✍️ Arts/Lit Patingin-tingin

Status
Not open for further replies.

msstar

Forum Veteran
Tulala sa iyong karisma
Ibang iba ang iyong pagdadala
Makita ka lang, parang langit na
Paano na lang kung mapansin mo pa?

Ikaw palagi ang magandang tanawin
Mistulang bituin sa aking paningin
Nag-iisa, walang kupas ang ningning
Yun nga lang, kailan mararating?

Hanggang tanaw na lang
Isang tagahangang nakakubli sa parang
Dahil ni minsan hindi napansin
Iyong pagtingin, hindi laan sa akin.

Nananatiling patingin-tingin
Kailan mo kaya lilingunin?
Nang sa gayon itong damdamin
Masabi iyong ibig sabihin.

Hindi mawawalan ng pag-asa sinta
Mananatili akong isang tagahanga
Patuloy na hahanga, titingala
Kahit pa suntok sa buwan at mga tala.


Requested by:
PHC-Jeremy
 
Pano ka mapapansin kung wala kang ginagawa,
Pano mo mararating kung hindi ka hahakbang pauna,,
Kelangang pag isipan,at ang sarili'y dapat ihanda.,
Dahil sa huli hindi mo parin alam ang patutunguhan ,kung pangit ba o maganda? ..XD
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 8
    Replies
  • 747
    Views
  • 5
    Participants
Last reply from:
msstar

Trending Topics

Online now

Members online
779
Guests online
4,591
Total visitors
5,370

Forum statistics

Threads
2,349,611
Posts
29,363,356
Members
1,091,188
Latest member
newgen19
Back
Top