💕 Dating/Love Mali

Status
Not open for further replies.

onoka

Honorary Poster
Ang pagibig ko nakita ko na ang buong kwento
Nakakaiyak dahil ang kwentong ito ay kwento ko
Mapayapa naman pala ang mundo
Isip ko lang ang nagpapagulo

Tila ba ikaw ay isang hangin
Nasa labas ako nang ikaw ay dumating
Ang kawawang bata, di pa handa
Natangay ng hanging siya lang ang nakakakita

Ang sarap sa naging pakiramdam
Ng lamig na bumalot sa buong katawan
Di alintana kahit na matumba
Basta hangin manatili ka lang sana

Pilit kang hinawakan at niyakap
Ngunit bigo ang lahat ng pagsisikap
Nakalimutan kong ikaw ay hangin
Napadaan lang at lilipas din

Alam na ito ng lahat
Ngunit para tumatak, aking isinusulat
Hindi lahat ng nagbibigay ng kaligayahan
Tama at pinanghahawakan


-- maling pagibig --
Tsk tsk tsk
Bow
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 3
    Replies
  • 576
    Views
  • 2
    Participants
Last reply from:
_GRANDMASTER_

Trending Topics

Online now

Members online
1,132
Guests online
5,346
Total visitors
6,478

Forum statistics

Threads
2,348,909
Posts
29,359,424
Members
1,092,763
Latest member
ciddd
Back
Top