✍️ Arts/Lit Sino ang hindi patas?

Status
Not open for further replies.

msstar

Forum Veteran
Isip ko'y magulo,
Sino ang hindi patas? Mundo o ako?
Bakit ganito ang nararamdaman
Gayong alam ko, wala akong karapatan.

Patuloy na nasasaktan
hindi alam kung hanggang kailan
Nananatiling nakatingin sa malayo
Umaasang aabot saan ka man patutungo.

Malaya naman ako
Pero bakit tila nakakulong?
Parang may hinahanap ako
Daig pa nakadroga kung ako'y malulong.

Tila wala yata sa katuwiran
Yaong aking nararamdaman
Bagay na matagal nang may katapusan
Bakit hindi pa rin matakasan?

Nasa kasalukuyan ako
Pero bakit parang kahapon pa rin?
Mahal kong damdamin, kay hirap unawain
Sino ang hindi patas? Ako o ang mundo?
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

About this Thread

  • 14
    Replies
  • 880
    Views
  • 5
    Participants
Last reply from:
msstar

Trending Topics

Online now

Members online
1,028
Guests online
5,193
Total visitors
6,221

Forum statistics

Threads
2,349,780
Posts
29,364,307
Members
1,089,328
Latest member
reca111
Back
Top