✍️ Arts/Lit 'asan na ang aking merienda?

Status
Not open for further replies.

-saseum gogi-

Forum Veteran
Dahil 'di na nagreply sakin ang nagrequest nito, ilalagay ko na lang sa thread. Hope you like it.

Code:
'Asan na ang aking merienda?

Sana maulit muli
Itong magagandang sandali
Masayang pawis dumidikit sa bola
Basketball kasama ng pinakamamahal kong kuya

Pagod na pagod ang mga paa
Napaupo't naghihingi ako ng merienda
Siya'y humagikhik at tumawa
Sabay lakad papunta sa tindahan ni Aling Nina

Isang oras'y wala pa siya
"Grabe ang tagal naman niya"
May isang matandang papalapit
"Aling Nina?", at ako'y hinagkan ng mahigpit

Isang taon na'ng nakalipas
Gamit ko ngayo'y kanyang tsinelas
Papunta ako sa eskineta
Magtuturok ng kandila

'Di ko pa rin alam sa'n galing ang druga
Nakita na lang daw siyang nakabulagta
"R.I.P. Kuya,
'asan na ang aking merienda?"

-venison-
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 1
    Replies
  • 875
    Views
  • 2
    Participants
Last reply from:
Scavenger

Online now

Members online
456
Guests online
4,469
Total visitors
4,925

Forum statistics

Threads
2,353,983
Posts
29,381,679
Members
1,081,218
Latest member
Piero
Back
Top