Parang buhay ang donut. Ika ko nga nung una, may butas. May kulang? Ngunit pag kinain saka lang mararamdaman na “ay, tama lang pala. ay, másáráp pala”
Parang buhay na kapag namuhay lang tayo, may kulang?
Parang buhay na sa kakaisip natin kung ano yung kulang nakakalimutan natin ang ibang bagay na nasa harap na natin.
Parang buhay na sa kakaintindi natin sa mismong buhay, naiwawalang bahala natin ang mga ibang bagay na may tunay na kahulugan sa atin.
Parang buhay na sa kakahanap natin sa kulang ay sya din pagkawala ng paningin natin sa kahalagahan ng kung ano’ng meron tayo.
Parang buhay na akala natin palaging kulang, hindi pala.
Hindi pala. Sapagkat kaya lang naman sya nagkukulang ay dahil na rin sa ating kaisipang “may iba akong kailangan”
Sapagkat kaya lang naman sya nagkukulang ay dahil na rin sa hinaing nating “bakit wala ako nito? bakit wala ako nun?”
Sapagkat kaya lang naman sya kulang ay dahil na rin sa paniniwalang “bakit ba palaging may kulang?”
Bakit hindi nating subukang mamuhay lang at wag intindihan ang kulang.. wag kwestyunin ang buhay..
Huwag na tayong mag aksaya pa ng panahon sa pag intindi sa mismong buhay, mamuhay na lang tayo sa alam nating paraan.
Credits google.
I WANT NF SLOTS