Trivia DIVORCE is not the solution! (Hear Me Out)

GildartsTale

Eternal Poster
Screenshot 2024-05-30 at 12.02.34 AM.webp


1. Mahigit 50% ng mga bata sa America ay natutunghayan ang paghihiwalay o pagdidivorce sa kasal ng kanilang mga magulang. Marami rin sa kanila na sa ikalawa hanggang ikatlong pagkakataon ay muling natutunghayan ang muling pakikipagdivorce sa mga panibagong pinakasalan ng kanilang mga magulang na nagdivorce.

2. Ang mga batang BIKTIMA ng paghihiwalay o pagdidivorce ng kanilang mga magulang ay mas mataas ang porsyento na nagdi-dropout/humihinto sa pag-aaral kumpara sa mga Pamilyang may mga magulang na patuloy na makatuwang.

3. Mahigit tres syento porsyento ng mga kabataan na lumaki sa hiwalay na magulang ay nakaraanas ng atensyon pangkaisipan(Psychological assistance), kumpara sa mga lumaki na buo at makatuwang ang mga magulang.

4. Ang mga kabataan na lumaki sa hiwalay at hindi buong pamilya pagdating ng sekondarya o highschool ay madalas nagdi dropout.

5. Madalas hanggang sa panahon ng adulthood o nasa hustong gulang ay dala-dala ang mga negatibong idinulot sa kanilang kabataan ng pagdidivorce ng kanilang magulang, sila rin ayon sa mga pag aaral ang madalas na hindi nakakaabot ng kolehiyo at napupunta sa mababang sahod na trabaho.

6. Ang mga tao na lumaki sa sira/watak na pamilya ay kadalasan mga nagtatangka na mag suicide at mawalan ng gana mangarap.

7. Otsenta (80) % ng MGA BIKTIMA ng divorce ay hindi natatanggap ng sapat at naaayon ang dapat na sustento sa kanila.

8. 70% ng mga nasa kulungan na may sintensya na pang matagalan ay lumaki mula sa hiwalay at watak na pamilya.

Solution:
1. Make Annulment more cheaper and more faster.
2. Strengthen family proper guidance and counseling.
3. Teaching the younger generation how to choose the right partner in life.


What do you think guys?
 
Did you know?

Web hosting is a service that allows organizations and individuals to post a website or web page onto the Internet. A web host, or web hosting service provider, is a business that provides the technologies and services needed for a website or webpage to be viewed on the Internet. Websites are hosted, or stored, on special computers called servers.

When Internet users want to view your website, all they need to do is type your website address or domain into their browser. Their computer will then connect to your server, and your webpages will be delivered to them through the browser.

When it comes to web hosting companies based on the number of hosted websites, GoDaddy has established itself as a clear market dominator. According to HostAdvice, GoDaddy has covered over 19% of the market, leaving a not-so-significant market share to other hosting providers such as Google Cloud Platform, 1&1, Amazon Web Services, and Cloudflare.

According to Builtwith, GoDaddy has also managed to become a world dominator when it comes to providing VPS web hosting. GoDaddy’s market share in this segment counts for over 23%, whereas its closest competitors, such as DreamHost and Digital Ocean, cover 1.46% and 1.23% of the market share, respectively.
Ah. Dahil ba approve na po ang divorce sa Pilipinas kaya ka nagpopost ng ganyan? Eh.... gusto mo ba pagdebatehan uli iyan? Katulad ng pagdedebate sa ilan post mo about woke, feminism at LGBT? Ah.... ikaw diba yung align sa conservative ideology? Ah. Tama. Tama. Naiintindihan ko na kung bakit disagree ka sa divorce.

Nakakatamad na kasi mag-explain. Love ourselves na lang. Haha. Tinamad e. Kasi, you know? Useless magpaliwanag kung iba naman ang mentality o mindset ng mga tao diba? Nga naman pilitin? Basta ang akin, the world is not perfect po. Ang annulment ay meron iyan pros and cons and ang divorce ay meron din iyan pros and cons po. It depends po kung anong nakakabenefit at advantage po sa tao and since negative sa iyo ang divorce and so, obvious naman diba? Ang kukunin mo lang is puros pangit at negative about divorce. Hindi mo na makikita malamang ang positive kung ano ang meron sa divorce. Align lang siya on moral values na tinatangkilik ng tao para masabi kung mabuti o masama ang divorce and since practicality po tayo, pagdating sa practical solution , divorce po ako especially sa mga babae na pagdating sa violence or abusive husband po. Yung talagang ginagawa na punching bag as in. Para din sa homosexual rin po na for example, nalaman na ang wife is lesbian or husband is gay , pwede divorce doon. Kawawa naman sila. Tipong pinipilit sila magstay sa marriage when it comes to heterosexual set up , hindi naman po sila masaya lalo na kung na iin love sila sa kapwa nila babae o kapwa lalake.

Hindi naman perfect ang annulment ha? Yung babae nga sa raffy tulfo ba iyon? Tama. Ang husband and wife ay nag-usap sila na maghiwalay na sa baranggay. Kasi nga hindi sila magkasundo. So yung ex-wife, nagpunta sa ibang bansa at nagkaroon ng boyfriend dahil inisip niya na hiwalay na sila ng husband niya. Biglang hinabol ng husband, meron pa siyang laban dahil sabi ng attorney , pwede makulong ang wife dahil kasal pa raw sila pero nag-usap na sila na hiwalay na. Ang lugi doon ay babae. Imagine? Pipilitin niya ang wife na bumalik siya nito sa kanya at mahalin siya kahit hindi na siya mahal ng wife niya? And kapag hindi bumalik, meron siyang laban na ipakulong ang wife? Imagine kung walang divorce? E di mga pilit ang tao na nagsasama na hindi masaya panghabang buhay hanggang sa kamatayan na walang hanggan.

Ang love ay hindi finoforce. Binibigay iyan ng kusa.

Ang benefits ng divorce po, based on them na nakaranas ng divorce, pwede ang tao na magcreate ng new beginning and new life po. Yung mistake from the past relationship is pwede pa macorrect. Matututo ka rin mag move on po at iwan ang past memories na hindi maganda noon nagsasama pa kayo. Ganun. Yung anak, if ever , hindi mabuti tatay or hindi mabuti ina ang nakapangasawa ay pwede magkaroon ng panibagong tatay o bagong ina na mas higit pa kaysa sa una po. Meron mga positive rin po. Ayaw mo lang tingnan kasi hindi siya align sa moral value mo po. Ganun.

Sabihin mo lang po kung gusto mo pa makarinig ng positive about divorce? Sa ngayon ayaw ko mag list kung ano-ano iyon. Mukha useless din kasi kapag katapat natin is you know? Disagree sa divorce.

P.S.

Medio nakakatawa ang post dahil sabi, hindi raw maganda ang divorce dahil ang abusive person ay mambibiktima pa daw uli kapag nag-asawa. Parang sinabi na huwag maghiwalay ang husband na nananakit sa wife mismo, mag stay na lang silang dalawa forever kaysa naman maghiwalay at mambiktima pa ng iba. Pag-usapan na lang ng husband and wife uli. Ano kaya iyon? Hindi naman practical iyon.

Isipin niyo na lang na magsyota. Mag syota na forever na mag eestay kahit toxic relationship na o better maghiwalay na ang dalawang mag syota para magkaroon ng new life and new beginning po. Magkaroon ng relief and opportunity for personal growth po? Diba? Ganun lang iyon.

Sa akin, ang mga tao na ayaw ng divorce ay mga tipong masochistic or submissive... mga ganun? Yung tipong ino-own pa rin nila ang wife nila o husband nila kahit hiwalay na. Ganun ang dating. Ayaw nila pakawalan. Like kapag annulment diba? Ang husband panay sinisento pa rin nito ang anak at wife mismo. That means na ini-own pa rin niya ang anak at wife niya. Ayaw niya pakawalan kahit they do not love each other na. Hindi sila maka-move as in. Yung wife naman, annulment na sabihin natin , ayaw pakawalan si husband. Nakadepende pa rin sa pera ng husband kahit they do not love each other na. You know? Hindi sila free. Wala silang karapatan magmahal ng ibang tao dahil nakatali pa.

Pagkataps at the end, mag lilive in din sa ibang partner dahil annul na po ang mag-asawa. Ayaw din. Ang pag lilive in ay it is a sin daw.

Yun lang.

Dagdag ko lang. Ang annulment is practice by Roman Catholic po siya at ganyan din ang ina apply sa bansang Pilipinas uy. Hindi na tayo under ng theocratic government or whatever noh. Kahit nga non-Roman Catholic , sumusunod sa batas ng annulment po e sa bansang Pilipinas. Hindi nila alam na galing sa Roman Catholic po ang annulment po. Majority ng filipino people is 80% Catholic po. Ngayon. Meron na tayo divorce and so, ayos na po.​
 
For me lang payag ako wag natin hayaan masira ang buhay na pede pang ibago/itama ng panahon habang nakakulong siya sa maling decision
 
Ano kaibahan ng annulment sa divorce? Parang parehas lng nmn in practice. Seems to me ung list mo ng criticsm sa divorce also applies to annulment.

People by default do not want to go through either of the process, so it goes without saying that they should pick the right partner. Ang problema, the "right partner" is not immediately apparent at sobrang subject sa misjudgement. Most people still end up with the wrong partner, while some never find one due to unrealistic standards.

I think ang source ng problema ay dahil we use marriage to unnecessarily gatekeep many privileges kaya marami ang nagpapakasal sa maling dahilan. Andyan pa ang romanticsm na nag cocorrupt sa understanding about love which turned marriage as a trophy, rather than what it truly means.
 
Tayo lang raw sa bansang Pilipinas ang walang divorce pati sa Vatican city. Lupit ng Roman Catholic church noh? Lakas ng influence for 300 years na ipinamana sa atin ng Spaniards. Naniniwala kasi sila, yung iba lang naman na keyso ang divorce raw ay one way ticket to hell and so, kapag nagdivorce ang tao, go to hell ka na rin. Ganun. Automatic. Kasi, purity ang tinitingnan nila diyan. Tipong malinis kayo kapag kinasal sa church and so, hindi kayo pwede maghiwalay at maghanap ng iba. Pwede isawalang bahala ang kasal pero meron siyang grounds. And mahirap siya eattain dahil strict ang annulment at hindi lahat na aachieve. Hindi katulad ng divorce na madali lang. Isa pa, consider ka na talaga "single" at pwede ka magremarry. Ewan ko lang sa annulment but, based on sa experience ng ibang tao, matagal raw ang proseso ng annulment. Sabi. Na tipong umaabot ng years, hanggang ma in love ka na lang sa ibang tao pero hindi magawa magpakasal sa iba dahil consider kasal pa rin kayo.

Walang bisa ang kasal raw kapag annulment pero it does not mean na ang kasal na nangyari ay literal wala talaga nangyari. Unlike sa divorce, end of marriage talaga. Free uli sila magpakasal sa iba.​
 
saan mataas boss? sa lower house?​

Na aprobahan na po siya sa lower house. Ipapasa po siya sa senate pero meron hold up na nangyayari daw. Sila diba ang nasa upper house. Mataas kasi ang votes. Weird lang kasi dahil first time ang nangyari na ganun. After ipasa diba sa senate, esasign na lang ng presidente para abrobahan. Ang weird lang kasi, sa social media ay nangingibabaw ang pro-divorce pagkatapos dagdagan pa ang taas ng votes mismo sa lower house....... feel ko kapag majority wins, hindi pa rin makakapasok ang divorce bill.

Weird para sa akin.

Kaya nga parang meron nagsabi na nakatira tayo sa dictatorship from Roman Catholic dahil malakas ang influence ng Roman Catholic. Parang nakatira pa rin tayo sa theocratic government na nakagawian natin noon unang panahon ng mga kastila. Ang weird lang kasi dahil ang ibang tao na naandito or hindi lang naandito, gina-judge nila na keyso ang western culture kuno ay dictatorship raw ang dating dahil sa mga wokeism pero hindi napapansin na nag-aayaw na ganoon din tayo dito sa bansang Pilipinas. Secular state tayo pero ang malakas na nagvovoice out ay mga galing sa religious pagkatapos ang law natin, conservative pa rin.

Ito pa. Ang law natin meron halong law from the spaniards dati. So... nadala siya from past up to present. So parang theocratic ang dating pero hindi halata. Katulad ng reproductive health bill , nagkaroon ng threat from religious opposition na subukan lang raw pirmahan ni president NoyNoy Aquino raw, excommunicated na raw siya sa Catholic mismo. Yung women's right naman daw ay na dapat safe and accessible abortion , îllégâl din sa bansang Pilipinas ay 6 years raw ang imprisonment. Sa cheating, ang imprisonment ng women is also 6 years and ang men ay only 4 years daw. Pagkatapos ang sogie bill raw ay hindi ma apro-aprobahan dahil iyon raw ang pinaka-longest running bill under ng senate.

Kaya tama. Feel ko hindi makakapasok ang divorce bill po dahil epuput-end po nila iyan lalo na sa senado po. Balik na lang tayo sa theocratic government ng bansang Pilipinas tutal, malakas naman ang religious morality ng ating bansa. Problema nga lang, meron kasi non Catholic , sila din ang magsusuffer dahil kailangan magconform sila sa batas ng theocratic government na ang authority is puros clergy po.​
 

Na aprobahan na po siya sa lower house. Ipapasa po siya sa senate pero meron hold up na nangyayari daw. Sila diba ang nasa upper house. Mataas kasi ang votes. Weird lang kasi dahil first time ang nangyari na ganun. After ipasa diba sa senate, esasign na lang ng presidente para abrobahan. Ang weird lang kasi, sa social media ay nangingibabaw ang pro-divorce pagkatapos dagdagan pa ang taas ng votes mismo sa lower house....... feel ko kapag majority wins, hindi pa rin makakapasok ang divorce bill.

Weird para sa akin.

Kaya nga parang meron nagsabi na nakatira tayo sa dictatorship from Roman Catholic dahil malakas ang influence ng Roman Catholic. Parang nakatira pa rin tayo sa theocratic government na nakagawian natin noon unang panahon ng mga kastila. Ang weird lang kasi dahil ang ibang tao na naandito or hindi lang naandito, gina-judge nila na keyso ang western culture kuno ay dictatorship raw ang dating dahil sa mga wokeism pero hindi napapansin na nag-aayaw na ganoon din tayo dito sa bansang Pilipinas. Secular state tayo pero ang malakas na nagvovoice out ay mga galing sa religious pagkatapos ang law natin, conservative pa rin.

Ito pa. Ang law natin meron halong law from the spaniards dati. So... nadala siya from past up to present. So parang theocratic ang dating pero hindi halata. Katulad ng reproductive health bill , nagkaroon ng threat from religious opposition na subukan lang raw pirmahan ni president NoyNoy Aquino raw, excommunicated na raw siya sa Catholic mismo. Yung women's right naman daw ay na dapat safe and accessible abortion , îllégâl din sa bansang Pilipinas ay 6 years raw ang imprisonment. Sa cheating, ang imprisonment ng women is also 6 years and ang men ay only 4 years daw. Pagkatapos ang sogie bill raw ay hindi ma apro-aprobahan dahil iyon raw ang pinaka-longest running bill under ng senate.

Kaya tama. Feel ko hindi makakapasok ang divorce bill po dahil epuput-end po nila iyan lalo na sa senado po. Balik na lang tayo sa theocratic government ng bansang Pilipinas tutal, malakas naman ang religious morality ng ating bansa. Problema nga lang, meron kasi non Catholic , sila din ang magsusuffer dahil kailangan magconform sila sa batas ng theocratic government na ang authority is puros clergy po.​
hehe yung stance ko naman sa divorce is ok lang ako walang divorce for as long as i-relax ang anullment, i mean i-relax na almost pareha na siya sa divorce, yung point ko lang dito is magkaiba kasi ang effects ng divorce at anullment, yung divorce ay legit ang kasal at na-void whereas sa anullment is kasal is void from the start as if it never happened, yan yung reason bakit mas prefer ko anullment for as long as same sila ka-easy ni divorce in terms of processing
 
hehe yung stance ko naman sa divorce is ok lang ako walang divorce for as long as i-relax ang anullment, i mean i-relax na almost pareha na siya sa divorce, yung point ko lang dito is magkaiba kasi ang effects ng divorce at anullment, yung divorce ay legit ang kasal at na-void whereas sa anullment is kasal is void from the start as if it never happened, yan yung reason bakit mas prefer ko anullment for as long as same sila ka-easy ni divorce in terms of processing​

Okay naman ang annulment. Nabasa ko kasi na pwede raw mag remarry dahil wala na nga bisa ang kasal. Same ng divorce na pwede raw magremarry. Ang ipinagkaiba lang kasi , nasa record file daw ang both mag-asawa na married sila kahit wala na ang bisa ang kasal while ang divorce talaga, terminate talaga ang kasal. Literal speaking.

Ang problema kasi, yun nga, mahal nga ang annulment. Pagkatapos ang tagal ng proseso. Pagkatapos ang naaalala ko na sabi, kapag na annul po ang mag-asawa and then nagkaroon ng bago love life or partner, if magpapakasal sa church uli ay matagal daw approbahan bago ikasal ang dalawa magkasintahan. Aabot daw ng dekada and so.... and so parang nakatali pa rin sa dati nilang asawa. Dagdagan pa ang tagal ng proseso sa pag-annul... e di yun na yun. Parang nakatali pa rin sa dating asawa. Hindi magawa magpakasal uli.

Sa akin, siguro kaya mahal, meron siguro dahilan kung bakit mahal magpa annul. Parang katulad na kapag bibili ng product, ang reason why mahal dahil sa quality product. Hindi kasi siya cheap. Durable and long lasting kasi ang product na bibilhin. Ang annul kasi, meron strict requirements na tipong kasama sa lists ng ground para ma annul ang mag-asawa. And meron yatang kailangan evidence para ma annul ang kasal. Iyon ang pagkakaunawa ko and so, hindi lahat makaka-acquire ng annulment. Hindi rin sakop ang physical violence ang annulment po.

In my point of view, for me, parang nananadya siya para lang mag stay ang husband and wife na not meant to each other sila. Kasi, ang tagal-tagal ng proseso, mahal pa, siyempre, sa sobrang tagal ay parang nakatali pa rin. Pagkatapos kapag magpapakasal sa church, matagal din approbahan kung pwede sila magpakasal. Ayan na naman uli si church.

Hindi rin afford ng mahihirap ang annulment.​
 
parang yung divorce ang recorded since magiging "divorced" ang civil status, ang anullment is back to "single" like you have not marry yet since hindi legit ang marriage​

Oo nga po. Back to single kapag "annùlléd" po. Ganoon din ang "divorce" ay back to single rin po. Oo nga po. Meron recorded sa civil status na "divorced" dahil kinikilala pa rin na ang dalawa na kasal but iyon nga lang, terminated po. Ang "annùlléd" po ay nabasa ko na void or hindi valid or walang bisa ang kasal pero it does not mean daw na walang nangyari kasal. Meron nangyari kasal pero wala siyang bisa. Iyon nga, it never happened kahit simula pa lang. Ayun ang pagkakaintindi ko pero pwede naman ako ecorrect baka meron ako na miss on something.

Ang "annulment" is pwede nga talaga e-relax na lang siya na halos same ng divorce, pwede. Parang nagchange lang ng pangalan na ang "annulment" pero "divorce" ang dating sapagkat halos same lang. Haha pero siguro ganyan talaga ang "annulment". Hindi na ata mababago. Kaya nga rare lang siya inaapply sa bansa. Rare. Mahirap kasi sa annulment. Divorce is mabilis.​
 

Users search this thread by keywords

  1. divorce
  2. After the divorce
  3. Annulment

About this Thread

  • 17
    Replies
  • 792
    Views
  • 7
    Participants
Last reply from:
Asherah Goddess

New Topics

Online now

Members online
636
Guests online
8,888
Total visitors
9,524

Forum statistics

Threads
2,041,801
Posts
27,614,480
Members
1,583,532
Latest member
calm123
Back
Top