🔒 Closed Doble din ba name nyo?

Status
Not open for further replies.

-simplice-

Forum Expert
Pangalan ng Pinoy

Tin-tin, Bong-bong, Ken-ken, at Rap-rap. Ito ang ilan sa mga kakaibang palayaw ng Pinoy na inuulit-ulit.

Nakasanayan na yata kasi ng mga Pilipino ang magbigay ng kakaibang pangalan sa kanilang mga anak. May mga hinango sa pagkain, pangalan ng araw at buwan. Di natin maitatanggi ngunit marami ngang sikat na mga personalidad ang may kakaibang palayaw. Sa mga artista ay merong Tuesday, Sarsi, Chin-Chin. at Dingdong. Kung sa pulitiko naman ay merong Ping, Bingbong, Bongbong at huwag na din tayong lumayo pa, dahil ang presidente ng Pilipinas ay Noynoy.

Ang kakaibang ugaling ito nang mga Pilipino ay agad kong napansin nang gumawa ako ng listahan ng aking mga kaklase sa hayskul. Sa 50 na estudyante ay merong may mga pangalan/palayaw na April, May, June, Hershey, Ponkan, Ren-ren, Rap-rap, Mac-mac, Mai-mai, Jing-jing, Bam-bam, Jun-jun at Pao-pao.

***

Kadalasan, bata pa lang ay nababansagan na nang kung ano-anong palayaw ang ating mga kabataan. Kakaiba man pero mukhang karaniwan lang ito sa mga magulang na Pinoy. Ang akin ngang palayaw ay Keno, kinuha yata sa pagpusta nang aking mga magulang sa lottery.

Ikaw? Kakaiba rin ba ang iyong pangalan/palayaw? Sigurado akong marami ka ding kakilalang may kakaibang pangalan at palayaw.
 
yung bigla kang napalingon kasi akala mo may tumatawag sayo, yun pala pumipili lang sya ng gusto nya.

"yan-yan" sikat kahit saan.. hehehe..
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 46
    Replies
  • 2K
    Views
  • 21
    Participants
Last reply from:
Tamokloy123

Trending Topics

Online now

Members online
1,204
Guests online
8,746
Total visitors
9,950

Forum statistics

Threads
2,344,098
Posts
29,336,578
Members
1,106,137
Latest member
Poging Pikachu
Back
Top