✍️ Arts/Lit Sa pagpatak ng ulan

Status
Not open for further replies.

msstar

Forum Veteran
Sa pagpatak ng ulan

Sa pagpatak ng ulan
umaasa sa walang hanggan
walang hanggan na nagkahantungan
naiwan ng hindi nalalaman.


Hindi maitagong damdamin
sa pagligo sa ulan dadaanin
upang tulo ng luha hindi mapansin
idadaan nalang rin sa lamig ng hangin


Lahat titiisin
basta kalungkutan ako'y lisanin
nagdurugong damdamin
paano ba tatanggapin?


Ihip ng hangin
ako sana'y tangayin
isama mo na itong damdamin
nang wala na akong isipin.


o ulan, maaari bang ako'y tulungan?
kung bawat pagpatak mo'y kaligayahan
bumagsak ka pa, ako'y hagkan.
Tuluyang hugasan ang pusong sugatan.
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 13
    Replies
  • 1K
    Views
  • 6
    Participants
Last reply from:
msstar

Trending Topics

Online now

Members online
453
Guests online
3,888
Total visitors
4,341

Forum statistics

Threads
2,349,665
Posts
29,363,648
Members
1,091,255
Latest member
gfhh
Back
Top