✍️ Arts/Lit "tingnan mo ako gaya ng pagtingin ko sayo"

Status
Not open for further replies.

madpro

Forum Guru
download.jpg


"Tingnan mo ako gaya ng pagtingin ko sayo"



Maaaring hindi ko kayang makarating sayo
Subalit sa isang iglap lamang ay kakayanin ko
Dadaigin ko pa ang mga segundo
Sa bawat pikit bukas ng mga mata ko

Malayo man tayo sa bawat isa
Isang lingon ko lamang sayo'y makakarating na
Dahil walang limitasyon ang bilis nito
Sa bawat pagtingin ng mata ko sayo

Hindi masusukat ang bilis ng tingin
Kahit ikumpara mo pa sa bilis ng tren
Isang tingin ko lamang sayo'y makakarating
Di uubra kahit pa ang hangin

Ganyan ang pagtingin ko sa iyo
Walang pero pero o anumang preno
Deretso sa bawat pagsugod nito
Ganyan na ganyan ang dating ko sayo

Titigan mo ako sa bawat gusto mong anggulo
Pangakong hindi pa ito muling gugulo
Aayusin natin anuman ang naisin mo
Tingnan mo ako gaya ng pagtingin ko sayo


mad | pro


 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 5
    Replies
  • 828
    Views
  • 5
    Participants
Last reply from:
King Warden

Trending Topics

Online now

Members online
1,033
Guests online
5,166
Total visitors
6,199

Forum statistics

Threads
2,349,780
Posts
29,364,307
Members
1,089,328
Latest member
reca111
Back
Top