✍️ Arts/Lit Mahal kita ..

Status
Not open for further replies.

kyuketsuki024

Honorary Poster
"Mahal kita" -- isang simpleng kataga ..
Ngunit minsan mahirap ipaunawa ..
Mahirap ipaliwanag, mahirap intindihin ..
Minsan másáráp pakinggan, minsan masakit sa damdamin ..

Mahal kita .. Malayo man ako ..
Mahal kita .. Di ako nagbibiro ..
Mukha mang di totoo, kahit di man kapanipaniwala ..
Kahit pa anong sabihin ng iba .. Mahal kita ..

Magbago man ang takbo ng mundo ..
Sasagupain ko ang ikot nito ..
Haharapin ko, para lang sa pagkakataon na makasalubong ka ..
Sa pagbabaka sakaling ang iyong ngiti ay makita ..

Mahal kita, buong puso't kaluluwa, walang halong pagpapanggap ..
Inaasam ang iyong yakap .. Alam mo bang iyon ay aking pangarap?
Di ko man alam kung paano tatapusin 'tong tula ..
Ang alam ko lang .. Mahal kita ..
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 4
    Replies
  • 1K
    Views
  • 5
    Participants
Last reply from:
Jmrie_

New Topics

Online now

Members online
1,056
Guests online
5,595
Total visitors
6,651

Forum statistics

Threads
2,351,985
Posts
29,373,984
Members
1,084,426
Latest member
Chamath98
Back
Top