✍️ Arts/Lit Garapon.

Status
Not open for further replies.

6rashaperr

Enthusiast
Gusto kong i-garapon si puso kong *****
Na masyadong paborito ang linyang, “Akala ko lang pala.”
Ilalagay sa supot yung garapon, ibabalot sa maraming kahon
Tapos huhukay ng malalim sa lupa. Doon ko siya ibabaon.

Papalitadahan ko yung lupa ng makapal na semento
Para yung mga pag-asa niyang sobrang mali hindi niya na maimbento
Iiwanan ko nang matagal hanggang ang semento’y magkalumot
Hindi ko siya huhukayin hanggang hindi niya katropa si pagkalimot.

Pero hindi kasi pwede yun.

Wala akong magagawa kundi makisama sa kanya
At baka pag nilagay ko siya sa garapon
Malagutan naman ako ng hininga.

Puso ko, kailangan nga pala kita
Pero nakakainis
Masyado mong paborito maging *****.

--marupeterhenry
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 3
    Replies
  • 683
    Views
  • 4
    Participants
Last reply from:
Jmrie_

New Topics

Trending Topics

Online now

Members online
1,006
Guests online
5,791
Total visitors
6,797

Forum statistics

Threads
2,350,324
Posts
29,366,813
Members
1,087,650
Latest member
stevemckeil
Back
Top