✍️ Arts/Lit "pangarap"

Status
Not open for further replies.

madpro

Forum Guru




"Pangarap"

Umaga na naman, tulog ko'y di sapat
pagod ko't pawis na tumatagaktak
Katawan ko'y tikman, maalat
Sabay sa agos, ulang pumapatak

Kahit di katangkara'y aabutin
Di man mabilis, aking hahabulin
Dadaan sa matuwid, di ako lilihis
Sayo lang ito, wala nang hihigit.

Wag magtampo't darating ako
Ibibigay sayo, maging sarili ko
Pagkat alam ko, minsan ka lang dito
Nag iisang mithiin dito sa mundo.

Di magdalawang isip para sayo
Magpupurigi itong puso
Di hihinto ikaw lang ang gusto
Makamtam ka, hindi magbabago

Hamakin lahat, maging sapat
Sa'king isip itatapat
Matupad ka lang ilalaan
Aking Pangarap walang hanggan.
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 7
    Replies
  • 768
    Views
  • 5
    Participants
Last reply from:
madpro

Trending Topics

Online now

Members online
1,044
Guests online
4,991
Total visitors
6,035

Forum statistics

Threads
2,349,937
Posts
29,365,241
Members
1,089,412
Latest member
solarfromcodm
Back
Top