hosting is a service that allows organizations and individuals to post a website or web page onto the Internet. A web host, or web hosting service provider, is a business that provides the technologies and services needed for a website or webpage to be viewed on the Internet. Websites are hosted, or stored, on special computers called servers.

When Internet users want to view your website, all they need to do is type your website address or domain into their browser. Their computer will then connect to your server, and your webpages will be delivered to them through the browser.

When it comes to web hosting companies based on the number of hosted websites, GoDaddy has established itself as a clear market dominator. According to HostAdvice, GoDaddy has covered over 19% of the market, leaving a not-so-significant market share to other hosting providers such as Google Cloud Platform, 1&1, Amazon Web Services, and Cloudflare.

According to Builtwith, GoDaddy has also managed to become a world dominator when it comes to providing VPS web hosting. GoDaddy’s market share in this segment counts for over 23%, whereas its closest competitors, such as DreamHost and Digital Ocean, cover 1.46% and 1.23% of the market share, respectively.
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 1
    Replies
  • 1K
    Views
  • 1
    Participants
Last reply from:
mirG

Trending Content

Online now

Members online
1,171
Guests online
9,146
Total visitors
10,317

Forum statistics

Threads
2,033,252
Posts
27,574,103
Members
1,599,033
Latest member
Kagenouuu
Back
Top